Notice Me Senpai 17

38 3 6
                                    

Akie

Nakakalungkot man, pero kailangan din naming umuwi. Hapon na ng makarating kami ng bahay at nasa garden sila Kuya kasama ang iba nilang kateam na malapit lang ang bahay sa'min.

Pumasok muna kami ng kwarto ko para ibaba ang mga gamit namin. Nauna ng bumaba si Kuya Kuroko kasama ang kanyang alagang si 2.

Humiga muna ako sa kama at napapikit. Inaantok pa ako kahit na nakatulog ako sa byahe.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at tinignan ko ito.

"Akie."

"Kuya Aomine." Umupo ako sa aking kama at lumakad siya palapit sa aking computer desk. Kinuha niya ang akong upuan at umupo siya.

"Kamusta naman bakasyon niyo? Kamusta si lola?"

"Ayos lang. Umattend kami nung festival eh. Ang saya! Pinahiram ako ni Gou ng yukata."

Tumango si Kuya pero parang wala siyang interes sa kwento ko.

"Ayos ka lang ba kuya?" Tanong ko.

Tinignan niya muna ako. Pagkatapos ay humarap siya sa aking desk at may kinuha sa ilalim ng libro ko.

"I saw this, sa master's bed."

Nung una, nagtaka pa ko sa hawak niya. Pero ng tignan ko itong maigi, yun yung sulat na bigay ni Yuri!

"Kuya?!" What's funny is it is already open.

Inabot niya sa'kin ang sulat at agad kong kinuha ito.

"I'm sorry kung binuksan ko siya. But, I don't like what I read."

Minadali kong basahin ang sulat. Summary? Yuri wants to court me.

"Kuya. I.. I.. I didn't know about this." Kinakabahan ako. Seryoso kasi ang muka niya.

"Alam ko. And it's up to you kung tatanggapin mo."

Nag-isip ako. Yes, Yuri is a very good man. Gentleman at napapangiti niya ko. Pero gusto ko siya bilang kaibigan at hanggang dun lang yun.

"Kuya, don't worry. I'm not interested with relationships."

Nakita kong lumiwanag ang muka ni Kuya at mukang satisfied naman siya sa sagot ko.

"Magpalit ka na muna ng damit. Maghahanda ako ng miryenda."

Nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto ko pero mabilis akong yumakap sa likod niya.

"Kuya? Nagseselos ka ba?" Nakangiti kong tanong.

Umiling siya at humawak sa braso. "Nope. Nagulat lang ako sa nabasa ko. Hindi nagkamali yung hinala ko sa kanya."

"Eh kayo ni Ate Sheena?"

Natigilan siya. Tinanggal niya ang braso ko sa kanyang bewang at humarap sa'kin.

"Kayo na ba?" I asked.

Napangiti si Kuya. "Not yet. Kinikilala pa naman namin ang isa't-isa."

"Nililigawan mo siya?"

He chuckled at niyakap niya ko. "Hindi. Ano ka ba. Bakit? Yun ba sabi ni Kagami? Kasama namin yung ibang kaibigan niya nung lumabas kami nung nakaraan. Wala pa din sa isip ko yung mga relasyon na ganyan."

Gumaan din ang pakiramdam ko. At least, hindi pa mahahati ang atensyon ni Kuya.

"Ikaw ata 'tong nagseselos eh!" Pagtawa niya.

"Hindi naman kuya. Namiss lang kasi kita."

"Hai nako. O sige na." Itinulak na niya ko ng marahan. "Magbihis ka na at magmimiryenda na tayo. Ok?"

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now