Notice Me Senpai 8

48 11 1
                                    

Akie

Nakapagluto na kami ng hapunan ng dumating ang aming mga housemates. Magkakasabay silang dumating at kasama ng basketball team sina Ate Riko, Hyuga, Kiyoshi, Takao at Taki. They all looked dead, except for Ate Riko na namumula.

"Anong nangyari?" Tanong agad ni Kuya Aomine pagpasok namin ng sala kung nasaan ang team.

Iniwasan ko ng tingin si Makoto ng batiin niya ko. Hanggang ngayon, I felt betrayed. Pero kung iiwasan ko siya, mas madali kong matatanggap na iba ang gusto niya.

"Riko. Si Riko." Nanghihinang sagot ni Takao. Nakasalampak silang lahat sa couch.

"She put loads of protein supplement sa pinakain niya sa'min kanina." Pagtuloy ni Kise na namumutla.

"Huh?" Kuya Aomine turned to Ate Riko. "Kailangan ba talaga yon?! Talaga naman Riko! Baka mamaya maulit nanaman yung nangyari nung last year na akala namin mamamatay kami sa sobrang daming nilagay mong supplement!" Napasapo pa ng ulo si Kuya. I guess he's remembering that tine.

"Sorry!!!!!!" Ate Riko bowed. "You all need that stuff!!!!!" Pag counter nito.

"Pero wag mo naman sobrahan Riko." Sagot ni Hyuga.

Tinignan ko si Ate Riko at nangingilid na ang luha nito. Nilapitan ko siya.

"Ate. Tara, sa kusina tayo." Pag ngiti ko sa kanya.

Nginitian niya rin ako at sumunod siya sa'kin sa kusina.

"Pagpasensyahan mo na te. Baka pagod lang sila. Pabayaan mo na te."

"Gusto ko lang namang tulungan sila eh."

I chuckled. "Alam ko naman yun te. Pero, siyempre. Pagkatapos kasi ng training niyo, mas gusto nilang kumain ng normal na pagkain."

Nagsalang ako ng pot.

"Di ka pa ba tapos magluto?" She asked me.

"Uhm. Yug mackerel nalang ni Haru."

Naggigisa na ko ng mackerel miso ni Haru ng pumasok sa kitchen si Nagisa.

"Akie. Ayos ka na ba?" Tumabi siya kay Ate Riko.

"Medyo sinat nalang. Pero ayos na ko."

"Nag-alala kasi ako sa'yo eh." Pag ngiti nito.

"Thanks Nagisa. Kamusta naman first day of training?"

He stretched out his arms. "Nakakapagod. Pero masaya!"

"Buti naman." I smiled.

He jumped out of his seat at tumabi sa'kin. "Kailangan mo ba ng tulong?"

"Uhm. Ok lang bang paki-ayos na ng dinning? Dun nalang tayo, baka kasi umulan eh."

"Got it."

Pati si Ate Riko tumulong sa pag-aayos ng dinning. Rinig ko naman ang masayang usapan ng mga basketball team sa sala. Natutuwa sila dahil may "normal" food nanaman daw silang makakain.

Pumasok rin si Rei at binati ako. Tumulong na rin siya sa paglabas ng mga pagkain. Then sumunod na pumasok si Haru at Makoto. Agad akong tumalikod.

"Akie." Si Haru.

"Hmm?" Narinig ko ang hakbang ni Makoto na palapit sa'kin.

Kinuha ko ang bowl at isasalin ko ang mackerel miso ni Haru. Instantly nasa tabi ko na si Makoto. Napatingin ako sa kanya.

"Ako ng bahala dyan." He smiled at me gently. I adverted my eyes and took a step back bago lumabas ng kitchen without saying a word.

Nagmadali akong umakyat ng kwarto ko at nilock ko ang pintuan ko.

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now