Chapter 5

20.6K 663 26
                                    

MATAPUS maihatid ni Lexx sa labasan ng subdivision nila Eliza ang dalaga ay saka niya pinaharurot ang kotse niya patungo sa Guerrero’s Hospital. Ang ibang nakakasalubong niya ay nagtaka ang mga ito kung bakit ngayon lang siya dumating. Hindi kasi sanay ang mga itong naghahalf day siya sa trabaho.

“Good afternoon, Doc.” Bati ng secretary ni Lexx sa kanya. “Good afternoon.” Balik niya dito at tuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina niya. Agad naman niyang inabutan doon si Wayne at Jaiden na magkasamang tila hinihintay lamang siya.

“Saan ka galing?” Takang tanong sa kanya ni Jaiden. Napakamot naman siya ng ulo bago naupo sa swivel chair niya.

“May ginawa lang ako.” Sagot niya sa mga ito. Nagkatinginan naman ang dalawa at tila hindi kumbensido ang mga ito. “Ano palang kailangan niyo at nandito kayo?” Pag-iiba niya ng usapan.

“Wala lang napadalaw lang kami. Kaso mukha ngang busy ka sa ibang bagay.” Ani Wayne sa kanya.

Napailing naman siya sa mga ito. “Will, tutal kayo ang nandito ay pwedi niyo ba akong samahan. Gusto kung uminom ngayong gabi.” Saad niya sa dalawa.

“Game ako dyan.” Mabilis na sagot ni Wayne. “I can’t my wife will kill me.” Sagot naman ni Jaiden.

“Fine. Magkita na lang tayo mamaya bro.” Ani Lexx kay Wayne. “Sige. Let’s go, baka ako ang gilitan ng asawa mo sa leeg.” Yakag ni Wayne kay Jaiden. Natatawa namang nakasunod ang mata ni Lexx sa dalawang papaalis sa opisina niya.

HABANG nakaupo si Eliza sa kanyang silid kinahaponan ay nangingiti na lang siya ng hindi niya alam. Maya’t maya ay bigla siyang napalingon ng makarinig siya ng katok mula sa labas ng kwarto niya.

“Come in.” Sigaw nito mula sa loob. Kaya agad bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto niya si Clear.

“Hey! Mukhang lagi kang busy, ngayon lang tayo nagkita dito sa bahay.” Anito kay Clear. “Yeah! Nagkakasalisi kasi tayo.” Sagot ni Clear na naupo sa kabilang side ng kama ni Eliza.

“Siguro nga,” pagsang ayun niya dito. “What's wrong?” Kunot noo niyang tanong kay Clear ng mabanaag niyang tila may gusto itong sabihin sa kanya.

“Uhm! Ano kasi?” Tila nag-aalanganin ito kung sasabihin ba ang sadya o hindi.

“Clear?”

“Uhm! Sis, can you do me a favor?” Anito kay Eliza. “Okay! Tell me, kung kaya kung gawin ay handa kung gawin for you.” Sagot nito.

“Uhm! Ano kasi, ang boyfriend ko ay naiingit sa kapatid niyang may anak na. So, naisip ko why not kung bigyan ko siya ng anak.” Kagat labing ani Clear.

“Okay! And then what's the problem?” Kunot noo nitong tanong kay Clear. “Kung mahal ka naman niya at handa ka niyang pakasalan e di go, gumawa kayo ng bata. Nasa tamang edad naman atah kayo. So, why not. Go for it.” Saad niya ditong kinabuntong hininga ni Clear.

“Hindi kasi ganun kadali Eliza. Ang sabi ng doctor ko e hindi ako pweding magbuntis dahil hindi ko kakayanin. Kaya ang advice niya ay maghanap ako ng surrogate mother.” Paliwanag naman nito.

“Okay! So, let's go. Maghahanap tayo ng pweding maging surrogate mother ng magiging anak mo.” Nakangiti niyang yakag kay Clear.

“No, Eliza. Kung maghahanap kasi ako ng magiging surrogate mother ay alam kung hindi papayag ang boyfriend ko.” Saad sa kanya ni Clear na kinakunot ng noo ni Eliza.

“Alam mo naguguluhan ako sayo. Gusto ng boyfriend mong magkababy kayo. At dahil sabi ng doctor mo ay hindi mo kakayanin ang pagbubuntis, kaya dapat ay maghanap ka ng surrogate mother. Ngayon naman ay inaaya kitang maghanap ng surrogate mother ay umaayaw ka. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?” Naguguluhan niyang tanong kay Clear.

I Won't Give Up(Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang