Chapter 6

20.4K 674 22
                                    

NANG marating nila Lexx ang condo unit niya ay agad iyon binuksan ni Wayne. Dahil buhat-buhat ni Lexx ang natutulog na si Eliza.

“Ang bad niya. Hindi nila a-ako l-love. P-puro na lang......C-c-cle-ar.” Ani Eliza habang natutulog siya. At ang huling katagang binanggit niya ay hindi naging malinaw sa pandinig ni Lexx kung ano at sino.

“Thanks bro.” Pasalamat ni Lexx sa pinsan niya. “Wala yun bro, sige I have to go. Kung kailangan mo ng tulong ay tawagan mo na lang ako.” Paalam sa kanya ni Wayne.

Ng maisara ni Wayne ang pinto ay agad dinala ni Lexx sa kwarto niya si Eliza. Maingat niya itong inilapag sa kanyang kama. “Hmmmp.” Ungol ni Eliza ng mailapag siya ni Lexx.

“Please don’t moan Eliza.” Piping hiling ni Lexx. Dahil kanina pa nabubuhay ang dugo niya sa katawan.
Agad na kumuha ng t-shirt niya si Lexx at pinalitan nito ang suot ni Eliza. Kumuha rin siya ng bimpo at pinunasan niya ito. Makalipas ang ilang minuto ay bigla itong umiyak. Kaya napabuntong hininga si Lexx na tumabi dito ng pagkakahiga at inalo. Mga ilang oras din ang hinintay ni Lexx bago nakatulog ng maayos si Eliza saka niya ipinikit ang mga mata.

SAMANTALA pagdating ng magulang nila Eliza at Clear ay agad nilang hinanap si Eliza kung nasaan ito. Dahil hindi nila ito namataan sa bahay.

“Clear, nasaan ang kapatid mo?” Anang kanilang ina kay Clear. “Mom, kilala niyo naman yun na lakwatsera. Baka kung saan lang yun nagsusuot. Baka nakipagkita sa mga kaibigan niyang pariwara sa loob ng mga night club.” Sagot ni Clear sa ina.

“Ang batang iyon talaga oh!” Naiiling na anang ginang.

Agad naman tinawagan ng ginang ang tawagan ni Eliza para pauwiin ito. Mga ilang segundo rin ang tinagal ng may sumagot sa kabilang linya. “Eliza, nasaan ka na naman bang bata ka. Bakit hindi gayahin ang kapatid mong nasa bahay ng ganitong oras.” Sermon ng ginang sa pag-aakalang nasa kabilang linya si Eliza.

“Excuse me po. Sana bago niyo yan sabihin sa anak niyo ay naitanong niyo po kung okay ba lang siya. Naisip niyo po ba kung bakit wala pa siya sa bahay ng ganitong oras. Sana alam niyo yun. Oh! Maybe nga pala hindi kayo concern sa kanya. Sana itaong niyo rin sa kapatid niya kung ano ang ginawa niya kay Eliza kung bakit nasa labas ng bahay ang kapatid niya ng ganitong oras. Mabuti na lang at pinalaki kami ng magulang namin ng pantay-pantay. At mabuti na lang at wala akong kapatid na handa akong ipahamak dahil lang sa sarili kaligayahan. Sana maisip niyo yun. So, wag niyo pong hanapin si Eliza dahil nasa mabuti siyang kamay. Buti na lang at nakilala siya ng pinsan ko habang nilalaklak niya ang alak sa bar. Dahil nasasaktan siya dahil sa kagagawan ng kapatid niya. Sabihin niyo lang po kung ayaw niyo na sa kanya, i’ll tell my Mom para kunin siya at alagaan. Dahil mamahalin ko siya bilang totoo kung kapatid, wag ko lang makitang nasasaktan siya at umiiyak.” Galit na anang nasa kabilang linya na kinatahimik ng ginang.

“A-anong ginawa mo sa kapatid mo Clear?” malumanay na tanong ng ginang kay Clear bago ito hinanghina na napaupo sa couch. “P-po. Wala po akong ginawa sa kanya.” Kaila nito sa ina.

“Anong nangyari kay Eliza?” Tanong ng ginoo sa kanyang asawa. “Hanapin mo si Eliza. Alam kung hindi siya maayos. Yung sumagot ng cell phone niya ay lalaki at galit na galit. Sa tuno nung lalaki ay alam kung hindi maganda ang lagay ni Eliza.” Anang ginang sa sposo.

“Kapag may nangyari sa kapatid mo Clear ay malilintikan ka talaga sa akin.” Galit na anang ginoo. Muli nilang tinawagan ang number ni Eliza ngunit hindi na nila ito makuntak pa.

KINABUKASAN ay muling bumalik si Wayne sa condo unit ni Lexx. Inabutan niya itong naghahanda ng breakfast. “Hey! Bro.” Bungad sa kanya nito.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now