Chapter 49: He will never forgive me?

3.2K 110 8
                                    

Pagising ko sa umaga, masakit parin yung braso ko. Maliit nalang yung sugat pero mahapdi parin. Hayss!

Ang hirap isipin na kagagawan ito ng taong mahal mo! Bakit nya bang nakakayang gawin to? Oo, alam kong kasalanan ko kasi nagsinungaling ako sakanya pero hindi naman dapat sana hahantong sa ganito. Ang masakit pa, hindi nya ako pinapaniwalaan. Hindi nya ako binigyan ng time para magpaliwanang.

"Sarina! Halika dalian mo" tawag sa akin ni Nutcha

"Huh? Bakit?"

"Basta"

THIRD AND SARINA BREAK NA.

Isang poster na naman ang nagkakalat. Break na ba talaga kami?

Hinayaan ko nalang. Lumakad ulit ako papasok sa room. Ramdam kong sumunod din si Nutcha.

"Totoo ba yon?"-Nutcha

"H-hindi k-ko a-alam" sabi ko at napaluha nalang. Bakit ba kasi ganito? Sinasaktan na nya ako ng sobra pero kahit sinaktan na nya ako ay mahal ko pa rin sya.

Tumakbo ako palabas ng classroom.

Sakto at walang guard kaya lumabas ako sa gate.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Napahinto nalang ako sa nagtitinda ng Ice Water. Bumili ako saglit tska pumunta sa park.

"Love. Say Ahh" sabi ng dumaan na lovers sa aking likuran. Pag lingon ko, ang sweet sweet nila. Magkayakap sila sa isa't isa. Tska......

Umiyak nalang ako. Ibinuhos ko lahat ng luha ko dito sa Park.

Maya-maya pay may yumakap sakin.

"Ate Biba?"

"Bakit ka nag-iisa tska bakit ka umiiyak?" hindi nya pa alam ang tungkol sa amin ni Third.

"Ahh. Wala lang po i------

"Asan si Third? Bakit di kayo magkasama. May problema ba kayo?"

"Wala po"

"Sarina. Wag kang magsinungaling."

"Wala nga po" sabi ko at lumuha ulit.

"Dont worry Ill talk him" sabi nya at sumakay pabalik sa kotse.

Naku Ate Biba! Wag na sabi. Eh. Nabulong ko na lang.Dahil nakaalis na sya.

Maya-maya pay naglakad ako. Hindi ko alam kung saan ako patutungo. Basta ang alam ko nasa gitna na ako ng kalsada.

"Hoy Babae! Magpapakamatay ka ba?" sigaw ng isang mayaman na Ginang.

"Sige po sagasaan nyo nalang po ako" hindi ko alam pero yan ang sinagot ko.

"Aba Baliw. Makukulong ako sa tinuran mo Ija. Tumabi ka nga dyan" sabi nya. Tumabi naman ako para makadaan sya. Tska bumalik sa gitna ng kalsada.

"Sige sagasaan nyo nalang ako" sigaw ko at napaluhod nalang tska humagolhol sa pag-iyak.

Nagulat nalang ako ng may isang lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Tumayo ka nga dyan" sabi nya

"Paano kung ayoko? Mas mabuti pang mamatay nalang ako"

"Nababaliw kana ba?" sabi nya

"Haha. Wala narin namang halaga itong buhay ko dahil wala ng nagmamahal sakin"

"Ano ba? Sabing tumayo ka dyan eh."

Tumayo naman ako.

"Third mapapatawad mo pa ba ako?" basang-basa na ako dahil sa mga luha ko.

"Ayusin mo nga ang sarili mo"

"Wala akong pakialam sa sarili ko. Sagutin mo ako, mapapatawad mo ba ako? Kasi miss na miss na kita. Alam mo mahal na mahal pa kita" sabi ko at niyakap sya.

Lumayo sya sakin.

"Ano ka ba? Kung gusto mo magbreak na tayo" sabi nya na ikinagulat ko. Break? Magbreak na kami.

"Third hindi ko kaya. Hinding hindi ko kaya"

"Shut Up! Bumalik ka nga sa katinuan mo" sabi nya at lumakad pabalik sa kotse nya. Lumuhod ulit ako sa gitna ng kalsada tska sumigaw ng.

"Mas mabuti ngang mamatay na ako"

Hindi ko alam pero nakapikit lang ako at nagising sa kwarto ko. Sinong nagdala sakin dito?

Si Third! He will never forgive me talaga?

THIRD POV.

Ito na nga ang sinasabi kong.

I DONT WANT HER TO COME TO ME AND CRY.

Ito na nga. Nasaktan ko na sya. Ako kasi yung lalaking ayaw lokohin eh. Kaya pasensya nalang Sarina. Mahal kita pero nagsinungaling ka sakin..













Yow! Hello.

Love Warning ⚠Where stories live. Discover now