Chapter 14: The truth about the necklace II

7.1K 155 3
                                    


Comment lang po kayo kung may request kayong pangyayari na gusto niyo pong isama ko sa story :)
.
.
.
.
.
Principal Reanna's POV

.
.
.

Kagigising lang ni Psalm, at pinaupo muna namin siya bago sabihin ni Draew ang pakay niya dito. Mukhang unti-unti na ding nawawala ang pagkapugto ng mga mata niya. Napatingin ako sa tuhod niya at mukhang maayos na rin pero dumudugo pa rin hanggang ngayon, masyado kasing malalim ang sugat niya at malapit pa sa buto kaya patuloy sa pagdugo. Hindi mo makikita sa mukha niya na muntik na siyang mapahamak, and that is because of her angelic and beautiful face. Kamukhang kamukha niya talaga ang Mahal na Reyna.

"Psalm are you okay, wala ka na bang nararamdaman?" Tanong ni Draew, ngunit napatango tango lang si Psalm habang nakatingin sa bulaklak na nasa table. She's weird this past few days, tinititigan niya lamang ang mga halaman na parang nakikipagtitigan din ito sa kanya. Sa ngayon hindi pa namin siya makausap, para kasing may bumabagabag sa kanyang isipan at hindi kami makabwelo ni Draew.

Psalm pasensya kana kung hindi ko magagawa yung sinabi ko sayo. Sana mapatawad mo ako kung hindi ko iyon magagawa. Mahal na mahal ka namin kaya ko ito gagawin. Ayaw lang kitang mapahamak. Sambit ko sa aking isipan, okay lang sa akin kung ako ang mapahamak 'wag lang siya.

Biglang naman akong siniringan ni Psalm na para bang narinig niya ang mga sinabi kong iyon. Wala akong magagawa kundi ang protektahan at iligtas siya, lalo na sa galit niya sa sarili.

Flashback

Ang dating si Psalm na isang Magic User ay napalitan ng Psalm na most hated ang magic.
Sobrang mahal niya ang magic, lalo na noong nabubuhay pa sina Paul at Mira. Halos lahat ng galaw niya noong bata pa siya ay may bahid ng magic. Pero simula noong namatay sina Paul at Mira, sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Nakasanayan niya na din ang pagtetraining sa araw ng Biyernes. Hindi naman aakalain ng mag-asawa na iyon na pala ang araw na mawawala na sila sa buhay ni Psalm. Halos maguho ang mundo ni Psalm noong namatay sina Paul at Mira, mabuti na lang ako ang bantay niya noong mga panahong iyon. Ilang araw siyang hindi kumakain, laging nasa kwarto at nagkukulong lamang.

Mula din noong araw na iyon pinauwi na niya ang ibang kasambahay malaiban sa akin na bumalik dito sa Magical World, dahil palagi niya kasi itong nakikita na gumagamit ng magic. After 3 days ng mamatay nina Paul at Mira, nagsabi si Psalm na kong gagamit daw ako ng magic huwag ko ng tangkain pa, kumusa na lang daw ako na bumalik sa Magical World. Hindi ko naman pepwedeng hindi sundin iyon, lalo na at mag-isa lang siya dito sa bahay, syempre hindi ko siya pepwedeng iwan kaya hindi muna ako gumamit ng magic.

Halos araw at gabi libro ang hawak niya, pinag-aaralan niya ang mga dugo ng bawat hayop. Tinetest niya ang mga iyon at pinag-aaralan kung pepwedeng maging lason. Hinahanap niya ang klase ng hayop na may kamandag na nagmumula lamang sa dugo. Halos maging Hospital ang bahay, dahil na rin araw-araw may dala si Psalm na iba't-ibang klase ng hayop.

Hindi siya pumapasok sa school, kaya napagdesisyunan kong ipadala sina Kaet dito sa Mortal World. Kahit papaano ay nabawasan ang pagkukulong niya sa kwarto at pumasok na rin sa wakas. Ang kaso lagi na niyang suot ang malaking salamin na ginagamit niya noong lagi siyang nakakulong sa kwarto. Napasok nga siya pero kadalasan nasa library at humahanap pa rin ng mga kasagutan. Ayaw niya kasi na pag-usapan ang kahit anumang may kinalaman sa magic. Kaya kahit yung libro niya na tungkol sa magic ay ipinatapon niya sa akin, pero itinago ko na lamang iyon sa halip na itapon. Kahit anong gamit sa bahay na may magic ay ipinatapon niya, pero lahat yun ay itinago ko lamang. Sobra ang galit niya sa magic, at hindi ko siya masisisi.

Tandang tanda ko pa na ang last na hayop na pinag-aralan niya dito sa Mortal World ay ang ibon. Lahat ng uri ng ibon, malaki man o maliit, nakakalipad man o hindi, makapal man ang feather, at nakakapagsalita.

Buti na lang at hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa Red Diamond Ruby Necklace. At hindi niya iyon iniiwan kahit saan siya pumunta dahil galing iyon sa Mommy at Daddy niya na galing sa akin, na ibinigay ni Draew sa akin at ibinigay ng Hari at Reyna kay Draew. Pero hindi niya ito isinusuot sa Mortal World dahil pinaka bibilin ng parents niya na sa Academy lamang ito dapat isuot at hindi dito sa Mortal World. Para na rin sa ikabubuti niya, because once na suotin niya iyon hindi na iyon matatanggal sa kanyang katawan dahil magkakabit ang birthmark niya sa right shoulder niya at ang Red Diamond Ruby Necklace.

Ang bawat galaw niya at nararamdaman ay nakakabit sa birthmark niya at sa necklace.

Once na may maramdaman siyang Dark Magic , sumasakit ang kanyang birthmark at umiilaw naman ang necklace ng sobrang lakas. Hindi naman nasusugatan ang kanyang birthmark, maari lamang itong sumakit ng sobra, at hindi ko alam kung kailan matatanggal ang pagsakit ng balikat niya. Basta ang alam ko matatanggal din ang pagsakit niyon.

End of Flashback.

Sana naman maintindihan niya na kailangan niya ulit tanggapin ang magic sa buhay niya, na kahit wala na ang mga tumayong magulang niya sa Mortal World alam kong maiintindihan niya rin ang mga nangyayari. Namimiss ko na rin kasi ang Psalm na inalagaan ko for almost 15 years, ang batang si Psalm na malambing at napakabait. Sana bumalik na siya, gayundin ang mga ngiti sa labi niya noong nabubuhay pa sina Paul at Mira.

Hay Paul, tama ka nga na kahit anong ganda ng ngiti ng anak anakan mo noon siya namang sama ng pakikisama niya ngayon sa mga kasamahan niya maging sa akin na nag alaga sa kanya. Tama ka na darating ang araw na lalabas ang tunay na ugali ng batang ito sa pagdating ng tamang panahon, at siguro ito na yung tinutukoy mo.  Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin pa din kay Psalm na nakatitig pa din sa bulaklak, biglang sumagi sa isipan ko ang maaring gawin ni Psalm sa tinitingnan niya sa ngayon. Hay huwag naman sana muna at baka ang pagiging weird niya sa mga hayop ay mauwi na naman sa kung ano.








TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now