Chapter 79: (Hanggang Kaibigan)

3.4K 185 16
                                    

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari kagabi. Bakit ganun? Bumabalik na ba ang dating ako?

NO WAY!

Nagpahatid ako ni Mama sa School.

Bakit sa tuwing naiisip ko yon ay bumibilis ang tibok ng puso ko?

Pumunta muna ako sa locker para kumuha ng book para basahin sa room.

Pagdating ko sa room.

"How dare you para agawin ang boyfriend ko?" sigaw ni Nutcha sakin

"Well, hindi ko sya inagaw, kasalanan ko bang gusto nya parin ako?"

"Buiset ka malandi ka!"

"No! Im not!" at umupo na ako sa upuan /syempre/

Di parin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Paulit ulit nalang nag faflash back sa utak ko yon.

Gusto kong pigilin pero I can not.

Hindi ko maintindihan si Third kung bakit bumabalik sya sa dati. Sya na mismo ang nakipag break diba? Tapos ngayon, nagbago na ako, sya na naman yung babalik sakin?

Ang ayoko lang kasi, ang masaktan ulit. Hays! Pinipigilan ko na nga itong nararamdaman ko pero pag nandyan sya, di ko talaga kayang pigilan. Basta! Di ko maexplain.

Natapos ang morning class ko na lutang ang isipan ko.

Pumunta muna ako sa garden dito sa Chula.

Napaisip ako,

Ano kaya kung bigyan ko ng Second Chance si Third?

Shit! Malaking kalokohan. Ayoko!

Aish!

Naglakad na ako pabalik sa room, nang mapadaan ako sa kung tawaging Big Tree dito sa School ng may humablot sakin.

"Ano ba!" sigaw ko

"Sorry na. Gusto lang kitang makausap"

"Tungkol?" inis kong sabi

"Kagabi. Jubjang, Can you give me a Second Chance?"

"Second Chance, ano? Para itama ang mga mali mo? Haha! No way, tapos na yon! Kung nagsisisi ka, edi sana nag isip ka nuon na di mo dapat ginawa yon!"

"Eto na nga eh,nagsisisi na nga ako!"

"Nagsisi ka sa Wala! Wala kang mapapala! Tapos na eh. Ayoko na!"

"Ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Nothing. Wala kang kailangang gawin, Sorry Third,pero hanggang kaibigan nalang talaga ang turing ko sayo!" Sabi ko at nagwalk out.

Kapal nyang humingi ng second chance sakin. Sapakin ko kaya sya.
Sana pinag isipan nya dati ang mga gagawin nya.

Naawa rin ako sakanya, pero ano pa bang magagawa ko? Kasalanan nya yan eh. Pero, susubukan ko syang mahalin ulit.

Love Warning ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon