Special Chapter 3

12.7K 199 16
                                    

AN/: Dahil mahal ko kayo- ayan may special chapter again!!! 💕


What if...

Chiyo meet the younger version of Jhiro?

What will happen?!

( Younger Version of Jhiro and Chiyo ) ❤️😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( Younger Version of Jhiro and Chiyo ) ❤️😊

(c) to the owner

***

Chiyo's POV

Minsan sa sobrang perfect ni Jhiro naiisip ko tuloy na baka fake lang siya. Yung feeling na isang araw magising ako na nananaginip lang pala ako. Na pag bukas ko ng mga mata makikita ko yung mababang kisame ng bahay namin, ma re-realize na walang kureyente at tubig, magigising sa ingay ng mga kapit bahay na ka-umaumaga ay nag chichismisan sa tapat.

I don't know if it'll be a nightmare or a dream. Pero mga bes...

Sabihin niyo nananaginip lamang ako!

" Yung kisame..."
Sabi ko habang nakatitig ng maigi sa pamilyar na bubong.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ng ma realize ko kung nasaan ako! Ito yung bahay namin! Pero..Papaano? Bakit? Panaginip lang ba ang lahat?! Jusko! Kung ganoon...Wala talagang Jhiro Mijares? Walang Marcus? Seven? or mga cute na anak?! Pero...parang totoo talaga eh.

Napahawak ako sa noo ko.
You've got to be kidding me!

" ATE! TANGHALI NA! MAY PASOK KA PA! " Sigaw ni Chris sa labas ng kwarto ko. Huh? Pasok?

" Pasok? A-ah. Oo, may pasok ako sa Club ngayon. " Parang wala sa sariling sabi ko. Pero nang buksan ni Chris ang pinto napanganga ako.

Bakit ang bata ni Chris??! Teka...tumingin ako sa sarili kong mukha gamit ang salamin na nakapako sa dingding... Shocks! Bakit ang pretty ko? I mean, ang bata ko pa? Wait...hindi ba, 23 years old na ako? Eh bakit mukha akong edad 15-16? Anong nangyayari!?

" Ate dalian mo na! Mali-late na tayo sa school! " Sigaw nito kaya nagmamadali akong tumayo at lumabas. Doon ay nakita ko si Inay, Itay na kumakain. Pati si Chandra na napaka bata pa. Ano ba talaga ang nangyayari? Panaginip lang ba talaga ang lahat?

Hanggang sa pag lalakad ko papuntang school. Kahit weird man alam kong may mali. Alam kong medyo may hindi Tama sa mga nangyayari! Alam kong si Jhiro Mijares ay totoo. Napakagat labi ako. Gusto kong umiyak. A world without Jhiro?

He's MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon