Finale

28 1 0
                                    

Dinner.

Matipid na text sa'kin ni Kuro. Isa lang ibig sabihin nun, kumpleto silang magkakapatid at sabay-sabay kaming kakain ng hapunan. Apat na nga lang kami sa bahay, di pa ba kami magsasabay sa pagkain?

Nakangiti akong nag-ayos ng aking gamit. Balak ko pa naman mag-overtime. Wala kasi kaming swimming tutorials ngayon. Pero dahil sa text na yun, wala akong choice kundi umuwi na.

Nagpaalam na ako sa aking mga kasama at lumabas na ng faculty.

It's been 4 years since nagtrabaho ako bilang professor ng sports medicine sa dati naming college. Nabigyan na rin ako ng pagkakataon na maging coach ng aming junior swim team. Kahit nahirapan ako sa umpisa, hindi ako sumuko at ipinagpatuloy ko kung ano ang nasimulan ko. Besides, this is what I love. And I will keep on doing this hanggang sa kaya ko pa.

Naisip ko bigla sina Haru at Rin. It's been 2 weeks since lumipad sila ng US para makapagpahinga muna sila bago ang Olympics, and this week na ang kanilang competition. After 3 years of preparations, nakarating na rin sila sa global level. And I know na makakayanan nilang makipagsabayan sa ibang professional swimmers. Besides, they work real hard for their dream and they deserve every moments of it.

Palabas na ako ng university ng biglang sumagi sa isip ko si Akie at bigla akong kinabahan. Not in a bad way. Alam mo yung pakiramdam na parang may kung anong lumukso sa dibdib mo tapos biglang may nahulog sa tsan mo? Bigla lang akong kinabahan na hindi ko maintindihan.

"Siguro miss ko lang si Akie." I said to myself at huminto sa paglalakad. Napatingala ako sa langit. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Napakaganda ng langit kapag ganitong oras. Para bang napupunta ako sa ibang dimension.

Yun ang dahilan kung bakit backstroke ang pinili ko sa tuwing lalangoy ako. Gusto kong makita ang langit, pakiramdam ko kasi lumilipad ako kapag lumalangoy ako na pinagmamasdan ang langit.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakalangoy. Naisip ko, mamaya pagkatapos kumain, lalangoy muna ako ng ilang laps bago ako magpahinga. Tutal naman, mainit ang panahon.

Good mood ako hanggang sa makarating ako ng bahay.

"I'm home." Pahayag ko ng makapasok ako sa foyer ng bahay nina Kuro.

"Welcome home Makoto!" Pagbati ni Kagami sa'kin. May bitbit siyang laundry bag at pababa ng hagdan.

"Andami niyan ah?"

Napangiti siya. "Oo nga eh. Masyado kasi akong naging busy sa resto, natambakan tuloy ako."

"Si Aomine?"

"Sa kusina."

Dumiretso na siya sa laundry area habang dumiretso ako ng kusina.

"Kailangan mo ba ng tulong Aomine?"

"Ayos lang Makoto. Tapos naman na akong magluto."

Ngumiti ako. "Ah sige. Magpapalit na muna ako ng damit."

"Ok."

Lumabas na ko ng kitchen at umakyat na ng hagdan. Nabigla lang ako ng biglang lumabas ng kwarto ni Akie si Kuro at nagkasalubong kami sa tuktok ng hagdan.

"Nakakabigla ka naman!" Pagtawa ko ng bahagya.

"Ah. Pasensya ka na kung nagulat kita."

"Nako! Hindi. Hindi. Ngayon ko nalang kasi naexperience yan sa'yo. Kamusta nga pala turo mo ngayon?" Kuro's a pre-school teacher in the same school.

"Masaya. Alam mo naman yung mga estudyante ko." Pagngiti niya.

"Basta kung kailangan mo ulit ng tulong, sabihan mo lang ako." Minsan kasing tinulungan ko siya nung nag-absent ang kanyang kasamang teacher.

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now