Teaser

16.6K 296 15
                                    

Song Prank

This takes place after they got a little closer. =)

Bored

Sobrang bored na ako sa bahay! Bakit kasi ayaw akong palabasin ng bahay nung taong 'yon! Buryong na buryong na ako dito!


And bakit ganoon na lamang ka over protective ng mga kasambahay saakin? Na para bang ni dulo ng daliri ko ay hindi dapat madumihan o ma-mantyahan man lang. It's bothersome, really.

Sa sobrang bored ko kanina pumunta ako sa Garden at nag bunot ng mga damo. Hindi pa man ako nakakabunot ng tatlong damo sa lupa ay nakita na ako ni Manong hardinero. Nanlalaki ang mga mata niyang nabitawan ang hawak na shovel.

" Manong bored po kasi ako sa bahay kaya tutulungan ko na lang po kayong mag da- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang lumuhod.

" Naku ma'am! Para nyo ng awa! Masisisante po ako ni Sir pag nalaman niyang pinag bunot ko kayo ng damo! Maawa po kayo may tatlo po akong anak! " Nagmamakaawang sabi ni Manong hardinero. Nag panic naman ako kaya agad ko siyang nilapitan at itinayo.

Hindi talaga siya tumayo hanggat Hindi ko sinabi na titigil na ako. Pag katapos kong mag paalam at umalis na sa Garden bagsak ang balikat na nagtungo naman ako sa kitchen. Napakalaki niyon. All the staffs are staring at me na para bang nakakita sila ng multo.

" H-hi " I said awkwardly, ngumiti ako at naglakat para tignan ang ginagawa nila. Nag luluto na sila ng hapunan at ang iba ay nag b-bake ng kung anu-ano na obvious naman na ako lang ang kakain. Sa bahay na ito kasi ako lamang ang namamalagi doon. Jhiro's always busy, halos sa opisina na nga siya tumitira.

" Can I help you with something? Kahit ano, maghugas ng pinggan, mag hiwa ng gulay kaya ko yun! " Alok ko ng tulong habang naka ngiti.

Nagsiharapan naman sila saakin at nagulantang. Isa isa silang tumigil sa kani-kanilang gawain at lumuhod isa-isa.

" Ma'am huwag po! Kaya na namin ito! " Said the Head chef. I think.

" O-Opo ma'am huwag po kayong mag alala we'll make sure na the best dishes ang ihahanda namin for lunch. " Sabi naman ng isa na sa tingin ko ay chef din?

Kunot ang noo ko habang nakatitig sakanila. Hindi ko naman pinagdududahan ang kakayanan nila. All I wanted is to help dahil pakiramdam ko tutubuan na ako ng mga mushrooms sa katawan dahil sa sobrang pag-kukulong sa kwarto.

" Hindi naman-- " Naputol uli ang sasabihin ko ng isa-isa silang umiyak?

" Ma'am hindi ko pa po tapos pag-aralin ang apo ko! " Sabi ng isang matandang maid na lagpas 50+ na.

" Ma'am kakamatay lang po ng Asawa ko! Wala akong mapupuntahan kapag nasesante po ako dito! " Sigaw naman ng isang babae na naka maid uniform din.

He's MadWhere stories live. Discover now