Notice Me Senpai 23

9 1 0
                                    

Hindi talaga ako nakatulog ng maayos ng gabing yun.

Maaga akong bumaba ng kusina para ipaghanda ng breakfast ang mga kasama ko. Napakapeaceful ng paligid. Sobrang nakakasanayan ko na yung atmosphere ng bahay na kapag madaling araw, tahimik at kapag patapos na ang araw eh sobrang gulo. Akala mo laging may riot sa bahay.

Tapos na kong magluto ng bumaba si Midorima at naabutan niya ako gumagawa ng kape sa coffee maker.

"Good morning Akie." Pagbati niya sa'kin.

Nginitian ko siya. "Good morning. Gusto mo na bang magkape?"

Tumango lang siya at umupo sa high chair sa may kitchen counter.

Tahimik kaming dalawa. Pinaglagyan ko na siya ng kanyang kape sa mug at inabot ko ito sa kanya.

"Salamat." Pag ngiti niya.

Kumuha na ako ng mga plato na gagamitin namin para sa breakfast. Ilang sandali nalang kasi, bababa na ang mga kasama namin.

"Akie." Pagtawag niya sa'kin habang kumukuha ako ng kutsara at tinidor sa kabinet.

"Bakit?" Tanong ko saknya.

"Salamat nga pala sa palagi mong pag-aasikaso sa'min ha. Alam ko, minsan napapagod ka na sa pag-asikaso mo sa'min. Lalo na sa pagluluto. Pero.. Uhm.. Gusto ko lang malaman mo na masaya ako at dito ako tumira sa inyo."

Ngumiti ako. "It's an honor to serve you guys."

"So. Uhm. Tutuloy ka? Sa US?" Tanong niya bago uminom ng kape.

Inilapag ko sa counter top ang mga kutsara at tinidor. "Sabi ni Kuya Aomine, kakausapin daw niya si Papa kung pwede pang magbago yung isip nila."

Tinignan niya ko. "Ikaw? Ano bang gusto mo?"

Ano nga bang gusto ko?

"Sa totoo lang. Ayoko talaga."

He smiled. "Kung mga kapatid mo ang iniisip mo. Wag kang mag-alala sa kanila. They can take care of theirselves." He lean on the counter. "Ano bang gusto mo?"

Parang walang pinagkaiba yung tanong niya nung una, pero tingin ko naintindihan ko kung anong ibig niyang sabihin.

"A part of me, says na ayaw ko talaga. Pero may part din sa'kin na nagsasabing itry ko yung opportunity na dumating sa'kin. Totoo ngang isa sa mga dahilan ko eh sila kuya. At alam ko namang kaya nilang alagaan ang sarili nila. Pero kasi, ayokong mawala yung relationship namin sa isa't-isa. Yung ganito kami kaclose."

"You're just scared." Si Koganei na nakabihis na. "Sorry, narinig ko kasi kayong nag-uusap."

Ngumiti ako. "Ayos lang naman. Kape?"

"Ok lang Akie. Ako nalang kukuha." He smiled at umupo sa tabi ni Midorima.

"Koganei's right. You're just scared because you are going out of your comfort zone. Ibang environment kasi yung mapupuntahan mo. Nasanay kang nasa paligid mo lang yung mga kapatid mo. But in the future, hindi naman kayo palaging magkakasama lalo na kung magkapamilya na kayo. This is an opportunity para mahanap mo ang sarili mo." Paliwanag ni Midorima.

"Tama. If you really love your brothers, hindi naman basta-bastang mawawala yung closeness niyo sa isa't-isa eh. Tsaka, kahit nakakalungkot Akie. Siyempre masaya pa rin naman siguro sila Aomine sa opportunity na naibigay sa'yo. US yun, magandang education panigurado ang mabibigay sa'yo dun. And don't worry, hinding-hindi ka namin kakalimutan." Pag ngiti ni Koganei.

"Salamat sa inyo ha." Pag ngiti ko. "Teka nga. Ang aga-aga, nakakadepress naman 'tong pinag-uusapan natin." Pagtawa ko. "Aayusin ko muna yung kakainan natin."

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now