Notice Me Senpai 13

40 4 5
                                    

Akie

Dumaan ang mga araw at normal naman lahat ng nangyari sa'min. Mas naging close na rin kami ng mga housemates namin at nasanay na ko ng tuluyan na kasama sila.

------

One week nalang at Christmas na. Wala na rin kaming pasok at isa-isa na ring umaalis ang aming mga housemates para sa kanilang holiday break na magsisimula bukas hanggang first week ng January. Nakakalungkot kasi, unti-unti naring nananahimik ang bahay. At isa pa dun dahil matagal kong hindi makikita si Makoto. Mamimiss ko rin naman siya dahil araw-araw kaming nagkikita dito at magkasama.

Sila ang huling uuwi dahil na rin sa fininalize na nila ang kanilang training program sa darating na Nationals tournament. Balak kasi ng kanilang coach na pagkabalik nila after holidays, straight na sila makapagtraining ulit.

Tinulungan nila kaming lagyan ng decorations ang bahay. Magkasama kami ni Nagisa sa gazeebo at tinutulungan ko siyang ikabit ang parol.

"Uuwi na kayo?"

"Oo." He said habang isinasabit niya ang parol.

"Ganun ba?" Napangiti nalang ako.

Tinignan niya ko. "Ba't malungkot ka?"

Tinignan ko siya. "Ha? Hindi! Ba't naman ako malulungkot?"

Naisabit na niya ang parol at patalon siyang bumaba ng kanyang tinutungtungan. Humarap siya sa'kin.

"Mamimiss mo ko no?" He grinned at me.

Natawa ako. "Oo naman!"

"Ako nga ba o si Kuya Makoto?"

Nanlaki ang mata ko. "Ha? An--anong sinasabi mo dyan Nagisa?"

Napangiti siya. "You don't have to hide it. Halos 7 months na kaming nakatira dito kasama niyo. Hindi naman mahirap mapansin yun."

"Teka. Pe--pero Nagisa."

"Ne. Ne. Ba't kinakabahan ka?" Tumingin siya sa paligid. "Wala namang ibang tao dito. Tayong dalawa lang naman. Akie, do you like him? Hm?"

He's eyes were shinning because of anticipation. "Nagisa."

"Napansin ko na agad yun. And before we came here, nakita na kita minsang nakatingin kay Kuya. Although maraming nagkakagusto sa kanya, ikaw lang kasi yung babaeng hindi lumapit sa kanya sa school. You just keep on looking at him from a distance." He smiled. "Mas gusto kong ikaw ang maging girlfriend niya kesa sa ibang babae."

Nagulat ako sa sinabi niya at di ko maiwasang hindi maflattered. "Wait. Nagisa. Girlfriend agad? Ni hindi ko nga alam kung ako ba yung type niyang babae eh!"

"Akie. You are beautiful, funny and smart. Dagdag mo pa dyan ang pagiging maasikaso mo sa aming lahat. Kung may magiging type siyang babae, di malayong ikaw yun."

Naglakad ako papasok ng gazeebo. "Pero ayokong umasa Nagisa."

He smiled softly at me at umupo siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa tuhod ko as if he's trying to comfort me. "I'm sorry, pero kasi ako yung nahihirapan para sa'yo eh. Magkasama tayong lahat dito sa bahay and you have feelings for him. Pero hindi mo maipagtapat sa kanya. Tapos si Kise, na gusto ka rin. Dagdag mo na dyan si Aomine na sobrang higpit sa'yo."

I smiled at him. "Ayos na rin siguro yun. Hindi ko rin naman balak sabihin sa kanyang gusto ko siya. Nahihiya ako sa kanya."

Bumuntong hininga siya at bumitaw na siya sa tuhod ko. "I can't understand why you don't want him to know your true feelings for him."

"Para kanino?"

Nagulat ako at pareho kaming napalingon. Nasa likod na namin si Haru.

"Ha--Haru?! Kani--kanina ka pa dyan?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Notice Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon