Notice Me Senpai 6

56 11 0
                                    

I gathered all the ingredients na kailangan ko para sa pagbebake ko. Gagawa ako ng cookies para kila Makoto, cupcake para sa buong team, cake para kay Ate Riko at empanada para kay Kuya Kagami. Whew! Marami-raming lutuan 'to! Di bale, mamayang hapon pa naman ang punta namin ni Gou sa school eh.

Nagsimula na kong magmeasure ng mga gagamitin at sila Makoto naman ay nasa pool area na at nagwawarm up. I tried to focus ngayon, ni hindi ko iniisip si Makoto. Nakita ko kasi siyang nakatopless nanaman just wearing his swimsuit. Nakakahiya man sabihin, pero naglalaway ako ng makita ko siyang ganun! I'm so gross right? Aargh!

Nagpatugtog nalang ako sa living room para naman kahit papano eh medyo may maingay naman sa loob ng bahay. Ano kayang magiging reaksyon nila kuya mamaya pag nakita nila kami sa practice nila? First time ko kasi silang bibisitahin while they have their practice, ayaw kasi ni Kuya Aomine. Eeeehhhh.. Ngayon kasi kailangan so wala silang magagawa.

Pakanta-kanta pa ko habang nagmimix na ko ng ingredients ng cookies. At maya-maya pa'y naririnig ko na ang boses ni Kuya Rin at Gou sa may hallway.

"Ei!" Sigaw ko.

Lumitaw silang dalawa sa entrance ng kitchen.

"Kumain na ba kayo? May ginawang pancake si Haru, baka gusto niyo?" I asked them.

"Tapos na kaming magbreakfast. Puntahan ko nalang muna sila sa pool area ha." Kuya Rin wave at me at naglakad na papuntang back door. Pumasok naman ng kitchen si Gou at umupo sa high chair sa may counter.

"Ang aga mo namang magsimula?" She said habang tinitignan ang box ng baking powder.

"Medyo marami-rami yung gagawin ko eh. Tsaka gusto ko rin bigyan si mama niyo." I smiled.

"Gusto mo ba tulungan na kita?"

"Uhm. Sige. Palagay na 'to sa tray para maluto na natin. Magsisimula na ko sa cake."

Kinuha niya ang mixture ng cookies. "Andami nito!"

"Ayos lang yan. Marami naman tayong kakain niyan eh."

Nagkukwentuhan kami about sa camera club, kung ano ng mga ginawa nila and everything.

"Buti nga si Kuya Ian ang naging presidente. Tapos itong portfolio, si Ate Sheena ang nakaisip. Crush na crush niya kasi si Kuya Aomine, kaya ng malaman niyang pinsan kita, siya na yung nakiusap sa adviser ng club na isali ka kahit na close na yung registration."

"Hmm. Ilakad kaya natin siya kay Kuya?"

Tumawa siya. "Nako! Baka himatayin yun! Patay na patay yun kay Kuya Aomine!"

Natawa ako. Now that I think about it, never nainvolve si Kuya sa babae. What if? We became a matchmaker? Yung tipo naman ni Ate Sheena yung type ni Kuya eh. Sexy, mahaba ang buhok, medyo malaki ang.. Hinaharap. Mabait. And may sense ng sports sa interest.

"Try lang natin. Pasamahin mo siya mamaya."

Tumawa si Gou. "Sige. Itetext ko siya mamaya."

After 30 minutes ng maisalang ni Gou ang cookies naluto na ang unang batch at nagsalang ulit siya. Patapos naman na ko sa mixture ng cake at nilagay ko na sa hulmahan.

Panay naman ang pito ng kung sino man sa mga nagpapractice. Minsan naririnig namin ang tawa ni Nagisa. Sigurado, nangungulit nanaman yun pag may pagkakataon.

Nagpatuloy lang kami sa pagluto, nauubos na rin ni Gou ang mixture ng cookies.

"Bigyan na natin sila ng miryenda. Baka pagod na sila." Sabi ko kay Gou ng matapos niya ang 3rd batch ng cookies.

Inilagay namin ito sa isang bowl at nagtimpla kami ng ice tea. Tinulungan niya kong ilabas ang mga pagkain sa pool area.

Nakaswim suit na rin si Kuya Rin at nakatayo siya sa edge ng pool na may hawak na timer at nakapamewang ang kaliwang kamay niya.

Notice Me, Senpai!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora