Notice Me Senpai 4

94 13 3
                                    

Akie

It's so bad that last night I get to spend our barbeque party sa kwarto ko. Hindi na ko pinayagan pa ni Kuya na sumali pa sa kasiyahan sa baba. Pati siya, sinamahan nalang niya ako sa kwarto ko. Nag-akyat nalang si Kuya Kuro ng pagkain sa'min.

Masaya sila sa baba, rinig hanggang kwarto ko ang tawanan nila. Nakakainggit nga eh, kaso ayaw talaga ako pababain ni kuya.

Kaso eto, maaga akong nagising. I guess I have to drink my meds first bago ako magluto ng breakfast. It's already 5 minutes before 6 in the morning.

I sluggishly went down the stairs habang hawak-hawak ko ang gamot ko. Sumilip ako sa living room, kaya pala may naririnig akong hilik, dito pala natulog ang iba. Nakakatawa lang si Murasaki. He's occupying almost all the couch at lahat eh sa lapag na nakahiga. Kanya-kanyang higa na sila. Si Hyuga, Kiyoshi, Takao,  Koki, Sakurai at si Tatsuya.

Naglakad na ko papuntang kitchen, at nadaanan ko naman sa kabilang living room kung nasan si Akashi na nag-iisang nakahiga sa couch.

"Well, the king should be isolated from the slaves I guess." Bulong ko sa sarili ko. Ngumiti ako at tumuloy na sa main kitchen. Kumuha na ko ng tubig at ininom ko na ang gamot ko.

I don't really remember kung pano ako nakarating sa kwarto ko kahapon. Ang alam ko kasi nasa couch ako nakatulog. Then nagising nalang ako kasi para akong nalulunod. Then mabilis ang pangyayari, nahirapan na kong huminga. Ang sakit na ng dibdib ko at habol-habol ko na ang paghinga ko. Kahit sa bibig ako huminga, hindi sapat. I tried my best para maabot ko ang nebulizer ko sa taas ng kabinet ko, pero nahilo ako at nahulog ako sa stool na tinungtungan ko. Gusto kong sumigaw, pero pag galaw ko palang needs so much air. Mas lalo akong nahihirapan.

I heard someone from the door kaya pinilit kong umubo kahit na mahigpit na ang lalamunan ko. Then I heard Makoto's voice beside me. Tapos, maya-maya pa'y nandyan na sila Kuya. Hindi ko na maalala pa yung nangyari ng sunod. All I can remember was Makoto's beautiful face just inches from mine. I think I'm falling deeply for him. This is not just crush only.

"Makoto." I unconsciously whispered as I sighed.

Pero buti nalang at tinulungan niya ko kagabi. I wasn't expecting to see him that time. Ang alam ko nasa baba na silang lahat. Pero sabi ni kuya, sumama sila ni Haru kay Kuya Rin para sunduin yung isa nilang kaibigan. And nagkataon lang na papunta sana ng kwarto si Makoto ng marinig niya ko.

I can't help but smile. Dati kasi, pinagdadasal ko lang na sana magkasalubong kami sa campus (kahit na hiwalay ang highschool at college department), or na magkita kami kahit sa labas lang ng campus. Or basta magsalubong lang ang tingin namin. But I never imagined na magiging ganito kami kalapit sa isa't-isa. Nahawakan ko na ang kamay niya, nayakap ko na rin siya, and he even carried me in his arms. Hindi ako makapaniwala, but it happened. It happened!

Bago pa ko hikain ulit sa kakaisip kay Makoto, tumayo na ko at pumunta muna sa kabilang kitchen para kumuha ng mga kakainin namin. Pagbukas ko ng freezer, nandon lahat ng natira nila kagabi. Pati mga beer nandoon din.

"Hai. Talaga naman. Pinagsama-sama talaga!? Tch." Isa-isa kong inilabas ang mga bote ng beer at inayos ko ito sa ibabaw ng counter. Inilabas ko naman ang hotdog at bacon din na inilagay ko sa isang tray. Kinuha ko rin ang isang tray ng itlog at ipinatong ko ito sa ibabaw ng mga frozen foods.

"Akie! Anong ginagawa mo?"

Napatingin ako sa entrance ng kitchen at nakatayo si Makoto na nakasweatshirt pa. Gulu-gulo pa ang buhok niya at halatang kagigising lang niya.

"Ano ba yan? Bakit ang aga mong nagising!" May pag-aalala sa boses niya habang palapit siya sa'kin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. He look so handsome today. Parang naglalaway ako.

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now