Chapter 22

18.4K 571 28
                                    

LUMIPAS ang buwan na pananatili ni Clear sa mental hospital ay masasabi mong malaki ang ipinagbago niya. Sising-sisi din siya sa mga pagkakamaling nagawa niya lalo na sa kapatid niya. Ika nila walang pagsisi sa unahan kundi laging nasa huli.

“Hey! Anong iniisip mo?” Untag ng doctor ni Clear sa kanya. Bahagya lang siya umiling bilang sagot dito. “Come on, don’t lie with me Clear.” Pamimilit nito kay Clear na napailing. Kapag hindi sinusumpong ng sakit niya si Clear ay matino na itong kausap. Ngunit kapag sinusumpong na siya ay nakakasakit siya ng taong nahahawakan niya.

“Fine.” Pagsuko nito sabay hinga ng malalim. “I feel scared. Hindi ko alam kung bakit. Basta natatakot ako na iwan. Lagi ko rin napapanagipan ang kapatid ko. Basta hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.” Pagtatapat nito.

“Don’t think to much Clear. Okay lang ang kapatid mo.” Anang doktor niya sabay bigay nito ng pahayagan kay Clear bago ito umalis.

Agad binasa ni Clear ang laman ng pahayagan. Napangiti siya ng makita ang laman ng balita. Ang kapatid niya ay engaged na kay Lexx. Agad niyang kinapa ang dibdib niya kung may inggit at selos ba siya dito. Ngunit ni katiting ay wala siyang makapa.

Nakita rin ni Clear ang venue ng nalalapit na kaarawan ni Lexx. Nakasaad din kasi ito sa pahayagan.

“Kailangan kung makatakas dito. Hindi ako makakapaghintay dito ng walang ginagawa. Malakas ang kutob kung meron hindi magandang mangyayari. Wag naman sana mapahamak ang kapatid ko. Tama na ang kabaliwang kung dinanas niya. Wag na sanang madagdagan pa.” Anito sa isip.

“I’m sorry Eliza. Pero gagawin ko ang lahat mabawasan man lang ang kasalanan ko sayo. Kahit papaano ay mapatawad mo ako.” Sabay hinga niya ng malalim.

Hindi nagtagal habang nakaupo si Clear ay bigla niyang nasapo ang mukha. Dahil sinusumpong na naman kasi siya ng sakit niya. Ipekto daw ito ng drugs na kumalat sa buo niyang katawan. Kaya ang ginawa niya ay nagsumiksik na siya sa sulok ng kwarto niya habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang magkabilang tainga.

SUMAPIT ang kaarawan ni Lexx. Invited sa birthday ng binata ang mga malalapit sa kanilang mga kaibigan, kaanak at mga kasosyo nila sa negosyo. Masaya si Lexx sa pagkakaroon niya ng mabuting pamilya at higit sa lahat ay ang mag-ina niya. Nagpapasalamat siya at dumating si Eliza sa buhay niya at ang magiging  mga anak nila. Ito ang ang pinakabest gift sa kanya sa birthday niya.

Habang nagkakatuwaan ang lahat ng taong nasa birthday party ni Lexx ay bahagya ang mga itong natigil ng dumating ang birthday cake niya. “Oh! Make a wish and blow your candle cousin.” Ani Kaye na siyang gumawa ng birthday cake ni Lexx. Agad naman itong sinunod ni Lexx kaya palakpakan silang lahat na nandoon.

“Happy birthday bro.” Kanya-kanya ng bati ang mga pinsan ni Lexx sa kanya. “Thank you mga  bro.” Sagot niya sa mga ito.

Habang nagkakatuwaan silang lahat ay bahagyang kinausap ng mga tito niya si Lexx kaya iniwan muna niya bahagya si Eliza. Kasama naman ng nobya ang asawa ng mga pinsan niya kaya kampante siyang iwan muna ang nobya.

“Hey! You.” Biglang napatingin sina Eliza sa nagsalita. Agad naman niyang namukhaan ang babae. Ito yung babaeng gustong makipag-usap kay Lexx. “Margaux.” Piping tawag dito ni Eliza.

“What you want?” Mataray ditong tanong ni Haide na isa sa mga pinsan ni Lexx. “Nothing.” Sagot nito. Ngunit hindi naniniwala dito si Haide.

“Ano bang meron ka at nagustuhan ka ni Lexx.” Mapaklang tanong ni Margaux kay Eliza. “I-i don’t know.” Matapat naman ditong sagot ni Eliza. Yun ang totoo. Hindi niya alam kung bakiy nagustuhan siya ni Lexx.

“You know what I really hate you. Dahil wala ka man lang kahirap-hirap at nakuha mo ang pagmamahal ni Lexx. Samantalang ako ilang taon ko na iyon minimithi pero walang improvement. Ginawa ko na ang lahat pero wala parin. Kahit sundan ko siya kahit saan siya magpunta ay wala parin.” Mapait nitong kwento kay Eliza.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now