Notice Me Senpai 24

12 1 0
                                    

Ang mga kasama na namin ang nag-asikaso ng nasusunog na cupcake. Lahat sila ay nasa kitchen. Habang kaming magkakamag-anak ay nasa living room.

Pero hindi ako pinakawalan nila Kuya Kuro at Kuya Kagami. Lagi nila akong pinagigitnaan. Tahimik ang lahat ng kasama namin. Si Kuya Rin, mukang hindi pa rin nakakarecover sa ginawa sa kanya ni Tita.

Ng maipaliwanag ni tita ang lahat, tsaka lang nalinawan sila Kuya Rin at Gou sa nangyayari.

"But, here's the deal." She looked seriously on the four of us. "I'll give you a chance. Para kay Akie."

Nagkatinginan ang tatlo kong kapatid.

"Anong ibig sabihin niyo tita?" Tanong ni Kuya Kuro.

She smiled. "We'll play basketball."

Nagkatinginan ulit ang mga kapatid ko.

"If matalo niyo ako. Hindi na aalis si Akie."

Nanlaki ang mga mata ng 3 kong kapatid. Alam ko ang nasa isip nila. Kayang-kaya nila si Tita.

"But! Kung matalo kayo." Tumingin siya sa'kin. "You have no choice but to come with me to US."

Tinignan ko ang mga kapatid ko.

"Ok." Sagot ko.

Ngumiti si Tita. "Ok. Now we play." Tumayo siya at tinanggal niya ang kanyang coat.

Nakasimpleng t-shirt siya, pants at rubber shoes. Di mo aakalaing ilang taon nalang ay 50 years old na siya.

Lumakad na palabas ng bahay si tita at naiwan kaming nasa sala.

Ng tignan ko si Kuya Aomine at Kuya Kuro, parang hindi sila nasiyahan sa deal na pinropose ni Tita.

"Aomine! Kayang-kaya natin si tita!" Si Kuya Kagami na excited pa.

Umiling si Kuya Aomine.

"Tita played in WNBA. At 2 years siyang naging MVP. Back-to-back champion ang team niya." Paliwanag ni Kuya Aomine.

I never thought na ganun kacool si Tita. I heard na naglalaro din siya ng basketball, pero I never thought na pangprofessional player siya.

"Nagcoach rin siya ng ilang taon after siyang magretire pero mas pinursue niya ang hilig niya sa pagluluto kaya iniwan niya ang pagbabasketball." Pagtuloy ni Kuya Aomine.

Tulad ko, nagulat din si Kuya Kagami sa sinabi niya.

"But we can take her down right?" Tanong ni Kuya Kagami.

Nagkatinginan si Kuya Kuro at Kuya Aomine.

"Uhm. Honestly? Kahit dream team siguro, hindi kakayanin ang level ni tita." Sagot ni Kuya Kuro who sounded depressed.

"Pero kaya niyo yan! Nakalimutan niyo na bang you took down Phoenix last Nationals? Isa na kayo sa mga magagaling na players dito sa district natin!" Pag-encourage ni Koganei. Nasa bungad na rin pala sila ng living room.

"Well. We have to win this game.. Or else.." Napatingin sa'kin si Kuya Aomine. "I promise you Akie. Walang aalis."

Nginitian ko si Kuya. "I'm counting on you kuya."

Lumabas na rin kami. Kasunod ang mga kasama namin. Nasa court na si tita at nagshu-shooting na rin siya. Kahit nakajeans siya ay kayang-kaya niyang maglaro at magshoot. Ang cool niya! Ang astig ng tita ko!

"Woah! Ang gagwapo naman ng mga kasama niyo!" Huminto siya sa pagshoot at naglalakad palapit sa'min.

Natigilan ang mga kasama namin. Alam na siguro nila ang mangyayare sa kanila pag lumapit sa kanila si tita.

Notice Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon