Chapter 23: Pageant

6.2K 292 18
                                    

Chapter 22: Mr. and Ms. Chulalongkorn 2017

Sigawan ng mga tao na may dala dalang baner ang nadito sa school.
May para kang Third at sa iba pang mga kalahok but mostly kang third talaga ang pinakamarami

Pagdating ko sa room, bumungad sakin ang mga damit at makeup box. May tatlong beki yata ito dahil sa pananalita at kilos nito.

"Jubjang, aayusan ka na nila" sabi nimg professor namin

Tumango lang ako at umupo

"Hays, kami na bahala nito Madaam. Madali lang to! Maganda naman sya oh!" Sabi nung isang bakla.

Kung makapagsabi ng maganda akala mo totoo kahit pambobola lang. Psh!

Yung isa ay binuhaghag yung kulot kong buhok, yung isa naman sa damit ko, at yung isa sa mukha.

Nilagyan ako ng foundation, syempre thanks to Debbie at hindi narin ako naignorante sa mga ganito. Yung buhok ko naka pony tail na binrade yung gitna. At yung damit ko parang Ugh! Sports Attire pala ngayon, parang pang basketball pero kulay yellow tska T-shirt na may nakaprint na CHULA.

Matapos kong isuot yung damit ko ay agad na pumunta kami sa backstage dahil magsisimula na. Nakita ko na rin sa salamin yung itsura ko at syempre GUMANDA AKO. Yan din ang sinabi ng professor ko pati yung mga bakla.

Nung nagsalita na yung Emcee ay agad na tinawag ang contestant no. 1. No. 15 kasi ako which is last.

May iba na sinamaan ako ng tingin pero ano na man ang magagawa ko eh ganyan na sila eh, di ko nalang papatulan. Hays!

Contestant No. 13 na, 1 more nalang at ako na. Grabe yung puso halos lumabas na sa kaba. Girls kasi ang inuna. Hanggat Contestant No. 14 na. Omagash! Sarina Kaya mo to! Fight!

"And the last but not the least. Contestant No. 15" shete ako na

Nakasapatos lang ako kaya ok lang. Sports Attire pa at badminton ang pinadala ng professor namin kahit pang basketball ang suot ko pero ok na rin naman. Bumagay lang.

Habang naglalakad ako ay halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ng mga tao. Is this true? Am I dreaming?

Shete.. 

"Hello Everyone, I am Jubjang Sarina Ruttana. And I do believe that you must study first before entering the portal of love" Nakakabingi ang sigaw at palakpakan ng lahat

"I do believe too. Thankyou No. 15" sabi ng Emcee at pinabalik na kami sa line. Ngayon ay boys naman.

.

No. 7 na and No. 8 si Third kaya sya na ang susunod

Kung nakakabingi yung saakin mas nakakabingi kay Third. Hays, sige ikaw na gwapo. Jk!

"Third Lapat Ngamchaweng, I agreed what contestant no. 15 named Sarina Ruttana said" Agad na nanlaki ang mga mata ko, Anong sabi nya? Agreed sya sa sinabi ko eh hindi ko nga alam kung tama ba ang pagka grammar nun eh. Haha!

"Woah, sa tingin ko ay may pagtingin si Mr. Ngamchaweng kay Ms. Ruttana ah. Joke lang" ba ka may mamatay na emcee ngayon. Haha. Jk✨

Bumalik na kami sa backstage at itong part na ito ang pinakahate ko.

Hi! 6 inch heels.. Sarap sapakin ng taong lumikha ng sandals na ito

Gown ang isusuot namin ngayon.

Isang flesh fitted glitter gown na may pagka violet sa lower part.
Ang ganda.

Hindi na nakatali ang buhok ko at may silver dust na ito pati katawan ko. Wish ko nalang na hindi ako mangati mamaya.

Sa pagtayo ko palang ay muntik na akong ma out of balance buti nalang ay nakahawak agad ako sa table.

Love Warning ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon