Notice Me Senpai 12

44 3 15
                                    

Nanginginig pa ko ng matapos akong kumanta. Dumiretso akong umupo sa tabi ni Kuya Kagami at agad niya kong inakbayan.

"Akie! Ang galing mo talagang kumanta!" Bati niya.

"Nge? Kuya. Wag ka ngang patawa! Nginig na nginig na nga ko sa kaba eh!" Hinawakan ko ang kamay niya. "See!!! Ang lamig ng kamay ko!!!"

Natawa si Kuya Aomine. "Nako, alam mo ba nung bata ka, kumakanta ka pa nga sa harap ng electric fan kahit may tao eh. Tas ngayon nahihiya ka pa?"

"Kuya. Noon yun! Iba na ngayon no!"

"Hai nako Akie! Maganda naman pagkakakanta mo eh. Wag kang mag-alala." Pag ngiti ni Kuya Kagami.

Magpapagames na sila ate. And it's already 6 PM. Itinabi na nila ang mga upuan at lamesa at sinet-up na nila ang palaro. Banana relay. May itataling saging sa harapan nila at may kalamansi silang dapat itulak (gamit ang saging) at kailangan nilang maipasok yun sa 5 basong nakataob sa dulo. Paunahan silang maipasok ang 5 kalamansi. Swim team vs. Basketball team ang labanan.

Starting ng basketball team sina Tatsuya, Taki, Furihata, Kiyoshi at Hyuuga. Sa swim team naman, si Nagisa, Rei, JC, Alexis at Dino naman.

Tawanan ang lahat dahil hirap na hirap sila sa pagpaparolyo ng kalamansi, in the end, nanalo ang swim team. Binigyan sila ng isang bungkos ng candy nila Ate Sheena at tuwang-tuwa na sila dito. Parang mga bata lang.

Next game, paluan ng palayok. 6 players, halo ang swim team at basketball team. Gamit ang baseball bat ni Kuya Kagami, papaluin nila ang palayok. Ang makabasag nito, may 3 bars ng chocolate.

In the end, si Kise ang nakabasag nito. Tuwang-tuwa ang iba na nagpulot ng candies sa nabasag na palayok.

"Akie!!!!" Palapit sa'kin si Kise. Nakaupo kami ni Gou sa isang tabi.

"Ang galing mong pumalo ah!" Pag ngiti ko.

"Ako pa!" Inabot niya sa'kin ang isang bar ng chocolate. "For you." Pag ngiti niya.

"Nako! Ano ka ba! Sa'yo yan eh. Ba't binibigay mo sa'kin?" Pagtawa ko.

"Siyempre. Dali na."

Tinignan ko si Gou, pero ngumiti lang siya sa'kin kaya naman kinuha ko na ang chocolate kay Kise. "Salamat ha!"

"Gou. Eto o. For you too."

"Sa--salamat!" Pag ngiti ni Gou.

Lumakad na palayo si Kise.

"Gyaaaaaah!!! Akie! Ang cute niya talaga! May girlfriend ba siya?"

"Ha? Ewan ko? Bakit? Crush mo?" I teased her.

Inilapit niya ang chocolate bar sa dibdib niya sa ibabaw ng puso niya. "I think he captured my heart." May pagka-dreamy pa ang itsura niya.

"Baliw!" Pagtawa ko. Palapit naman si Yuri sa'min at umupo siya sa upuang katabi ni Gou.

"Galing mong kumanta ah!" Bati niya sa'kin.

"Salamat." Pag ngiti ko.

"Gou! Dapat kumanta ka rin."

"Waah! Wag na no! Baka umulan lang. Tsaka wala akong talent sa ganun. Kaya never mind nalang." Pag ngiti ni Gou.

"Nag-eenjoy ba kayo ni Kuya Ian?" Tanong ko. Tinignan ko si Kuya Ian at kausap niya ang ibang members ng swim team.

"Oo naman! Salamat nga pala sa pag-invite mo sa'min ha."

"Nako. Wala yun, tsaka you're always welcome here."

Ngumiti lang si Yuri.

"And now, for our last game. Newspaper dance!" Pag announce ni Ate Riko.

"And. Partners are.. (tinawag niya ang first 5 partners) Sheena and Aomine!!!!!"

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now