Notice Me Senpai 10

58 11 2
                                    

Punky Funky Love by Granrodeo. Opening of Kuroko No Basket Season 2.

Including videos of Winter Cup.

ctto.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Akie

Kinabukasan, naging assistant nalang ako ni Yuri sa pagcover ng match. 3 games ulit. Ang mga nanalo ay ang team nila Sakurai at Koki, ang team nila Akashi at Murasakibara, at ang Phoenix academy. Sinasabi na nga ba. Madugong labanan ito sa next saturday.

"Woah! Can you believe it? Grabe yung team nung Akashi! Grabe! Higante yung center nila!" Si Kuya Samuel. Nasa labas na kami at nag-aabang nalang kila kuya na nagmi-meeting pa sa lobby.

"Haha! Si Murasaki ba? Nako kuya wag kang maingay dun. Baka pulbusin ka non!" Pagtawa ko.

Parang nangilabot siya. "Ha? Bakit?"

"Ganun yun. Favorite line niya na siguro yun. Pero ang totoo, mabait yun. Tsaka mahilig sa sweets. Actually ngayon nga may dala akong cupcakes para sa kanya eh." Pagtawa ko.

"Talaga? Nakakaintimidate kasi yung laki niya. Tsaka si Akashi. Nakita niyo ba kung pano lumuhod yung lahat ng tumapat sa kanya. Grabe. Nakakatakot siyang kalaban."

"Kuya, don't worry. Di ka naman basketball player eh." Pang-aasar ni Yuri kaya nagtawanan kami.

Halos 15 minutes na rin siguro kaming nakatayo dito ng kaunti nalang ang mga taong lumalabas ng stadium. It's already 5 pm. Maya-maya pa'y lumabas na ang team nila Murasakibara.

"Murasaki!!!" Pagtawag ko habang hinahabol ko sila.

Napahinto silang dalawa ni Akashi.

"Akiechin." Sluggish na bati niya sa'kin. As usual, may hawak nanaman siyang chips.

"Hi. Hi Akashi!"

"Good afternoon Akie." Tinignan niya ang kamay ko. "Anong nangyari sa kamay mo?"

"Uhm. Eto ba? Napaso kasi ako kagabi habang nagluluto." I smiled. "Oo nga pala. Para sa inyo 'to." Tig-isa kong inabot sa kanila ang 2 dalawang paper bags na hawak ko. "Uhm. Cupcakes yan tsaka cookies. Gawa ko. Sana magustuhan niyo. Congrats nga pala ha."

Kinuha nila mula sa'kin ang paper bag at nagpasalamat.

"Salamat Akie. Ibig sabihin nun, may chance kaming makalaro ang mga kapatid mo." Ang pormal talaga niyang magsalita.

"Oo nga. I'm looking forward to your game." I smiled.

"Maraming salamat Akie." Pagpapasalamat ni Akashi. Tinignan namin si Murasaki, binuksan niya ang paper bag at tinignan ang laman nito. Maya-maya pa'y kumuha siya ng isang cookies mula sa loob nito at isinubo niya ito ng buo.

"Akiechin. Thank you dito. Pwede mo ba kong lutuan ng mas marami nito? I really like cookies and sweets."

"Sige ba. Next week, sa semi-finals pagluluto kita. Pagagalingin ko lang 'tong kamay ko."

"Salamat!"

"Akashi. Murasakibarra." Boses ni Kuya Kagami.

Nilingon ko sila at palapit sila sa'min.

Notice Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon