Notice Me Senpai 18

33 4 2
                                    

Akie

Then, the real problem started.

February 10. Start ng Foundation week ng school namin and I was chosen to be one of the representative na sasali sa beauty contest ng mga clubs ng school. Mas excited pa si Gou kesa sa'kin na ayaw ko naman talagang sumali sa contest na 'to in the first place.

"Alam mo, dapat ikaw nalang ang sumali eh." I said to her habang naglalakad na kami papasok ng building namin. Kakatapos lang kasi ako make-upan ni Ate Riko sa library dahil aircon doon at tahimik ang paligid.

"Mas bagay ka dito ano ka ba. Tsaka mas maganda yung height mo kesa sa'kin so deal with it. Atsaka wag ka ng magreklamo! Andito na eh. Ayan na eh o! Nakaayos ka na!" Mataray pa niyang sagot sa'kin.

May ilan kaming mga schoolmates na bumati sa'kin. Yung iba mga dating nanligaw sa'kin, I can't help but feel embarrassed infront of them.

"Nako! Hintayin nila pag nakadamit ka na!"

"Alam mo, napakastage mother mo. Este, stage cousin." Pagtawa ko.

"Akie!!!" Napahinto kami sa paglalakad.

Napalingon kami at nakitang palapit sa'min si Kuya Aomine kasama sina Kuya Kuro, Kuya Kagami, Kise at Takao.

Nagkakagulo naman ang mga estudyante sa pagtingin sa mga college students na 'to. It's not everyday na may makita silang ganito kagagwapo dito sa highschool department. Plus! They're the famous basketball team of the college department.

"Wow!" Si Kuya Kagami.

"You're so beautiful Akie!" Si Kuya Kuro.

"Sinunod ni Riko yung sinabi ko sa kanya!" Nakapamewang pa si Kuya Aomine. At mukang proud na proud.

"Ha? Anong sinabi mo?"

"Na. Simple, pero litaw yung ganda mo." He grinned.

Feeling ko namula ang pisngi ko sa sinabi ni Kuya Aomine.

"Grabe. I never thought I'll see you like this Akie!" Nakipaghigh five pa sa'kin si Takao. "Kala ko tomboy ka eh. Dapat ganyan ka nalang lagi. Di ba Kise? Kise?"

Tinignan ko si Kise and he's not even budging. Nakatitig siya sa'kin and his eyes are turning into.. Heart?

"Kise? Ayos ka lang ba?" Tanong ko. But I like the way he looks at me, it's as if he's seeing me for the first time.

"Uh." That's all he can say.

Hinawakan ni Kuya Aomine si Kise sa ulo. "Don't worry this guy right here. Natamaan kasi ng bola sa ulo kanina eh. Ayan. He's deaf and mute. Sige ha, panonoorin ka ng buong team! Bye!"

Nagsimula na silang maglakad palabas ng building.

"Waaah! Buong team!!!!!! Kuyaaaah!"

But he just wave at us. Tinignan ko si Gou. "Gou! Ayoko na! Hindi na ko sasali!"

"Waaah!!! Bakit!!?? Ngayon ka pa magbaback out!?"

Tumakbo ako palayo sa kanya papuntang club room, nakasunod lang siya sa'kin.

"Ano ka ba? Hindi lang sila ang manonood sa'yo. Tsaka as if naman buong team makakanood sa'yo eh may mga booth din silang hawak."

Tinignan ko siya. "Oo nga no?" Natawa ako. "Sorry. It's just the nerves. Kinakabahan talaga ko!"

Ngumiti siya. "Natural lang yan. Magbihis ka na at tatawagin na kayo maya-maya."

Tinulungan niya kong magbihis. Ng maisuot ko na ang golden-yellow gown, I felt like a princess. Naglapitan sa'kin ang mga kaclub ko. Ang iba naglabasan na ang mga camera at kinuhaan na ko ng pictures.

Notice Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon