Chapter 32: 10:58 PM

4.6K 98 0
                                    


Larawan ni Draew, pangalan ni Draew, award ni Draew at mga certificate niya.
Teka bakit may picture si Draew dito? Binasa ko ang nakasulat sa bandang baba ng larawan.

Head Mistress Ms. Draew Guttierez

Unti unting naiipon ang aking luha sa gilid ng aking mga mata sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kong pipigilan ko ba ang aking pag iyak. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang pagpatak ng luha ko na umaagos sa aking pisngi. Lumabas na lang ako at tinungo ang dorm. Bago ako pumasok pinunasan ko muna ang aking pisngi, ayaw kong ipahalata sa kanya ang nakita ko.

Head Mistress Draew's POV

Dumating na si Vidia at parang ang lungkot ng mukha niya. Tiningnan ko ang hawak niya pero itinago niya iyon sa kanyang likod. Lalapit sana ako sa kanya pero umatras siya at dumiretso sa comfort room, sinundan ko siya ngunit ng pihitin ko ang door knob nakalock iyon.
Kinatok ko ang pinto ng C.R. pero hindi siya nagsasalita.

"Vidia buksan mo ang pinto! Vidia I'm sorry!" Sigaw ko habang nagbabadya ang aking mga mata na lumuha.

"Sorry hu hu hu. Ayaw ko naman talaga ng ganito e. Vidia hu hu hu!"

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pasensya na hu hu hu. Pero ginawa ko naman ang pangarap mo. A-ang sabi ko sa Hari once na magising ka sayo ibibigay ang position ko ngayon. Pero binigyan nila ako ng limitation." Ginamitan ko ng spell ang pinto upang bumukas, at bumukas nga iyon. Pero walang tao sa C.R. ng pumasok ako.

"Vidia! Hu hu hu!" Sigaw ko habang nasa C.R., sinisisi ko ang sarili ko, dahil sa ginawa ko nawala sa akin ang pinakamamahal kong kaibigan.

End of Flashback

Nagbabadya ang aking mata sa pagluha ng maalala ko lahat ng iyon. Hindi ko alam kung paano haharap sa kanya, pero siya mismo ang humarap sa akin. Wala ng bahid sa kanyang mukha ang pakialam niya sa pagkakaibigan namin.

Binulungan ni Vidia si King Liam. Nag iba ang expression ng mukha ni King Liam at tila ikapapahamak ng lahat kapag hindi niya ginawa ang sinabi ni Vidia. Hindi ko narinig ang sinabi ni Vidia kaya tumango na lang ako habang pumapatak na naman ang aking mga luha. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagkaganito si Vidia.

Nasaan ka na ba Psalm? Bulong ko sa aking isipan.

"Huwag mo ng hanapin si Psalm." Napatunghay ako at tiningnan si Vidia, nakatingin din siya sa akin sa mga oras na iyon. Teka nakakabasa siya ng isip?

"Oo Draew kaya kong basahin ang iniisip mo, wag ka ng umasa na darating siya. Dahil pinabalik ko na siya sa Mortal World. Ha ha ha ha hahaha!" Lalapit sana ako sa kanya ng bigla akong hawakan ng isa sa kawal niya.

"Ano mahal kong kaibigan? Huwag ka ng pumalag dahil masasaktan ka rin naman." Imbes na magalit ako sa kanya ay luha ang pumalit sa galit ko, dahil sumasagi pa rin sa aking isipan ang nangyari noong mga panahong iyon. Maya maya pa ay kinuha ni Vidia ang mikropono at nagsalita.

"Mahal kong Academy hay, namiss ko 'to. Ngayong gabi ay matutuloy ang isa sa pinakamahalagang event sa kasaysayan at mamaya ay darating ang isang special guest na malayo pa ang nilakbay kaya magsihanda kayo." 

At sino naman ang special guest na tinitukoy niya?

Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Vidia ay itinali na kami ng mga kasama niyang kawal. Kasama na rin ang mga royalties, ngunit hindi sina Crytt at Coolen dahil wala sila dito pareho, at hindi ko pa alam ang nangyari sa kanila sa pagsundo kina Kaet at Psalm.

Crytt's POV

Masakit ang batok ko nang magising ako, papungay pungay ako ng makita si Coolen na natutulog. May bumatok sa akin kanina kaya sumasakit ang batok ko ngayon at kung sinuman iyn pagbabayadan niya ang ginawa niya sa akin. Tiningnan ko ang aking paligid, luminga linga din ako ngunit kami lang talaga ni Coolen ang nandito sa isang lugar na hindi ko alam kung saan, madilim at mapuno ang paligid kaya hindi ko masabi kung saan. Ibinalik ko ang tingin kay Coolen na nakapikit, gusto ko siyang lapitan ngunit nakatali ang aking mga kamay at paa ngunit napansin ko na mahaba iyon kaya makakalapit ako sa kanya. Napansin ko ang taling ginamit sa akin, may mahika iyon maging ang kay Coolen.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant