Chapter 86: Break Up

4.1K 159 108
                                    

Nutcha Jeka POV

Ang sakit, sobrang sakit. Ang sakit sakit talaga. Napakasakit.

Bakit kailangan nyang gawin iyon sa harapan ng maraming tao? Sa harapan ko? Akala ko ba girlfriend nya ako?

Dahil ba bumagsak ang company nina Mom at Dad ay ayaw na nila saakin? Dahil ba yumaman na si Jubjang Sarina kaya sya na ang gusto ng mga magulang nya?

Unfair naman yata eh.

Bumangon na ako tska naghilamos. Ba ka nagtataka kayo kung bakit di ako masyadong masungit ngayon? Dahil wala akong gana.

Tinignan ko yung upuan kung saan nakalagay dun ang regalo ko sana kay Third. Di nya kasi tinanggap kagabi.

Flashback:
Before Third's Scene (Yung pumunta sya sa harapan at pinapunta nya si Sarina)-- Narriator's POV

"Babe, wait, may ibibigay ako sayo," sabi ni Nutcha at hinawakan si Third sa braso.

Marahas itong ipinabitaw ni Third.

"Kita mong kakain na diba? Mamaya na yan." sabi ni Third at kumuha ng desserts.

"Babe, may gift ako sayo andun sa chair ko, sandali lang naman eh. Puntahan mo muna para makita mo,"

"Pwede ba Nutcha! Mamaya na? Kung pwede wag mo nalang ibigay dahil itatapon ko rin naman yan eh," sabi ni Third at bumalik na sa upuan kasama si Jubjang.

Isa isang tumulo ang mga luha ni Nutcha Jeka. Kawawang kawawa ang mukha nya.

--End of Flashback--

Tsk! Kung hindi nya tatanggapin, edi wag.

Ang mahal kaya nito. Original G-shock na relo ito tapos anong sabi nya? Itatapon nya rin naman! Nagpakahirap ako, sumiksik sa mababahong tao, naghintay sa grabeng traffic para lang mabili yan.

Kinuha ko ang relo at hinampas sa sahig. Ako na lang ang sisira nito.

Pinanuod ko lang ang relong basag na basag at nagkakalat ang glass at locks sa sahig.

Tumutulo ng malakas ang mga luha ko.

Ang sakit talaga. Ang sakit.

Naligo ako tska nagbihis na ng uniform, papasok ako sa school. Kailangan kaming magkaayos kami ni Third.

Kumain ako tska umalis na.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Pagdating ko sa Chulalongkorn.

Dumiretso agad ako sa room.

Nakita ko si Jubjang na nagbabasa ng libro. Sana ako nalang sya, sana ako nalang si Sarina para magustuhan ako ni Third.

Oo, mabait si Jubjang, Oo na din, maganda na sya, mayaman na sya, at Oo! matalino sya.

Samantalang ako!

Masungit, slow type. Maganda lang, ewan ko kung mayaman pa ba kami na bagsak na ang company namin. At kung ano mang tawag nila sakin. Malandi na! Malandi na ako. Ako na!

..........

Recess Time na...

Pumunta muna ako sa Canteen. Nakita ko si Third na bumili ng juice. Agad akong pumasok duon.

"Third, we need to talk," sabi ko at hinila sya.

"Ano ba Nutcha!" sabi nya

"Bakit ganyan ka na ba sakin? Ako girlfriend mo diba? Ako diba?"

"Oo girlfriend kita pero di kita mahal!"

Tumulo na naman ang mga luha ko. Shit!!!!!

"Babe, please dont do this.,"

"Sorry Nutcha,pero makikipagbreak na ako sayo"

"Third Please, No! No please! Babe!"

"Stop Nutcha, stop this fucking relationship. Lets stop this. Darn it!"

"No please," sabi ko pero wala na sya. Umalis na!

Ang sakit. Di ko to inexpect. Siguro talo na talaga ako, siguro kailangan ko na maging mabait. Hindi ko na kaya, alam kong talo na talaga ako.

Hate it! Hate it! Hate it!

Damn!









Short UD

Love Warning ⚠Where stories live. Discover now