Chapter 46: |Plan|

3.4K 112 15
                                    

Chapter 46: Nutcha's Plan Succeed|Mis-understanding (Third and Jubjang)

Nagstretching muna ako bago naligo. Aish! Ang lamig ng tubig. Hayz.

Halos 30 minutes akong naghintay kay Third pero wala kaya minabuti ko nalang mag sakay ng taxi. Bakit kaya hindi na naman nya ako sinundo?

"Hi Jubjang" sabi ni Nutcha Jeka

Kanina pa kasi ako tulala na para bang Ewan! Hays. Bigla akong nakaramdam ng kaba. What is this feeling?

Nakinig lang ako sa lesson namin. Recess na kaya pumunta ako sa room ni Third pero wala sya. Absent ba sya? Bakit di nya ako sinabihan?

Nasa ikalawang hagdan na ako ng biglang may dumaan na babae. May sinabi sya.

"Biktima nya rin ako nuon. Mag-iingat ka kaibigan. Kalat na sa buong Chula" sabi nya tska tumakbo palayo.

Anong Kalat? Kalat na sa buong Chula? Huh!

Hindi na ako nagrecess, matapos kung mapuntahan ang room ni Third ay dumiretso agad ako sa room. Hindi naman kasi ako gutom.

Pagpasok ko. Laking gulat ko ng sa bawat student na madaanan ko ay lumalayo sakin na para bang nandidiri. What is this? Ano na naman? Bumabalik na naman ba yung atmosphere gaya nung dati?

Hanggang sa makarating ako sa aking upuan. Si Nutcha lang ang hindi nandiri. Nginitian lang nya ako tska tinapik ang aking balikat.

Ok lang talaga na naging kaibigan kami ni Nutcha para may dumamay sa sakin.

"Nabalitaan kong nakauwi na daw si Ate Biba?" kilala nya si ate Biba kaya kilala rin nya si Nutcha

"Ahh oo" nahihiya kong sagot dahil pinagtitinginan kami ng aming mga kaklase.

"Anong tiningin-tingin nyo?' sigaw ni Nutcha umiwas na ng tingin ang lahat. Powerful din pala ito si Nutcha.

Pagkatapos ng Morning Class. Sinamahan ako ni Nutcha sa canteen para maglunch. Wala kasing Third ang nagpakita sakin. Ilang beses ko na syang tinext pero wala eh. Walang reply.

Oh my gosh! Nandyan na ang malandi.

God. Kasama nya ang modelong si Nutcha ba ka mahawaan yan.

Nandyan na nga sya. Malandi talaga ang babaeng yan.

Nagkamali tayo ng pinili para maging Ms. Chulalongkorn.

Bakit ganyan ang mga sinasabi nila sakin?

"Oh My God Jubjang. What is this" rinig kong sabi ni Nutcha sa gilid. Pagtingin ko.

And What The!!!

Poster na may picture. Hala. Shit shit! Nung napasandal ako sa dibdib ni Tristan dun sa Mall. Sino ang kumuha ng litrato nito?

Inilibot ko ang aking paningin. And what? Ang dami dami!!! Damn. Nilukot ko lahat ng posters.pero ang dami, tinulungan na rin ako ni Nutcha pero hindi eh. Ang dami. Napaiyak nalang ako.

Bumabalik na naman ang dati.

God.

Nakasulat pa roon sa picture na.

PS: MS.CHULA. MALANDI PALA.

With a warning sign. Shet! Sino ang gumawa nito?

"Walang puso ang gumawa nito Jubjang" sabi nya at hinagod hagod ang aking likod.

"S-salamat Nutcha" sabi ko at umiyak na talaga.

Sinabi ko ni Nutcha na pumunta muna sa C.R. para makapaghilamos.

Love Warning ⚠Where stories live. Discover now