Chapter 80: Date 1

5.3K 341 295
                                    

"Anak! Gising na, may pasok ka pa!"

Pasok? Hala!

"Ok po!"

Tinignan ko ang oras
7:20??? O_O O_O

Dali dali akong naligo!

Asan na ba yung blouse ng uniform ko? Kinaladkad ko ang buong closet ko pero wala.

"Ma nakita nyo ba ang uniform ko? Yung blouse?"

"Ah, Oo. Nandito sa labas, mukhang dry na to,"

Mama naman eh! Ba't di nyo sinabi?

Ang dumi tuloy ng kwarto ko. Kasi kinaladkad ko ang buong closet ko.

       _~'~_ _~'~_ _~'~_ _~'~_

"Ms. Ruttana! Answer this!"

"Yes Maam, No problem"

Napakamot ulo nalang ako ng tawagin ako ni Maam pero syempre di ako nagmumukhang kawawa.

Napakadali lang naman nito.

+×÷+×÷+×÷+×÷+×÷+×÷+×÷=

DONE!

Sa tingin ba nya di ko masasagutan yan? Tsk.

EZ

Recess na, Dinaramdam na naman ako ng gutom ko kasi konti kang ang kinain ko kanina.

Kaya bumili ako ng sandwich at pineapple juice. Umupo muna ako dito sa canteen. 30 minutes pa naman bago mag next class.

Yum! Yum!

Ang sarap♡

Busog ako dun ah.

Maya maya pay lumabas na ako sa canteen, 20 minutes pa before next class.

Pumunta muna ako sa field ng Chula.

Sadyang napakalaki naman talaga ng University na'to. Napakalawak, tska napakalinis.

Wala ka talagang makikitang ni isang basura dahil may mga guard na nagbabantay dito at kapag nagtapon ka, You need to pay 10,000. Oh, Diba? Kaya mayaman lang talaga ang nakakapag-aral dito.

Ako?

Di naman ako nagtatapon ng basura kung saan saan lang eh.

15 minutes nalang at class hours na naman. Kaya naglakad na ako pabalik sa room.

Nagulat nalang ako ng may nagtakip ng mata ko.

O_O

Oh Gosh! Who is this?

Kidnapper? Holdapper? Oh Shocks!

"Payakap? Miss na kita eh!"

Ugh! Si Third lang pala. Tska.

"Hoy! Wag mo akong mayakap yakap!" sabi ko at kumalas sa pagkakayap nya

"Grabe sya!" sabi nya

"Ano na naman tong kalokohan mo?"

"Ah,wala. May Deal lang akong i-oofer sa yo. "

"Anong Deal ba yan?"sabi ko sa inis na tono.

"Papayag ka bang mag date tayo for 3 days?"

"Anong Date date! Tska 3 day------

"Teka! Sandali! Patapusin mo muna ako!" Kumalma naman ako. "Sa 3 days na pagdedate natin, kailangan kang mafall sakin, pero pag hindi, lalayuan na kita" sabi nya

"Pag iisipan ko muna!" sabi ko

"Teka,ngayon na. " sabi nya

"Sandali. Nag iisip pa ako eh"

Love Warning ⚠Where stories live. Discover now