Chapter 16: Powerful Magic III

6.6K 153 6
                                    

I'm still thinking of what Psalm's eyes asking for. I wanted to ask what her eyes sayin' , although she is super wild a while ago. I look at her eyes but she just nodded, then after a couple minutes she started to speak.

"Ahm I'm sorry for what I've done a while ago. I can't control my self when it comes to my parents situation." She said.

"It's okay Psalm we understand, we know what pain you've experienced." Reanna added.

"HM, ano po pala ang totoo about sa necklace ko." Mahinhing tanong ni Psalm habang nakatingin sa akin.

"We will tell you later." Sabay naming sambit ni Reanna.
"Ngayon na po, please." Nagmamakaawang sambit ni Psalm.

"Okay lang ba sayo na pag-usapan natin ito, dito?" Tanong kay Psalm, kahit na medyo may kaba pa din sa dibdib ko.

"Okay lang po. Sa totoo lang po noong nakaraang araw pa po itinatanong ng isip ko ang mga bagay na tungkol doon." Mahinhin niyang sagot.

"Hindi ko alam kung saan magsisimula e." Sagot ko naman sa kanya, e nakalimutan ko kasi yung sasabihin dahil sa nangyari kanina. Malay ko ba na tatanungin niya ulit. Tsaka ang init nga ng ulo niya kanina kaya paano pa sasagi sa isip ko ang mga iyon, e nangyari na yung kanina.

"Okay lang po ba kung sa conclusion na lamang kayo magsimula?" Muling tanong ni Psalm.

"Sige ahmmmm. May kakayahan ang necklace mo na magpagaling ng kahit anong malalang sakit, at kahit walang malay ang may suot nito kaya pa ring magpagaling nito." Yun agad na ang nasabi ko, kasi conclusion ang gusto niya edi yun conclusion agad ang sinabi ko.

"So I can use it para gumaling  agad ang aking tuhod?" Excited na tanong ni Psalm.

"Yes you can, but first may mangyayaring hindi maganda." Reanna said.

"Ano naman po?" Tanong mulini Psalm. Ano ba yan kanina halimaw kung magalit ngayon naman angel na angel ang boses. Di ko talaga ma gets ang emotion ni Psalm, pabago bago.

"Hindi ko din alam kung ano iyon?" Reanna added.

"Why don't you try Psalm,  try to concentrate and think na gagaling ang tuhod mo. Baka sakaling gumana." Singit ko namang suggestion. Wala yun lang naisip ko e, masyadong mababaw kasi ako mag isip hehehe.

"Okay I will try." Sagot ni Psalm.

Psalm start to concentrate and focus on her knee. Umupo siya para makapagconcentrate ng ayos.

After a few minutes. Parang hindi ata gumagana.

12:59 pm na pero wala pa ring nangyayari.

"Focus Psalm." Sambit ni Reanna.

"I tried na nga e!" Galit na sigaw ni Psalm kay Reanna.

Namumuo na naman sa mukha niya ang galit katulad kanina. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko dahil ibang galit ang nabuo sa mukha niya. Tumingin ako sa paligid at unti unting dumidilim ang lahat. Halos maging gabi ang paligid pero 1:01 pa lamang ng hapon. Binuksan namin ang bawat ilawan sa buong Hospital. Humahampas sa bawat bintana ang malakas na hangin at mas lumakas pa lalo ng lumakas ang hangin. Hanggang sa mabuo nito ang isang malaki at malahalimaw na tornado. Nakatingin ako kay Psalm, wala pa ring pagbabago sa mukha niya. Galit pa rin siya, at nadagdagan ulit ng panibagong kapangyarihan ang tornado. Unti unti itong nagkaroon ng kulay at kidlat. Pula ang kulay ng tornado. At lumakas pa ulit iyon ng sobra. Sinubukan naming patigilin si Psalm, ngunit bigo kami. Nadagdagan ulit ito ng lava na parang pinaghalong tubig at apoy dahil sa kulay nito. I try to stop her again, pero gaya kanina hindi namin siya mapigilan.

"Psalm tama na! Psalm!" Sigaw ni Reanna. Kumapit ako sa upuan dahil halos madala kami ng hangin.

"Psalm itigil  mo na iyan!" Muling sambit ni Reanna, dahil sobra na kasi ang lakas ng kapangyarihan inilabas ni Psalm. Maya maya pa ay may kumatok, hindi naman agad ako makapunta sa may harap ng pinto dahil sa lakas ng hangin. Ngunit sinubukan ko ang kaso patumba tumba ako ng tumungo sa harap ng pinto. Bubuksan ko na sana ng biglang humampas ang hangin papalapit sa amin. Pinilit ko pa ring buksan ang pinto, at niluwa ng pinto ang mukha ni Kier. Nag-aalala ito at hingal na hingal.

"A-no po ang nangyayari?" Tanong ni Kier habang hinahabol ang kanyang hininga.
"Pigilan mo si Psalm!" Sabay turo kay Psalm na nakaupo pa rin sa kama niya.

Agad namang lumapit si Kier ngunit nahirapan din siya. Patumba tumba din siya tulad ng nangyari sa akin kanina. Si Reanna naman ay kumapit na rin ng mahigpit. Pinilit ni Kier na lumapit ng paulit ulit, at pagkatapos ng ilang segundo nahawakan na niya si Psalm.

"Psalm tama na! Itigil mo na yan!" Sigaw na sambit ni Kier, ngunit walang kibo si Psalm. Nang walang anu ano ay agad na niyakap ito ni Kier.

At sa pagkakayakap niyang iyon unti unti ng nawawala ang malahalimaw na kapangyarihan. Ngunit napalitan ito ng napaka kapal na fog, wala akong masyadong makita. Kahit maliwanag na at nawala na ang madilim na paligid ay hindi ko pa rin makita ang mga kasama ko.

After a few minutes unti unti na ring nawala ang fog. Nagulat naman ako ng makita ang paligid, dahil basà ang sahig ng kwarto ni Psalm. Nilingon ko si Psalm at nakita kong nakayakap pa rin si Kier sa kanya.

Napansin kong nanlalaki ang mata ni Psalm sa mga sandaling iyon.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw niya, sabay tulak kay Kier, agad namang bumitaw si Kier

"Ah ahm I'm sorry." Mahinhin na sabi ni Kier sabay kamot sa baton niya.




Author's Note:

Haha naka isa ka dun Prince Kier ah hahahaha

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now