Chapter 53: (Hindi ko kaya)

3.3K 156 11
                                    

Papunta na kami ngayon sa Chulalongkorn University. AISH!

Kung makita ko man si Nutcha ngayon. Lagot talaga sya sakin.

"Hintayin mo ako mamaya dito"

"Opo. My boy" sabi ko at pumasok na sa room.

Nagulat ako ng bigla silang tumahimik tapos tumawa ng malakas. Napayuko nalang ako.

Umangat bigla ang tingin ko ng harangan ako ni Nutcha para hindi ako makaalis papunta sa aking upuan.

"Pwede ba? Umalis ka dyan" sabi ko sakanya

"Lumalaban ka na? Infairness, alam mo bang nag enjoy ako dun sa nangyari sa amin ni th-----

Di ko na talaga mapigilan ang aking sarili. Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil sinampal ko na sya.

"Oo,halata sa mukha mo na enjoy na enjoy ka! Dahil malandi ka!" ako naman ang sinampal nya ngayon.

"Ano naman sayo? Naiingit ka ha? Kung alam mo lang. Akin sana ang labi ni Third kaso, inagaw mo! ikaw yung malandi" sigaw nya tska sinabunutan ako.

Oo,masakit!

"Talaga ba? Sayo sya? Kailan ka ba nya minahal?" sabi ko na nagpagalit talaga sakanya. Mmm. Sige pa Sarina! Galitin mo pa ang pilingera na yan!

"Dont you dare" sabi nya. Gigil na gigil talaga sya. Oo na masakit na ang buhok ko kaya lalaban na ako.

Sinabunutan ko rin sya.

Nahinto lang ang aming away ng bigla nyang inayos ang sarili nya tska lumabas sa room. Syempre, with her alalays.

Inayos ko rin ang sarili ko tska pumunta sa upuan. Bakit kaya walang professor na dumating?
At saan naman kaya nagpunta iyon si Nutcha Jeka? Bahala nga sya.

Nagheadphones muna ako. Tska nag Instagram.

Larisara (Biba) liked your photo

Larisara? Larisara ba ang totoong pangalan ni Ate Biba? Tsk. I'll ask Third later nalang.

"My girl buti online ka,ikaw nalang yung pumunta dito sa canteen medyo masakit kasi yung paa ko eh" sabi ni Third sa IG

"Ok,my boy" reply ko.

5 minutes nalang lunch na. Aish! Ang bagal ng oras ngayon. Haha! Katangahan Sarina.

kringggg. kringgg.

Lunch break na. Kaya lumabas na ako papunta sa canteen. Pagbaba ko sa hagdan, may humila sakin papunta sa isang.....

Lumang C.R.

Ang baho ng amoy tska may mga kahoy na uhmm. Basta. Kakaiba ito! .

"Hi" sabi ng nagdala sakin dito tska tinanggal yung mask nya.

"Nutcha?"

"As usual" sabi nya sabay smirk.

"Girls" tawag nya at dumating na naman yung dalawa nyang alalay.

"Yes?"

"Hawakan nyo sya"

Hinawakan naman nila ako. Hindi ako makagalaw.

"Para sa kalandian mo, you deserve this bitch!" sabi nya sabay sampal sa kanang pisngi ko. Masakit. Namamanhid eh..

"And sa pag-agaw mo kay Third. Tanggapin mo to" sinampal na naman nya ako sa kaliwang pisngi.

Awtss!

"And para sa paglaban mo sakin kanina. Take this as a award" sabi nya at sinampal sampal ako sa magkabilang pisngi.

Love Warning ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon