Chapter 3

19.9K 551 22
                                    

NAKANGITING bitbit ang handbag nitong pumasok sa malaking bahay si Eliza. Nabungaran naman nito ang kanyang ama't inang nakaupo sa malaking sala.

"Hello everyone, I'm home." Anitong pasigaw ngunit nakangiti sabay lapit nito sa magulang at agad na humalik sa mga ito. "How are you, Dad?" Tanong nito sa kanyang ama.

"I'm good iha." Tugon ng ginoo.

"How about you, Mom?" Baling nito sa kanyang ina.

Napailing naman ang ginang bago nagsalita ito. "Sa tingin mo kaylang ako mapapanatag kung ganyan kang lagi nalang nagpupunta sa malayong lugar. Eliza, I'm so worried about you. Alam mo ba yun." Anang kanyang ina. Kaya nakangiti niya itong niyakap.

"Mom, our life is so short. Kaya kaylangan natin itong eenjoy. Or maybe, bukas ay puro lungkot na naman ang mayron sa buhay natin. Kaya kaylangan natin baonin ang masasayang araw na dumaan sa buhay natin. Ika nga nila ang pagmove on sa kasalukuyan ay dapat mong balikan ang masasayang araw na dumaan sa buhay mo. At paghambingin mo ito kung saan ba ang matimbang ang saya o lungkot." Anitong seryoso ang mukha na kinailing ng kanyang ina.

"Anak, dapat sa'yo ay magkaroon na ng asawa. Nang mapermi ka naman sa bahay. Hindi kana teenager, malapit kana lumampas sa kalendaryo." Anang pa ng kanyang ina.

"Mom, 26 year old pa lang po ako. Hindi kami magkatulad ng sister ko ng ibinubuhos na niya ang buong buhay niya sa boyfriend niya. Kaya please pagbigyan niyo na po ako sa gusto ko. At kapag natagpuan ko si Mr. Right ko ay titigil na ako." Anito sa ina na kinailing na lang ng ginang. Kahit ano pa ang sabihin niya kay Eliza ay alam niyang hindi siya mananalo sa anak.

"Oh! siya, but make sure na iniingatan mo yang sarili mo sa kakapunta mo kung saan." Anang kanyang ina na kinangiti ni Eliza. "Yes! Mom, ako pa." Anitong pinaghahalikan sa mukha ang ina.

"By the way, wag kang umalis ng bahay dahil next week na ang birthday ng daddy mo." Anang ginang.

"Yeah! I know Mom. Sige po, magpapahinga lang ako saglit at mamaya magkikita kami ng kaibigan ko." Ani Eliza sabay halik nito sa kanyang ina at ama bago siya tumalikod sa mga ito.

Ganun lagi ang senaryo nila Eliza at ang magulang pagdating niya. Kung ano-ano ang sinasabi ng kanyang ina sa kanya ngunit pinapalampas lang niya ito. Ika nga ipasok mo sa isa mong tainga at palabasin sa kabilang tainga.

Agad na tinungo ni Eliza ang kwarto niya at itinapon lang niya kung saan ang suot niyang sapatos. Pasalampak siyang nahiga sa kama at agad niyang kinuha ang tawagan niya.

"Kumusta na kaya ang bruha na yun?" Nakangiti nitong tanong sa sarili. Maya't maya ay mabilis nitong hinanap ang phone number ng kaibigan niya at tinawagan niya ito. Hindi rin naman nagtagal ng may sumagot sa kabilang linya.

"Saan ka na naman nanggaling bruha?" Mataray na bungad sa kanya ng nasa kabilang linya. Kaya agad siyang napangiti. Wala parin itong ipinagbago, ito parin ang kaibigan niya mula noon hanggang ngayon.

"From Alaska." Tipid nitong sagot. "I missed you, can I see you?" Anitong excited makita ang kaibigan niya.

"Yeah! Sure, pero wag mong kalimutan ang pasalubong sa inaanak mo. And I missed you too." Saad ng kausap niyang kinailing niya.

"Sure, no problem. Sa restaurant ba ulit ng asawa mo ang celebration ng birthday ni MA?" Tanong nito sa kausap.

"Oo, kaya pumunta ka agad dito. Ayaw kung malate ka at magpaganda ka naman kahit kunti ng mahanap mo na si Mr. Right mo." Ang natatawang anang kausap niyang kinailing niya.

"Whatever, Mrs. Villagas." Anitong kinahagikhik ng kausap niya. "Ang landi." Dagdag pa nitong natatawa.

"Tse! Wala ka kasing asawa. Kaya hindi mo feel ang nararamdaman ko." Anang kausap niya. "Nhaaaa....next time na ako susunod sa yapak niyo. Mauna na kayo." Anitong kinatawa lang ng nasa kabilang linya.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now