6 Years Later

17 1 0
                                    

"Haru!?" Magiliw kong bati kay Haru. We were standing side by side sa platform ng Brooklyn at papunta ako ng Manhattan kung saan magkikita kami ni tita sa cafe at lugar kung saan kami nakatira.

"Akie!?" He was also surprised.

Di ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Di ko maintindihan ang saya na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, sasabog ang puso ko.

"Oh my God Haru! Oh my God!" Naiyak ako sa sobrang saya at sobrang gulat.

Natatawa siyang humiwalay sa'kin. "Akie! Grabe! It's been.."

"Six years!" Nakangiti kong pagputol sa kanya. Nakakahiya pero buti nalang at walang pumapansin sa'min.

"Yeah! 6 years. That long huh?" He smiled.

Di ako makapaniwalang magkasama kami ngayon.

"Wait? Don't tell me..?"

"Magkikita kami ni Rin. I'll be training with him para sa olympics."

"That means? Sa bahay ka rin tutuloy!? Ni hindi man lang sinabi sa'kin ni Kuya Rin!" May pagtatampo sa boses ko.

"It's a surprise actually. Di ko naman akalain na magkakasabay tayo dito." He chuckled lightly. "San ka ba galing?"

"I just passed my resignation letter sa resto."

"Bakit? Pauwi ka na ba?" He asked.

"Uhm." I smiled. "It's supposed to be a secret."

"I can keep a secret."

"Thanks Haru."

I'm so excited and happy at the same time. It's been 6 years ng umalis ako at maiwan ko ang mga kaibigan ko. With Haru here, it feels like I am united again with them..and with Makoto.

We just talked about random things ng makasakay kami ng train. I want to save the important ones later pagdating ng bahay. Halos isang oras ang byahe namin and paglabas namin ng subway ay nag-aabang na si Kuya Rin.

"Woah! This is supposed to be a surprise. Tapos nagkasabay kayo?" Pagtawa niya.

"You didn't plan very well Rin." Sagot ni Haru.

"Nako. Si Kuya Rin pa ba? Teka, daanan na natin si Tita sa cafe ng makauwi na tayo. Gusto ko ng makipagkwentuhan kay Haru!"

"Sus Akie. Sabihin mo, may gusto ka lang itanong." Pang-aasar ni Kuya.

Kinurot ko siya sa tagiliran at napasigaw siya kaya naman napatingin ang ibang tao sa'min. Naglakad na kami papunta sa cafe ni tita.

I feel so happy today. Dahil sa una, resigned na ako sa resto, and I still have more than a year para maenjoy ang US. And second, Kuya Rin and Haru will stay for 2 weeks sa bahay bago lumipad ng Australia for the Olympics. Gusto daw kasi muna magpahinga ni Kuya Rin kaya pati si Haru ay niyaya niya. Pangkundisyon na rin nila para sa darating na competition nila.

We met tita sa cafe. And katulad niya, hindi rin pala niya alam na sa amin muna magstay si Haru and she's very happy to have him.

"Buti naman at kahit papaano eh may makakasama na si Akie sa bahay habang wala ako."

"Ha? Bakit tita? Kararating lang namin aalis ka?" Si Kuya Rin.

"May convention kasi kami sa New Jersey sa Friday. Hanggang weekends yun, so ibig sabihin, si Akie ang magmamanage ng cafe habang wala ako. And you'll help her."

Natawa si Kuya Rin. "Nako! Akala ko naman kung ano. Oo naman tita. We'll help Akie. Monday pa naman ang start ng training."

"Well, that's good. And by Saturday and Sunday naman, pwedeng maghalfday si Akie dito dahil nandito naman yung store manager ko that time. So pwede kayong mamasyal. Ipasyal niyo si Haru, magrelax bago yung training."

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now