Chapter 1: 3rd Warning

21.6K 646 70
                                    

Chapter 1: First Meet "3rd Warning"

Good Morning World! 5:30?
Ang aga-aga pa ha? Pero Ok na rin to para makapaghanda ako sa first day of school ko.

Yea, Oo. Tapos na akong maligo, kakain nalang ako.

-
Hindi na ako nagsuklay ng buhok dahil para saan pa ang pagsusuklay kung kulot talaga buhok ko? Tska wala na ring powder powder sa mukha eh maputi naman ako eh. And also may Eyeglasses, Oo! Syempre nerd is me.

Nagbabike lang ako papuntang School ko, malapit lang kasi sa bahay ko.
Oo, bahay ko. Di naman sya bahay parang condo lang? But I usually call it bahay. Yung Mama at Papa ko kasi nagtatrabaho sa ibang bansa kaya eto, mag-isa si Nerdy. Pero pinapadalhan naman nila ako ng pera.

-

Nakarating na ako sa gate ng school ko.
Woah! Pang mayaman talaga. Ang social!

Di ko talagang maiwasang mapakunot noo dahil sa mga masasamang tingin sakin ng mga students dito.

Pero bahala na nga sila. Mag-aaral ako dito hindi makikipag-away ba ka makick out pa ako. Mahirap na!

Habang naglalakad papuntang room, may tatlong lalaking humarang sa daan ko.

"Excuse me!" sabi ko pero hinablot nung isa yung bag ko at binuksan ito tska pinalipad lahat ng papel.

Umuulan ba ng Papel? Joke!

Pilit kong abutin yung bag ko pero hindi eh, ang tatangkad nila eh.
Tinutulak lang nila ako palayo habang ako talon ng talon para maabot yung bag ko, pinagtatawanan na ako nila pati yung mga students na naka palibot.

Maya-maya pay may dumating na isang lalaki, kulay pula yung buhok nya.
Kinuha nya yung bag ko at akala ko tutulungan nya ako pero akala ko lang pala iyon dahil.

Binuhos nya yung bag ko at isa-isang nahulog yung mga gamit ko.

Umuusok na ang ilong at tenga ko sa galit.

Itinapon nya malapit sa putik yung bag ko at lumapit sya sakin.

May dinikit sya sa noo ko. Ano to?

3rd Warning? Baliw ba sya? Bakit nya ako winawarningan?
sunod sunod kong tanong sa sarili

Nilukot ko yung papel at ibinato sa kanya. Lumingon naman sya. Bakit parang may kakaiba sa mukha nya? Parang naawa sya..
Teka naawa rin ba ako? Eh binully nga nya ako eh! Bahala sya.

Isa-isa kong pinulot yung mga gamit ko pati yung bag ko na malapit sa putik pero buti nalang konte lang yung dumi.
Gusto kong maiyak pero ayoko ipakita sa kanila yung kahinaan ko dapat maging matatag ako.

Pagkatapos kong pulutin yung mga gamit ko ay agad na akong tumakbo papuntang room ko.
Room 137 Section1 yun eh. Nasa 4th Floor pa yon.

-

Nakadating na ako sa room.
Sakto wala pa yung professor namin at dumiretso na ako sa likod wala pa rin namang nakaupo dun.

-

Pagkatapos ng 4 subjects ay recess muna pero sa Library nalang muna ako para makatipid ako ng pera.

Pagdating ko sa Library

What? Bakit? Hayss!

Love Warning ⚠Where stories live. Discover now