Chapter 62: Make Over and Training

3.4K 170 19
                                    

Nagising ako sa music ni Mama.

Hay Naku! Hanggang ngayon ay mahilig pa din si Mama sa Music. Bumaba ako.

"Good Morning Sarina!"

"Good Morning Ma!"

"Oh, maligo kana. Ngayon kita ipapamakeover."

"Okay Po!"

Habang nagshashower ako. Naiisip ko si Third. Kumusta kaya sya ngayon? Is He okay?

Magbabago na ako, Hindi na ako ang dating Sarina.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis kaagad ako. Naka mahabang jacket ako na kulay blue tska Short. Ok lang yan dito, malamig kasi kaya jacket talaga.
(A/N: Kagaya ng susuotin ni Jubjang nung winawarningan pa sya nuon nina Third)

"Oh Anak! Handa ka na ba?"

Nagbuntong hininga muna ako.

"Handa na Ma!"

Si Mama kasi mukha pa ring Dalaga. Mukhang Fashionista. Tska Ang Ganda ganda pa nya...

Sumakay na kami sa kotse ni Mama. Syempre may kotse sya, yaman nya kaya dito. Haha!

Pumunta kami sa Famous Salon daw dito sa States. Kasi kaibigan nya daw ang nagmamay ari nito.
Pagpasok namin.

"Hi Mars!"sabi ni Mama

"Hello Mars! Anak mo?" Ay kaya pala magkaibigan,marunong kasing mag tagalog.

"Ah,Oo mars. Ipapamake over ko"

"Ay sure Mars. Gagawin ko tong Dyosa"

"Make it sure mars"

"Sure Mars. Ako pa ba?" sabi nila tska tumawa.Napangiti nalang din ako. Bakla pala ito.

"Anak bili muna ako ng foods ha?"

Tumango lang ako.

Pinaupo ako ni "Mars" Haha. sa umiikot na upuan. (Di ko alam kung anong tawag)

Sinimulan na nyang guluhin ang buhok ko.

Nilagyan nya ng kulay puti. Medicina daw iyon. Haha!
Tapos tinanggal nya ang eyeglasses ko. Tapos nilagyan nya ang mata ko ng Contact lens na kulay brown.

Ang tagal naman ni Mama.

Nilagyan nya ang mukha ko ng Cream para daw manatiling makinis at maputi ang aking mukha.

Binanlawan na nya ang aking buhok tska pinatuyo. Tapos nilagyan nya ng conditioner. Nirebond nya pala ang buhok ko. Hihi! Ngayon ko lang nalaman.

Matapos ang matagal na oras. Binanlawan na naman nya ang buhok ko at natuyo lang ito. Tska sinuklayan.

Mag gagabi na. Asan na si Mama?

"Sarina!Pasensya ka na ah? Natagalan ako. Hinintay ko pa kasing maluto ito. Eh limang oras to bago maluto eh. hihi!"

Mama kung alam mo lang kung gaano ako kagutom..

Nakatalikod pa kasi ako kay Mama eh.

"Mars tignan mo ang anak mo!" sabi nya at ipinaikot ang upuan

Halos malaglag ang panga ni Mama ng makita nya ako.

Gumanda ba ako?

"Jubjang Sarina, Anak! Ang Ganda ganda mo na!"

Napangiti ako sa sinabi ni Mama.

"Look at your face at the mirror."

Tumayo ako para makita ang itsura ko.

Love Warning ⚠Where stories live. Discover now