Notice Me Senpai 19

66 4 6
                                    

We stayed there for a while. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako makapaniwalang pinagdaanan ko yun. Medyo natrauma ata ako, pero kakayanin ko dahil alam ko namang wala akong ginawang masama.

I decided na rin na hindi ko na masyadong lalapitan pa si Kise. Nagkamisunderstanding na once, ayoko ng maulit pa. Actually, lahat sila. Ayoko ng lapitan sila kapag nasa labas ng bahay. Oo nga naman kasi, hindi naman kasi normal na may kasama akong 12 na lalake sa bahay at ako lang mag-isang babae. Mapag-iisipan nga ako ng masama ng iba. Eh anong magagawa ko!? Eh sa doon sila nakatira eh! Alanganamang palayasin ko sila? San sila titira? Sa kalye? Hindi naman siguro ako ganun kasama na gagawin ko yun sa kanila.

Tinext na ni Kuya Kagami si Kuya Kuro at hinahanap na daw kami. Napagkasunduan namin ni Kuya na ako na ang magkukwento sa dalawa pag-uwi ng bahay at para na rin maiwasan na sugurin yung babaeng yun.

"Saan ba kayo nagsuot!?" Iritableng tanong ni Kuya Kagami.

"Bumili lang kami ng corned dog. Nagutom kasi si Akie." Sagot naman ni Kuya Kuro.

Tinignan ako ni Kuya Kagami. "Eh paano ka makakakain niyan sa booth nila Rin?"

"Ayos lang, isang stick lang naman yung nakain ko eh."

Kasama ang ilang kateam nila, dahil ang iba ay bumalik na sa kanilang booth, naglakad na kami papunta sa booth nila Kuya Rin.

"Magugulat yun! Kasi alam niya nakaduty pa kami eh." Kwento ni Kuya Aomine.

Naiimagine ko na tuloy ang itsura nila kuya. NAKO! SI MAKOTO!!!!!! Is he? Is he? KYAAAAAAAH!

Medyo kabado pa ko habang naglalakad kami papuntang booth, iniinagine ko na kasi ang itsura niya. Medyo maraming tao sa building na 'to dahil puro booth ito ng mga sports club. At nandito din ang survival game na obviously eh sikat sa lahat.

"Ayun!" Pagturo ni Koganei sa signage ng swimming team. It read, "Maid Hell Cafe". Required sa kanila ang magcrossdress bilang maid. At tradition nila na lahat ng 1st and 2nd year ang gagawa nito, habang ang 3rd and 4th year naman ang magsisilbing mga butler. Ang ayaw gumawa nito ay kailangang magquit sa swim club.

"Well. That's cheerful." Komento ni Kise.

Nagtinginan pa kaming lahat bago kami pumasok. Nauna sina Gou, Koganei, Kise, Hyuga, Kiyoshi, Kuya Aomine at Kuya Kagami na pumasok.

"Kuya." Hinawakan ko sa braso si Kuya Kuro.

"Bakit?" Pagtataka niya.

"Anong gagawin ko kapag nakita kong nakacrossdress si Makoto?"

"Ha?" Napataas ang kilay ni Kuya. "Edi normal lang. Baka naman kung anong reaksyon ang gawin mo ha at mapahiya siya sa'yo."

Ngumiti ako. "Nah. Hindi kuya. I mean. Di ko mapaliwanag."

Narinig ko ang boses ni Nagisa at lumabas siya sa pintuan. Nakamaid dress siya at.. HE'S SO CUTE!!!!!!

"Nagisa!!!!????" Sabay pa kami ni Kuya.

Nag-peace sign siya sa ibabaw ng kanyang kanang mata. "Nagustuhan niyo ba!?"

Nilapitan ko siya at inikutan ko siya. "Ang cute mo! Bagay na bagay sa'yo! Wow! Ang sexy mo Nagisa!" Naka-knee high socks din kasi siya at ang payat ng katawan niya na sakto sa damit.

"Siyempre naman. Halikayo. Nasa loob na yung iba." Hinawakan niya ako sa braso at hinatak papasok ng cafe nila.

Medyo nabigla pa ko dahil marami-rami ang nasa loob. Mukang popular sa mga babae ang cafe nila dahil halos babae ang nasa loob. At ang ku-cute ng mga swimmers dahil lahat ay naka-maid costume. Agad kong hinanap si Makoto, pero hindi ko siya makita.

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now