Chapter 39: Friends?

3.7K 143 3
                                    

"My girl buti nalang at maaga akong nagising"

"Ano naman?"

"Sungit mo ngayon ha?"

Hindi na ako sumagot. Ewan ko't bigla nalang akong na badmood.

Nasa school na kami.

"My girl mag-iingat ka ha. Hintayin mo ako dito mamaya."

"Okay my boy." walang gana kong sabi at papasok na sana kaso.

"My girl!"

"Oh?"

"Kiss?"

"Anong kiss?" inis na sabi ko

"Sige na. Maangmaangan ka pa. Kahit sa cheeks lang? Please?" sabi nya sabay puppy eyes.

Humakbang ako papalapit sakanya tska inangat ko ang ulo ko at hinalikan sya sa gilid ng labi nya.

Ayoko pa talagang humalik sa labi.

"My girl T-thankyou"

"Welcome Always. My boy"

-'-'-'-'-'-'-'

Nakinig lang ako sa professor namin. Hay sayang at hindi ko na kaklase si Third sa Math. Psh!

Ang boring tuloy ng life ko. Hays!

Lunch na. Hinintay ko lang si Third at dumating naman agad ito.

"My Girl dalian mo"

Hindi ko sya maintindihan. Matapos nya kasing kunin yung bag ko para sya yung magdala ay nagmamadali syang maglakad. Kahit tumakbo ako at nakalakad lang sya ay mas nauuna talaga sya sakin kasi ang hahaba ng legs nya. Psh!

Sa rooftop nya ako dinala. Dito narin kami naglunch.

"My girl,  mag iingat ka palagi."

''Bakit? Eh nag-iingat naman ako ah?"

"Basta. Mag ingat ka sa mga taong lumalapit sayo"

Hindi ko talaga sya maintindihan.

"Tss. Baliw'' tanging nasabi ko sakanya tska ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Sarina Hindi ako nagbibiro"

"My boy! Hindi din ako nagbibiro"

"Hindi eh. anong baliw? Ha?"

"Ahh. wala"

Bumaba na kami sa rooftop. Sakto at 12:40 na. Kaya hinatid na ako ni Third sa room.

Nagheadphones muna ako saglit kasi wala yung professor namin. Tska nagfacebook.

Friend Request-1

Nutcha Jeka sent you a friend request

Nutcha Jeka na naman. Oo na ikaw na fiance ni Third! Ewan ko't mag babadmood ako sa tuwing marinig ko yang Nutcha Jeka na yan.

Bahala ka dyan. Sa tingin mo i-aaccept kita? Ha?.

Dumating na yung professor namin at dali dali kong tinago yung headphones tska cellphone ko.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo nya, biglang bumukas yung pinto.

Hindi ko akalain. Hindi ko inakala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa nakita ko.

"Students. Hindi ko pala nasabi sa inyo na may bago kayong kaklase. Here is she"

"Sorry po nalate ako." hinging paumanhin sa bago naming kaklase.

"Bibigyan kita ng pagkakataon. Dahil first day mo palang. Come here in front and introduce your self to us."

"Yes professor" sagot nya tska pumunta sa gitna.

"Hello Everyone! My name is Nutcha Jeka. 19 years old. From Bangkok Thailand. I'm happy to be one of the student here in Chulalongkorn University. Thankyou!"

"Ok Nutcha Jeka. Choose your sit"

"I'll sit beside Miss Ruttana" Namilog aking nga mata sa aking narinig. Bakit dito pa sa tabi ko?

"Ok Go ahead." sabi ng prof namin tska naman ang paghakbang ni Nutcha sa direksyon ko.

"Hi Jubjang?"

Hindi ko alam kung papansinin ko ba sya o hindi. Basta naiinis ako sakanya.

"Jubjang Wag kang mag-alala hindi kita aawayin dito. Actually,I want to be your friend."

"Nutcha pwede mamaya na tayo mag-usap? Makinig ka muna kay Professor, baka mapagalitan pa tayo"

"Mmm. Okay"

Aish! Bakit ba kasi sya nandito? Sya ba yung tinutukoy ni Third? Kaya sabi nya na mag-iingat ako sa mga taong lumalapit sakin? Bakit? Eh gusto pa nga nya akong maging kaibigan eh.

Matapos yung afternoon subject ay hinanda ko na yung mga gamit ko para umalis.Nagsilabasan na yung mga kaklase ko at kami nalang dalawa ni Nutcha Jeka ang nasa loob. Bakit hindi pa sya umaalis?

Aalis na sana ako ng bigla nyang hablutin ang braso ko.

"Wait" sabi nito

"Bakit?" pakalma kong sagot

"Dont Worry, hindi kita sasaktan"

"H-huh?" lito kong tanong

"Jubjang. Please! be my friend?"

Hindi ko sya maintindihan. Nakikipagkaibigan sya sakin? Bakit?

"Uhmm." sabi ko

"Please" sabi nya sabay puppy eyes. Maya maya pay ngumiti ito. Ang ganda nya sa totoo lang kaya siguro sya yung nagustuhan ng mga magulang ni Third.

Nginitian ko rin sya.

"So Friends?" sabi pa nito sabay abot ng kamay nya sakin. Aktong aabutin ko na sana yung kamay nya ng biglang may kumuha sa bag ko at hinila ako palabas. Rinig ko rin yung sinabi nya na "Shit. No."

Si Third ba ito?

Dumiretso agad kami sa sasakyan ni Third.

"My Girl what do you think youre doing? Huh?" sabi nya ng hingal na hingal

"H-huh? Bakit? May ginawa ba akong masama?" sabi ko naman.

"Bakit ka nakikipagkaibigan ni nutcha?"

"Mukhang mabait naman sya eh."

"Anong mabait? Diba sabi ko sayo mag-iingat ka?"

"Oo nga. Pero bakit ayaw mo akong makipagkaibigan kay Nutcha?"

"Dahil nagpapanggap lang syang mabait."

Kahit hindi ko sya maintindihan ay tumango nalang ako at humingi ng sorry. Ewan ko kung bakit sya nagkakaganito! Hays.


Sorry for late update talaga.

Ke3p Supporting mga ka Krazie!

♡♡♡ Love lots.

3/rd.
Jubjang.

¤Nutcha¤

Francheska☆
Creamie")

Love Warning ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon