Notice Me Senpai 11

40 9 0
                                    

Akie

Hindi ko alam kung bakit nakitabi nanaman si Kuya sa'kin sa higaan. Ang luwag-luwag ng kama niya, hindi siya dun mahiga. But, I like the extra warmth with him beside me and madali akong nakakatulog pag katabi ko siya.

Napanaginipan ko pa yung basketball game nila, kung pano yung laro nila, yun din ang napanaginipan ko. Nakakatuwa lang.

Maaga akong nagising. Nakayakap pa ko kay Kuya pag gising ko. Pagtingin ko sa baba, nakatalukbong si Kuya Kuro at nasa ulunan naman niya si Number 2. Tinignan ko ang wall clock ko, it's already before 6. Kaya tumayo na ko at dumiretso na ng banyo. Maghahanda na ko ng breakfast namin.

I sleep well naman kahit papano. Napagod lang ako siguro sa panonood ng game nila. Pagkatapos kong mag-ayos, pumasok ulit ako ng kwarto ko para mag-puff ng inhaler ko dahil nararamdaman ko nanaman ang pagsikip ng dibdib ko. At pagtapos ay bumaba na ko ng hagdan.

Tinatali ko pa ang buhok ko habang papasok ako ng 2nd kitchen para kumuha ng breakfast namin. Bread, bacon, egg, at stir fry vegetables ang lulutuin ko for breakfast. Inilabas ko na ito at dumiretso na sa kitchen.

Hmm. It's Makoto's birthday today. Kaso wala man lang akong regalo para sa kanya. Hmm. Gagawan ko nalang siya ng baon! Tama! Yun nalang! I will make it extra special! Pag ngiti ko.

Naisip kong gawan nalang siya ng chicken nuggets, stirred-fried vegetable at ipapabaon ko sa kanya yung brownies na binake ko nung Friday.

Nagpapainin nalang ako ng kanin at tapos ko na ang pagluluto ng chicken nugetts niya at aayusin ko nalang ito at kasalukuyan kong niluluto ang gulay ng marinig ko ang yabag ng paa ni Koganei.

"Good morning Akie!" Bati niya sa'kin.

"Good morning!" Pag ngiti ko sa kanya. "Kape?"

Napakamot pa siya ng kanyang tsan. "Aah. Sige."

Hininaan ko ang apoy ng niluluto ko at kumuha ako ng mug at sinalinan ko ito ng kape at inabot sa kanya.

"Thanks."

"No prob!" Pag ngiti ko at bumalik ako sa paggigisa. "Ba't ang aga mong nagising?"

Napangiti siya ng lingunin ko siya. "Excited lang kasi ako sa gagawin natin ngayon!"

Natawa ako. "Ganun ba. May plano na ba kayo sa magiging program natin?"

"Oo naman. Magpapagames kami! Sigurado masaya yun. Nga pala. Kailangan mo ba ng tulong sa pagluluto?" Tanong niya sabay inom ng kape. "Tsss." Napaso pa siya.

"Mainit kaya yan!" Pagtawa ko at balik ako sa paghalo ng gulay. "Oo sana, kailangan ko ng katulong sa pagprepare ng mga sahog. Yung mga magbabalat ng mga gulay, taga-hiwa. Ganun."

"Count me in. Sanay din ako sa kusina." Kumuha siya ng tinapay at nagsimula na siyang kumain. Maya-maya pa, I heard another set of footsteps descending the stairs. It's Makoto's.

"Shh. Wag ka maingay sa secret natin ha." Paalala ko.

Tumango naman si Koganei.

"Good morning!" Bati niya sa'min. He still looks beat, pero nakaayos na siya at nakauniform na siya.

"Makoto. Breakfast na." Pagyaya ni Koganei sa kanya.

Umupo si Makoto sa tabi niya, ibinaba niya ang kanyang bag sa counter at sinapo niya ang kanyang ulo.

"Bakit? Masakit ulo mo?" I asked habang inililipat ko na ang gulay sa bowl and I set it down infront of them.

"Ngh. Oo eh."

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now