Chapter 30: Vidia

4.8K 107 0
                                    


Coolen's POV

Naglalakad kami ngayon ni Crytt patungo sa dorm namin. Susunduin lang namin sina Kaet at Psalm na kanina pa hindi dumarating. Pasekreto kong sinulyapan si Crytt. He look handsome tonight, his suit makes him more handsome and honorable. He's kinda cute and a real Prince Charming. Iyon ang tumatakbo sa isipan ko habang ninananakaw ang mga sulyap sa kanya.

"Hoy Coolen nandito na tayo." Natigilan ako ng hawakan ni Crytt ang kaliwang balikat ko, paglingon ko sa itinuturoni Crytt ay bumungad sa aking paningin ang pinto ng dorm namin. Ang bilis naman naming makarating, hays sinusulit ko pa ang mga sandaling iyon e.

Pumasok kami sa loob ng dorm ng buksan ko ang pinto, ngunit nakapatay ang ilaw at tahimik ang paligid ng makapasok kami. Halos nalibot na namin ang buong dorm ngunit wala kaming nakita ng bakas nina Kaet at Psalm, maging ang mga kuwarto ay pinuntahan namin, huli naming tiningnan ang kuwarto ni Psalm sa hindi inaasahan  napansin ko ang nakabukas na cabinet ni Psalm, nakahanger pa ang red dress na binili niya na dapat ay susuotin niya sa Ball, ngunit wala siya dito maging si Kaet.

"Coolen pumunta ka dito!" Sigaw sa akin ni Crytt. Agad naman akong lumabas ng kwarto, napansin ko ang hawak ni Crytt na papel kaya lumapit agad ako sa kanya. Para bang liham ang hitsura niyon kaya binuksan agad iyon ni Crytt at binasa.

____________________________________

Pasensya na kung hindi ako umattend ng Ball. Gusto ko lang kasing magliwaliw, nagpasama muna ako kay Kaet para kung sakaling maligaw man ako ay alam ni Kaet ang daan pabalik. Wag na kayong mag-alala, ayos lang ako. Wag nyo na lang sabihin kay Principal Reanna, alam kong mag-aalala siya. Medyo matatagalan lang ang pagbabalik ko. Pero babalik naman agad ako.

Psalm
____________________________________

Umalis si Psalm, pero saan naman siya pupunta? Bakit di man lang nagpaalam ng personal? Tanong ko sa aking isipan Nang matapos basahin ang sulat, nagulat ako ng  kuhanin ni Crytt ang aking kamay at hinila palabas ng dorm, pero hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Siguro ay babalik na kami sa Session Hall. Ngunit dumiretso kami sa training room. Maya Maya pa ay binitawan na niya ang kamay ko at pinaupo ako sa bakanteng upuan, lumakad siya papalayo sa akin at tumayo sa bandang pinto na tila maroon siyang inaabangan sa labas, tumingin din ako sa direction kung saan siya nakatingin ngunit wala naman akong makita. Tumayo ako at lumapit sa kanya upang magtanong ngunit bigla niyangtinaklubanb ang aking bibig gamit ang kanyang malabot na kamay. Napalunok ako ng laway ng gawin niya iyon, nilakihan niya ako ng mata which means don't create any noise so I nodded para maging sagot sa sinasabi ng kanyang mga mata.

Tumahimik na lang ako, para di siya maistorbo sa kanyang ginagawa. Nakabusangot ako habang naka cross arm nang bumalik sa aking kinauupuan kanina. Tapos hindi ko pa makita yung nasa labas, kaya anong magagawa ko kundi tumahimik lang dito sa tabi, Maya maya pa ay lumapit na si Crytt sa akin.

"Sumunod ka sa akin." Nagulat ako sa kanya dahil sa bulong na iyon, tumayo ako at lumakad ng dahan dahan kasabay niya.
Nang makalabas na kami ng training room, ay nagtungo kami sa madilim na lugar. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Palinga linga pa ako sa likuran namin dahil madilim. Maya maya pa ay tumigil si Crytt sa paglakad kaya tumigil din ako. Pagharap ko---

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now