12: Not into You

17.9K 303 4
                                    

I'm NOT into you.

-Jhiro

I'm - I'M NOT INTO YOU TOO! Che!!
Chiyo:

💟💟💟

Chiyo's POV

Nang maglapat ang nga labi niya sa akin pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa kaba. My palms sweating, knees shaking, heart thumping and there's this strange feeling inside my stomach parang may mga langgam na nagtipon doon at nagsasayaw. Hindi ko alam ang mararamdaman. It was a forceful kiss.

Kiss nga ba ito? Eh, parang ibinangga lang niya yung lips niya saakin eh. But...why I feel like this? Jusme! Pakiramdam ko malulusaw ako!

I was so busy about Mr. Mijares kiss na hindi ko namalayan ang tatlong pares ng mga matang nakatitig saamin.

" Ahem. " Sabi ng isa.

Doon lamang ako natauhan at biglang itinulak siya ng malakas papalayo saakin, dahilan para mapaupo ulit ito sa kinauupuan niya kanina.

" sorry na-naistorbo ata namin kayo. " Kibit balikat na sabi ni Chris na halatang awkward sa sitwasyon.

" Ate, tuloy niyo na yan! Aalis na kami hehe." Sabi naman ni Chandra habang itinutulak paalis ang Tulalang si Itay at si Chris. Abot sa tenga ang ngiti nito at halatang nasisiyahan sa nakita kanina.

" No,please stay. Me and Mis-- ahem. My Wife needs to discuss things with you guys. " Sabi nito at tumayo mula sa pagkakaupo.

My jaw dropped when I heard him said that.


My Wife.




Wife



Wife..

Nananaginip ba ako?

Nanlalaking mga mata at hindi makapaniwalang expression. That's the exact look we'd been making while looking at Mr. Mijares right now. Na para bang tinubuuan siya ng ikatlong ulo.

Me? Wife? Kailan? Paano?

Tumingin siya saakin at inilapit ang mukha niya sa tenga ko at bumulong.

" Play along with me. If we can't pull this off it'll leave me no choice but to tell the the truth. About you, the contract... Everything. " Napatulala lamang ako sakaniya ng bigla siyang ngumiti at ikinabig ang beywang ko papalapit sa kaniya.

" I want to officially marry your daughter sir. "

Sawakas ay basag ni Jhiro sa halos 3 minutong katahimikan. Kasalukuyan kaming nakaupo at pinapakiramdaman ang bawat isa.

" Magpapakasal kayo ni ate? Kailan po? Uy Bridesmaid ako ah! Please ate saakin na lang yung Bouquet mo ah! " Excited na pahayag ni Chandra. Siya lang ang taong masaya at Hindi awkward saamin ngayon dito sa silid na ito. Malamang hindi dahil wala siyang alam sa contrata namin ni Mr. Mijares, talagang insensitive lamang ito kahit kailan.

He's MadWhere stories live. Discover now