Chapter 40: Done

5.3K 105 4
                                    

Psalm's POV

Napabuntong hininga ako bago subukang tingnan ang nangyayari sa ibaba, dahan dahan akong bumaba ngunit isang malaking itim na kapangyarihan ang tumambad sa aking paningin. Napapikit lang ako at napaluha sa mga sandaling iyon ngunit wala akong maramdamang sakit at tila walang lumalapat sa aking balat. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata, nagulat ako ng makita ang isang kapangyarihan na nakasalag sa akin habang galit na galit ang kapangyarihang itim na gustong lumapit sa akin, kilala ko kung sino ang nagmamay ari ng kapangyarihang iyon kaya napabaling ako sa kinaroroonan ng nagmamay-ari niyon. Nakangiti siya sa akin habang pinipigilan ang kapangyarihang gusto akong patayin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga oras na iyon ngunit pinilit ko na lamang ang ingiti ang aking mga labi sa kanya.

Pagkuway ay natalo ang dark magic na gusto akong patayin. Si Revil ang naghagis ng kapangyarihang iyon sa akin, humakbang ako ng dalawa ng  bigla siyang naglaho. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero may kakaibang init ng hangin na nagmumula sa aking likuran. 

"Ahh!" Napapapikit ako sa sakit ng maramdaman ang matalas na patalim na nakatusok mula sa aking likuran, dahan dahan akong lumingon mula sa aking likuran ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita si Revil na nakangisi habang hawak hawak ang dulo ng patalim, ibinuka ko ang aking palad at hinawakan siya sa kanyang kamay, napapikit pa ako sandali ng maramdaman ang dahan dahan niyang paghugot sa patalim mula sa aking likuran ngunit dahil nakahawak pa ako sa kanya ay hindi niya agad maialis iyon, ibunuka ko ng kaunti ang aking labi upang makakuha ng hangin, doon ko ipinadaan ang hangin na nagmumula sa aking katawan kasabay ng paglabas ng kung anong kapangyarihan sa aking kamay na nakahawak sa kamay niya, napansin kong napangiwi siya sa ginawa ko kaya pinilit niyang maialis ang kanyang kamay. At dahil mahina na ang katawan ko nabitawan ko iyon, lumamig ang pakiramdam ko sa mga sandaling iyon at naging payapa ang aking pandinig habang dahan dahan kong ipinikit ang aking magkabilang mata at hinayaan nag bumagsak ang aking katawan sa sahig.

"Ahh!" May narinig akong sigaw mula sa ibaba habang pabulusok ang aking katawan, hindi ko na lang iyon inabala pa dahil hindi ko na maigalaw ang aking katawan.

HM Draew's POV

Sinalo ko si Vidia ng matumba siya sa pagkakasaksak ni Revil, agad kong hinagisan si Revil ng mapansin na papalayo na siya, isang patalim ang hinagis ko natamaan siya sa kanang balikat ngunit daplis lang iyon kaya pinasundan ko naman sa ibang estudyante.

Hinawakan ko ng mahigpit si Vidia at inalalayan habang nakapikit ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung napatawad na ba niya ako sa mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya noon. Pero ayaw ko muna isipin ang mga bagay na iyon, ang mahalaga ay nagbalik siya. Namiss ko siya ng sobra, namiss ko ang bestfriend ko na tinuring ko na ring kapatid.

Ilang sandali lang ang lumipas ng unti unting mawala ang makakapal na usok sa buong paligid, habang hawak ko si Vidia ay hinahanap ng aking mga mata si Psalm.

"HM hindi na po namin naabutan si King Revil." Hingal na sambit ng isang estudyante.

"Ngunit naglagay na po kami ng barrier sa mga posible niyang lagusan patungo sa Kingdom of Dark." Dagdag na sambit ng kasamahan niya, tumango lang ako at nagpasalamat dahil muli kong hinanap si Psalm.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Uye ng mapansin ang pamumutla ng kanyang mga labi, ang sugat niya sa balikat ay namumula pa rin. Agad ko namang inutusan ang ibang estudyante na dalhin siya sa hospital. Muli kong hinanap si Psalm habang nakahiga pa din si Vidia sa aking mga braso, dahan dahan ko siyang itinayo at nagpatulong kay Kieth na duguan din ang katawan. Si Zanderr naman at si  Kaet ay naidala na sa hospital dahil sa kalagayan nila, kasama na rin ang iba pang estudyante na nakipaglaban kanina. Si Reanna ay lakad ng lakad sa aking harapan, dahil hindi siya mapakali na tila may bumabagabag sa kanyang isipan.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now