Chapter 47: Hurt

3.1K 119 2
                                    

Nagising ako  na malungkot. Walang Morning Message galing kay Third.

Sino ba kasing walang hiya ang nagkalat ng pictures? Napakasama nya. Kung magkataon man na makilala ko sya, hindi na ako magdadalawang isip na kalbuhin sya. Argh!

Matapos kong maghanda ay pinunasan ko muna ang aking bike dahil may alikabok na dumapo rito.

Nang ready na ang lahat. Sinimulan ko na ang pagpedal ng aking bisikleta. Di ko parin nakakalimutan yung nangyari kagabi. Sana magkabati na kami ni Third. Kung alam nya lang kung gaano ako nasaktan sa kanyang tinuran kagabi. Hays!

Pagkarating ko sa school. Nagbuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok. Ipinark ko ang aking bike sa court. May memories din ako dito,yung tinapon ko sa harapan nina Third ang sira kong bike. Napangiti nalang ako sa iisiping yon, at the same time tumulo din yung mga luha ko.

Naglakad nalang ako ng nakayuko. Alam kong pinatitinginan ako ng mga students dito, pinagbubulungan na rin. Sa aking paglalakad ay may nabangga ako. Nakita kong nabitawan nya yung I phone nya kaya agad na dumapa ako sa lupa para masalo ito. Good at nasalo ko ito.

"Sorry" hinging paumanhin ko pero pagtingin ko sakanya ay si Third pala. Hinablot nya yung cellphone nya at lumakad palayo. Wala man lang Thankyou? kung hindi ko nasalo yon edi sana sira na yung I phone nya. Sabagay kasalanan ko naman kasi nakayuko ako habang naglalakad. Tanga ko talaga.

Pagkarating ko sa room,nakaheadset silang lahat at nagcellphone. Hindi yata nila ako napansin. Kagaya ng ginawa nila ay kinuha ko yung headset sa aking bag at isusuot na sana ito ng pigilan ako ni Nutcha.

"Wag mo silang gayahin" sabi nito

"B-bakit n-naman?"

"Basta"

Sinunod ko nalang si Nutcha.

"So, anong nangyari sa inyo ni Third?" sabi nya

"Ahh. Wala, siguro kailangan ko muna syang bigyan ng time"

"Hay. Pag-ibig naman talaga friend" sabi nito at kinirot ang aking tagiliran. Kinirot ko din yung sakanya. Haha! Nagtatawanan lang kami ni Nutcha dito, hindi naman yata kami naririnig ng mga kaklase namin. Wala din naman yung professor kaya okay lang.

-

Nasa canteen ako ngayon. Buti nalang at konti lang yung estudyante. Pumunta ako sa gitna para bumili ng coke. Nang maibigay na sakin ang coke ay tatalikod na sana ako ng may tao sa aking likuran,di ko sya napansin kaya natapakan ko ang paa nya at natapunan ng coke. Oh God!
Third? Malasin ka nga naman oh.

"Ahh!" sigaw nya,napalakas nga yata ang pagtapak ko sakanya.

"Sorry" tanging nasambit ko

"Tignan mo kung ano ang ginawa mo sa uniform ko"sigaw nya kaya nagulat ako. Nagbubulungan narin ang buong paligid.

Akala ko ba sila na?

Anong sila na?Eh nilalandi nga ng Sarinang yan si Tristan.

Ay oo nga pala.

Pati ako nagulat sa pagsigaw ni Papa Third.

Ako nga rin eh.

Hay. Hiwalay na ba sila?

"Sorry na nga diba?" mahinahon kong sabi. Pilit na pinapakalma ko yung sarili kasi anytime,aagos na ang luha ko.

"Walang magagawa yang sorry mo" sabi nya sabay lakad palayo ng padabog. Ewan ko't bigla akong tumakbo para sundan sya.

"T-third. Wala namang ganyanan"

Napalingon naman sya.

"What are you saying?" sabi naman nito

Hinawakan ko sya sa kamay.

"Third. Maniwala ka naman sakin Please?"sabi ko pero marahas na binitawan nya ang pag hawak ko sa kanyang kamay.

"At anong gusto mong gawin ko. Gawin mong tanga? Ha? Of all your lies, sasabihin mo lang na maniwala ako sayo" sabi nya.

Hindi ko na kaya ang aking dinarama. Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"My boy I miss you so much" mahina kong sabi tska napahagulhol sa pag-iyak. Ayokong palagi kaming ganito. Kailangan kong solusyonan ang aming problema.

Kinuha nya ang mga kamay ko at..

Tinulak nya ako.
Malakas ang pagkakatulak nya sakin kaya napahiga ako sa lupa.
Alam kong alam nya na nasasaktan na ako pero hindi lang nya iyon ipakita dahil ayaw nyang makita ko syang nag-aalala sakin.

"Third" mahina ko paring sabi pero sadyang tingin lang ang kanyang ginawa

"A-aray" sabi ko ng narealize ko na nasugatan pala ako sa braso dahil tumama ito sa bato. Shet! Dumudugo.

Iniwan ko si Third na nakatulala dahil tumakbo ako. Paglingon ko wala na sya siguro umalis na yon. Grabe sya, pero kahit ganun. Mahal ko parin.

Pero aaminin ko,Na HURT na rin ako sa mga pinagagagawa nya sakin.



HELLO!

Third♡Jubjang

francheska☆

Love Warning ⚠Where stories live. Discover now