Chapter 50: The real Nutcha Jeka

3.6K 121 9
                                    

Hindi ko alam kung sino ang nagdala sakin dito sa bahay.

Ang tamlay ng pangangatawan ko ngayon pero.. Dapat akong pumasok, marami akong dapat habulin na lessons. Kailangang mapasali parin ako sa Honors ngayong taon para mas lalong maging proud saakin sina Mama at Papa.

Dali-dali akong kumain tska uminom ng gamot. Tska inayos ang sarili ko.

Posible kayang si Third ang nagdala sakin sa bahay? Aish! Stop imagining Sarina. Masasaktan ka lang naman.

Sabi nya break na daw kami? Hindi pwede yon. Paano na ako ngayon? Hindi ko kaya.

Pagdating ko sa school,dali-dali akong pumunta sa room. Kailangan ko munang mag focus sa studies ko ngayon. Lalo pa't malapit na ang Exam. Hay's.

Bakit wala pa si Nutcha? Wala tuloy akong makausao ngayon.
Oo, naniniwala na ako kay Nutcha ngayon. Mabait pala sya, napamahal na rin ako sakanya bilang kaibigan o bestfriend na nga siguro, at para ko na rin syang kapatid. Aaminin ko, magkaiba man kami pero tanggap namim iyon sa isa't isa. Mayaman sya, may kaya lang ako. Maganda sya, Oo hindi ako masyadong maganda pero may mabuti naman akong kalooban. Si Nutcha ay mabait lang kapag lubusan ka na nyang kilala. Yan ang nagustuhan ko kay Nutcha kasi para sakin,ang ginagawa nya ay para sa safety nya. Kailangan nya munang siguraduhin ang kung mabuti nga ba o hindi.

Inaabsorb ko lahat ng mga sinasabi ng professor namin. Gusto kong pag-aralan lahat ito pagdating sa bahay. I need to habol all the lessons na nakalimutan ko.

Recess time na. Absent nga talaga si Nutcha dahil hanggang ngayon ay hindi pa sya dumating.

Bumili muna ako ng makakain sa canteen. Ganon parin, may mga posters pero hindi ko nalang pinansin. Mga bulungang nakakasakit na talaga pero non-sense lang naman lahat ng iyan eh. Mas mabuti pang mag-aral.

Si Third. Kung ayaw nya muna akong kausapin edi wag muna. Bibigyan ko sya ng time wag lang kaming mag break.

Pumunta muna ako sa library para magbasa. Namiss ko na ang library, nung hindi dumating si Nutcha sa buhay ko, dito siguro ako palaging tumatambay.

May mga bagong books na ang library.

"Alphabet of Death" tingnan nga natin kung maganda ba ang story na ito.

Mga isang oras yata akong nagbasa. Isinauli ko na ang libro dahil parang natakot ako. Kasi magbabarkada sila tapos pinatay sila ng isa sa sakanila. Dibale na nga,sa susunod ko nalang ito basahin ulit. Lumabas na ako sa library.

And Lunch Time na pala. Bakit? Akala ko isang oras lang ako nagbasa dun? Yun pala, dalawang minuto nalang mag dadalawang oras na.

Pumunta ulit ako sa canteen para mag lunch, sa kasamaang palad nagkasalubong pa kami ni Third. Nilagpasan ko lang sya ganun din ang ginawa nya sakin. Siguro nagulat sya sa ginawa ko. Kung gusto nya munang bigyan ko sya ng oras ay binibigyan ko sya. Kaso masakit din pala kaya hanggat makakaya ko itong tiisin,kakayanin ko.

Umupo ako sa bakanteng table. Tska kumain.

1 message on Line from Debbie:

"Hi Jubjang"

Debbie talaga. Uy! 26 minutes ago. Nag log out tuloy sya kasi di ko sya nareplyan kaagad.

"Hi Debbieeee♡" sabi ko at sinend. Mababasa rin nya ito mamaya.

Matapos kong kumain. Bumalik na ako sa classroom. Nag headset muna ako. I miss his voice. Kaya ito ang papakinggan ko. Alam nyo naman siguro kung sino ang tinutukoy kong boses na namiss ko?

Nag facebook ako saglit.

Biba Ngamchaweng sent you a friend request

Accept ko kaagad.

Ang ganda nya talaga.

"Good Afternoon Class" aga yata ni professor ngayon ah? Eh 12:54 pa naman. Hays! Pero ok na rin to para ma advance naman yung mga lessons nya.

Matapos ang afternoon class.

Umupo muna ako saglit sa bench tska nagbuntong hininga. Parang pagod ako na ano. Basta! Pagod ako. Haha! Namahinga muna ako saglit tska napatayo at tinignan ang oras. 5:12 na pala. Saglit lang naman ako umupo pero bakit napatagal yata?Sabagay, mabilis naman talaga tumakbo ang oras.

Habang naglalakad ako sa corridor. Nagulat nalang ako ng may nakapalibot na nakamask na lalaki sakin. Oh God!Help. Katapusan ko na ba?

Lumapit sakin yung isa. Feeling ko nasa Alphabet of Death ako, yung binasa kong libro kanina?Kasi naiimagine ko kung paano sila pinatay nung killer. Hays! Pero Sarina. Nasa panganib ang buhay mo? Paano na ako makakatakas ngayon. Susubukan kong lumaban.

Sinipa ko yung isang lalaki kaya napatumba sya sa sahig. Nagsilapitan naman sila sakin. Sakto at nakakita ako ng sanga sa kahoy malapit sa bench kaya agad ko itong kinuha at ipinalo sa dalawang lalaki. Napaupo sila sa sakit. Lumapit naman sakin yung isa kaya agad na humablot ako ng malunggay tska hinampas ko sakanyang mukha. Ramdam ko ang pagmanhid sa kanyang pisngi. Pero napahiga na lamang ako ng bigla akong sinuntok sa tyan nung isang lalaki at nawalan ng malay.

Madilim na rin ang langit pati ang paligid at tuluyan na talaga akong nahimatay.

~-~-~-~-~

Nagising ako sa isang madilim na silid. Nakita kong nagbabantay yung mga lalaking nakaitim kanina sa gilid.

Nagulat nalang ako ng may taong naglalakad patungo sa direksyon ko. Dinig ko ang bawat hakbang nya dahil sa mahahaba nyang heels.

"Sino kayo? Bakit nyo ako dinala rito?" sigaw ko.

"Aba gising na pala ang pinakamamahal kong kaibigan"

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Ang taong tinuring kong kapatid at bestfriend.

"Bakit mo ginagawa to Nutcha Jeka? Bakit mo ako niloko?" sigaw ko

"Sapagkat,ikaw ay uto uto" sigaw nya na halos mag. echo sa buong silid.

"Sayang nga Jubjang eh, napamahal na kasi ako sayo kaso kailangan kong gawin ito" dugtong pa nya.

Bakit?Bakit nya kailangang gawin ito?

Third POV

Bumalik ako sa Chula dahil may naiwan ako.

"Sir Sir" napalingon ako ng bigla akong tawagin ng school guard

"Bakit?" tanong ko

"Diba kayo ang boyfriend ni Ms. Ruttana?"

"Bakit?"

"Sir may dumukot po sakanya kanina. Hindi ako nakatulong dahil natatakot ako ba ka kasi mamatay ako, maraming nagmamahal sakin. Ito nalang po ang tanging nakita ko pag-alis nila. Mukhang nahulog nila ito matapos nilang umalis" sabi nya sabay abot ng maliit na papel.

Khamhae St.13334/*^-'_'"^*¤

Bumilis ang tibok ng puso ko. Si Jubjang, ba ka may nangayaring masama sakanya.

"Salamat manong" sabi ko at bumalik sa kotse. kailangan kong puntahan si Jubjang. Sana nga ay tama itong address na ito. Dibale na nga yang naiwanan kong gamit ang importante mailigtas ko ang taong mahal ko.

Pagkarating ko sa Khamhae St. Isang bodega ang tumambad sakin.






Love Warning ⚠Where stories live. Discover now