Notice Me Senpai 20

17 1 0
                                    

Hindi ako nakatulog that night and I stayed outside by the pool. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa'min 'to. Sa totoo lang, ayoko itong nangyayaring ito sa amin. Dahil sa'kin, nag-away si Kuya Aomine at Kise.

Kise confessed to me for the second time but this time, he gave me up para na rin sa ikatatahimik ng buhay ko.

Nangyari 'to lahat dahil sa isang malaking misunderstanding. Ng dahil sa akin! Ano bang ginawa ko para mangyari 'to? Am I too spoiled? Am I being too clingy with our housemates? Ano bang ginawa ko talaga?

"Akie."

Napalingon ako at palapit sa'kin si Makoto. May dala siyang dalawang mug at may kumot na nakasabit sa kanyang braso.

Hindi ako nagsalita but I just looked at him. Ibinaba niya ang dalawang mug sa tabi ko at ipinatong niya ng maayos ang kumot sa balikat ko at nainitan agad ang likod ko na kanina pa nilalamig. Umupo siya sa aking tabi.

"Hot choco?"

Napangiti lang ako at tumingin lang ulit sa tubig sa loob ng pool.

Tahimik kaming dalawa. Ewan. Basta, siguro nakita niya lang ako dito and he decided lang na samahan ako. Knowing Makoto, gentleman talaga siya pagdating sa mga babae. I heard him picked his mug up. At maya-maya pa'y ibinaba niya rin ito sa pagitan namin.

Ang tagal naming tahimik. Hindi ko na alam kung gaano katagal.

"Lumalamig na yung choco mo." He said quietly.

Tinignan ko ang aking puno pa na mug at nagdecide na wag sayangin ito. "Thanks Makoto."

"You're welcome."

Mainit-init pa naman ang bigay niya kaya naman ininom ko na ito. Nagpapasalamat ako dahil kahit papano ay may kasama ako ngayon at si Makoto pa ito. Siguro kailangan ko lang talaga ng taong makakausap ko sa oras na ito.

"Do you think I'm a spoiled brat?" Tanong ko sa kanya.

Hindi agad siya nagsalita kaya naman tinignan ko siya. Nakakunot ang kanyang noo at salubong ang kanyang kilay. Kaya naman nagpatuloy akong magsalita habang nakatingin ako sa tubig ng pool.

"Pakiramdam ko nangyayari lahat ng 'to dahil sa'kin. Kung hindi sana ako naging masyadong close sa inyo, hindi ako mapagkakamalan na bagong girlfriend ni Kise. Hindi nila iisiping inuuwi ko dito sa bahay si Kise. At hindi sana nag-aaway sina Kuya."

"Why do you always do that?"

Nagtaka ako sa kanya kaya napatingin siya sa'kin. Yakap-yakap niya ang kanyang binti at nakapatong ang kanyang baba sa kanyang tuhod at nakatingin sa'kin. He's so heavenly. Hindi ako makapagsalita. Tahimik lang din siyang nakatingin sa'kin. His eyes piercing me. Para bang pinipilit niyang basahin ang isip ko.

"Uhn. Anong ibig mong sabihin?" I asked a little too late.

Bumuntong hininga siya at nag-indian sit. Tinignan niya ang tubig sa loob ng pool.

"You've been selfless since the beginning. Wala kang pakealam kung pagod ka na o inaantok ka na. Ang mahalaga sa'yo ay yung maalagaan mo kaming lahat. Hindi mo iniisip ang sarili mo pero ang kabutihan ng mga taong nasa paligid mo. Inaako mo lahat ng responsibilidad at kahit problema, basta wag lang mahirapan yung mga tao sa paligid mo." Tinignan niya ko ulit.

"It's not your fault kung nagkagusto sa'yo si Kise. Kahit sinong lalake na makakilala sa'yo, sigurado akong magugustuhan ka dahil sa kung sino ka."

Napahinto siya, pero nagpatuloy rin siya sa pagsasalita. "Kung ako rin naman si Kise, magugustuhan rin kita. Mamahalin rin kita katulad ng pagmamahal niya sa'yo."

Notice Me, Senpai!Where stories live. Discover now