Chapter 24

18.9K 541 35
                                    

NANG tuluyang gumaling si Clear ay saka ito pinayagan ng hospital na makalabas. At dahil sa kalagayan niya ay balik ulit siya sa mental hospital para tuluyan siyang gumaling. Doon ay mababantayan lalo ang kalagayan niya at maaalagaan ng husto.


At ang kasal nila Lexx ay nalalapit narin ito. Kaya puspusan na ang paghahanda para dito. Masaya si Eliza at nagkaayos na sila ng kapatid niya. Yun nga minsan ay hindi parin maiwasan sa pagitan nila Clear at Lexx na maging awkward sa isa’t isa. Syempre kahit bali-baliktarin ang pangyayari ay may pinagsamahan parin ang dalawa.


“Miss Clear, may bisita ka.” Nakangiting imporma ng nurse kay Clear. “Okay! Thanks.” Sagot nito bago siya tumayo at sumunod sa nurse.


Malayo pa lang ay napangiti na siya ng makita niya ang kapatid niyang naghihintay sa kanya. “Sexy pregy.” Anitong kinalingon ni Eliza.


Natawa ito sa tinuran ni Clear sa kanya. “How are you?” agad ditong tanong ni Eliza sabay yakap niya kay Clear.


“Maganda parin syempre.” Pilya nitong sagot. “How about you?” Anitong naupo sa tabi ni Eliza.


“Sabi mo sexy pregy ako. Kaya ito sexy parin.” Sagot nito. Kaya bigla silang nagtawanang magkapatid.


“Next week na ang kasal niyo ni Lexx.” Maya ay pag-iiba nito ng usapan nila. Agad naman tumango si Eliza bilang sagot. “I’m happy for you. I know mahal na mahal ka ni Lexx at masaya akong makita ang kapatid ko na nasa mabuting kamay siya mapupunta.” Masaya siya para kay Eliza dahil at least hindi nasayang ang pagsakrepisyo niya. Mahal na mahal niya ang kapatid kaya ang kaligayahan nito ay kaligayahan narin niya.


“Thank you. Ipinagdadasal ko rin na isang araw ay kakatukin ni Mr. Right man mo ang puso mo. At kapag natagpuan muna ang totoong kaligayahan mo ay ako ang una-unang magiging masaya for you.” Saad nito sa kapatid.

Agad napangiti si Clear sa tinuran ng kapatid kaya agad niya itong niyakap mula sa tagiliran ni Eliza. “Mag-iingat ka lagi ha. Sabihan mo Lexx na wag ka niyang pabayaan pumasok mag-isa sa loob ng banyo. Make sure na laging tuyo ang loob ng banyo bago ka pumasok. Dahil tingnan mo ang tiyan mo. Ang bilis nilang lumaki.” Anito sabay haplos niya ng tiyan ni Eliza.


“I will, ate.” Sagot ni Eliza na kinatuwa ni Clear. “Ate. I like that sounds. Could you call me ate from now on. Ang sarap sa pandinig e.” Anitong kinatuwa rin ni Eliza.


“Gusto mo e. Ate kung maganda.” Makikita mo sa magkapatid ang real sister band. Siguro kahit na sinong nakakakilala sa kanila ay matutuwa sa samahan nila ngayon.


Lumipas ang oras na magkasama ang magkapatid. Kwentuhan, tawanan at lambingan ang makikita mo sa mukha nila Eliza at Clear. Hanggang sa maramdaman ni Clear na tila susumpungin naman siya ng sakit niya.

“Eliza. Mahal mo ang ate diba?” Tanong nitong ipinagtaka ni Eliza. Ngunit tumango parin siya bilang sagot. “Thanks. Mahal na mahal din kita lagi mo yan tatandaan kahit minsan nakakalimutan ko iyan.” Anitong unti-unti na niyang nilalakumos ang dalawang kamay.


“Now you need to leave. Don’t worry sa kasal mo dahil no matter what happen ay darating ako,” anito sabay hinga ng malalim. “Kailangan mo na talaga umalis ngayon. Dahil kapag sinusumpong si ate mo ay hindi siya nakakakilala ng taong nasa paligid niya. At natatakot akong baka masaktan kita.” Saad nito sa kapatid sabay tulo ng masaganang butil ng luha sa kanyang mga mata ganun din si Eliza.


“Ate.” Tawag dito ni Eliza. “Sssshhhh......don’t cry. Kunting tiis na lang at magkakasama rin tayo ng normal. At kapag dumating iyon ay kung kailangan mo ako ay nandito lang ako para sayo. Kung kailangan mo akong puntahan ka ay darating agad ako kahit gaano ka pa kalayo.” Ang maluha-luha nitong turan sa kapatid.


“Sige na. Umalis kana. Mahal na mahal kita. Kunting panahon na lang at magkakasama rin tayo ng wala akong takot dito,” sabay turo niya ng dibdib. “na masaktan kita. Baka hindi ko kasi kayanin kapag nasaktan ulit kita.” Dagdag pa nitong kinatango ng magiyak-iyak ring si Eliza.


“Mahal na mahal din kita. At maghihintay ako lagi sayo. If you need me too, i’ll be here for you.” Sagot nito kay Clear sabay yakap niya dito ng mahigpit. Gumanti rin naman ng yakap dito si Clear. Maya't maya ay tinanggal nito ang pagkakayakap sa kanya ng kapatid at nakangiti niya itong tiningnan. Sa pamamagitan ng kanyang mga mata ay ipinarating niya kay Eliza na umalis na ito. Malungkot namang tumalima ang kapatid niya at dahan-dahan itong tumayo.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now