Chapter 11: Secret Hero

7.6K 177 8
                                    


Kieth's POV

Kagigising ko lang, 6:24 na rin ng umaga kaya naligo muna ako at naghanda para sa training namin mamaya. Lumabas na ako ng kwarto nang maabutan sina Kier na nakabihis na rin.

Lumabas na kami ng Dorm at naglakad lakad. Napakatahimik ng paligid dahil wala pa masyadong estudyanteng sa labas.
Ito namang si Kier lumihis na naman ng daan.

"Kier where are you going?" Tanong ni Dhaecob.

"Library." Tipid na sagot ni Kier.

"Ano naman ang gagawin niya doon?" Sambit ni Zanderr.

"Ano ba ang ginagawa sa Library?" Pabalang na tanong ko sa kanila, sabay lakad ulit.

.

.

.

Kier's POV

"Teka ano pala ang gagawin ko sa library?" Tanong ko sa sarili ko, bahala na ito na ang nasabi ko kanina kina Kieth e.

Nang makapasok ako sa library ay agad kong napansin ang pinto, tila may mas nauna sa akin dahil nakakawang ang pinto kaunti. Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad, di ko alam kung bakit ayaw tumigil ng paa ko.

Maya maya pa may napansin akong talsik ng dugo sa isang shelve, agad akong lumapit doon at tiningnan iyon.

Saan naman galing ang mga dugo na ito? Tanong ko sa sarili, humakbang ako ng kaunti at may napansing anino.

May tao na nga dito, pero sino sya at bakit may dugo? Muli kong tanong sa sarili ko.

Ang weird naman, pero kung sino kaman wala na akong pakialam. Gulatin ko kaya, wag na pala baka mahimatay. Pero sino ka ba talaga?

Lumapit ulit ako ng kaunti kaso nag-aalangan akong sumilip kung sino ang taong iyon.

Itry ko kayang tingnan para malaman ko, wag na baka maistorbo ko pa, at baka nag-aaral pa. Makaalis na nga. Sarili ko lang ang kausap ko sa mga sandaling iyon, kaya para na akong tanga.

Hays aalis na lang ako.

"Mommy, Daddy. " Boses ng isang babae ang narinig ko ngunit hindi pamilyar ang boses na iyon sa akin

"Excuse me?" Tanong ko, ngunit hindi siya nagsalita. Lumapit na lang ako, at laking gulat ko ng makita ang nasa likod ng boses na iyon.

Anong ginagawa niya dito, bakit dito siya natutulog? Tanong ko sa kanya pero sa isipan ko lang.

Ang ganda niya talaga, angel na angel ang ganda niya. Pero bakit mo pala tinatawag ang mga magulang mo, namimiss mo na ba sila? At napatingin ako sa tuhod niya. Teka bakit siya may dugo, anung nangyari sa kanya? Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya para nakaupo siya ng ayos. Ngunit nagulat ako ng mahawakan siya, malamig siya at ngayon ko lang napansin na namumutla na pala siya.

Napalinga linga ako at napansin ko ang isang upuan na sira na halos makulayan ng dugo. Agad ko siyang binuhat at dinala sa Academy Hospital, kahit medyo mabigat siya.

At Academy Hospital


Hindi pa rin siya nagigising, kawawa naman siya. Sobrang putla niya kanina hanggang ngayon.

"Mabuti na lang at naagapan mong idala siya dito, dahil kung hindi ikamamatay niya. Muntik na rin siyang maubusan ng dugo." Sambit ni Mrs. Heale.

"May bali po ba ang kanyang tuhod?" Tanong ko.

"Oo meron, kaya kailangan niya ng pahinga." Agad namang sagot ng healer.

"Makakalakad pa po ba siya?" Sunod kong tanong, nag-aalala lang kasi ako.

"Oo naman pero matatagalan pa." Agad naman niyang sagot.

"Kayo po muna ang magbantay sa kanya, kailangan ko na po kasing umalis."

"Teka iiwan mo ang girlfriend mo dito ng mag-isa?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sana nga po." Malungkot kong bulong sa sarili.

"Hi-hindi ko po siya girlfriend, kaibigan ko lang po siya." malungkot kong sagot.

"Naku! Mga kabataan ngayon, okay lang kung ayaw mong aminin. Pero bagay kayo. Sige ako muna ang magbabantay sa kanya pero pakibilisan ang balik ha?" Naka smile niyang sambit.

Ramdam ko na namula at uminit ang aking pisngi sa mga sandaling iyon.


"'Wag niyo na lang pong ipaalam na ako ang nagdala sa kanya." Malungkot kong sambit.

"Alam kong maiinis siya kapag nalaman niya." Sambit ko sa isip ko.

"Oo hindi ko sasabihin, Secret Hero ayieeeee." Natawa ako sa sinabi niya.




Agad na din akong umalis sa Academy Hospital 7:43 ng umaga. Nag-alala pa rin  ako at namumula, hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi ni Mrs. Heale kanina.

Ipinaalam ko na rin kina Kaet, Coolen at Quira ang nangyari, pero hindi ko sinabi na ako ang nagdala sa kanya (Psalm).

Sinabi ko na lang na si Secret Hero ang nagdala sa kanya, ang cute hahaha.













Author's POV

Naku Prince Kier inlove ka na nga talaga.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now