Chapter 15

20.8K 590 22
                                    

MULA ng makabalik ng Manila sina Lexx at Eliza ay balik trabaho narin ang binata. At si Eliza naman ay iniwan niya sa bahay ng parents niya upang may makausap ito habang wala siya.

"Mom, pwede po bang lumabas. Gusto kung pumunta ng star bucks?" Kagat labing paalam ni Eliza sa ina ni Lexx. "Oo, naman anak. Magpahatid ka sa driver kung saan ka pupunta." Nakangiting anang ina ni Lexx. Walang masabi dito ang dalaga dahil subrang bait ng pamilya ni Lexx sa kanya.

"Thanks Mom." Agad siyang yumakap sa ginang sabay halik nito saa noo ng ina ni Lexx na nangingiti. Masaya ang ginang na nakilala niya ang dalaga dahil ang gaan ng loob niya para dito. "Kunin ko lang po ang walet ko." Paalam nito. At agad siyang umakyat sa kwarto nila ng binata.

"Anak, take care." Habilin ng ina ni Lexx sa kanya ng makabalik siya sa malaking sala. "Yes! Mom. Meron po ba kayong gustong ipabili sa star bucks?" Anito sa ginang.

"Wala anak." Sagot nito kay Eliza. Kaya muli siyang humalik dito bago siya tuluyang lumabas ng mansyon.

"Ma'am, ihahatid ko daw po kayo sa pupuntahan niyo." Anang driver na sumalubong kay Eliza. "Okay po. Sa star bucks niyo po ako ihatid kung may alam po kayo ditong malapit na star bucks." Anito sa taga driver.

"Sige po ma'am." Agad nga siyang hinatid ng driver sa malapit na star bucks. At hindi pa man siya nakakababa ng sasakyan ng tumunog ang bagong cell phone niya. Bili ito ni Wayne sa kanya. Dahil ang dati niyang cell phone ay hindi niya alam kung nasaan na.

"Hubby." Bungad niya sa tumatawag ng mapagsino ito. "Baby, anong ginagawa mo?" Tanong sa kanya ni Lexx.

"Hinatid ako ni Manong dito sa star bucks." Sagot nito. "Saang star bucks yan, baby?" Agad namang napatingin sa labas si Eliza para tingnan kung ano ang address ng naturang star bucks. Ngunit wala siyang makita.

"Manong, pakisabi nga po kay Lexx ang exact address niyang star bucks." Sabay turo nito sa star bucks at inabot niya ang tawagan sa tagamaniho. Agad naman iyon inabot ng lalaki at sinabi niya kay Lexx ang address.

"Ma'am. Okay na po." Anang lalaki at ibinalik sa kanya ang tawagan niya. "Hubby, alam muna?" Anito.

"Yes! Baby, hintayin mo ako dyan at ako ang susundo sayo." Ani Lexx na nagpangiti sa dalaga. "Okay! Hubby." Matapus makipag-usap ni Eliza sa binata ay agad siyang nagpaalam sa driver na naghatid sa kanya bago siya pumasok sa star bucks.

Agad bumili si Eliza ng sadya niya sa star bucks bago siya naupo sa mesang bakante na nandoon habang hinihintay niya si Lexx.

"Wow! Wow! Tingnan mo naman ang pagkakataon. Nandito ka pala sis." Boses na nagpalingon kay Eliza. "May hinihintay ka ba dito?" Tila mapang-uyam na tanong ni Clear sa kanya.

"Non of your business." Taas kilay niyang sagot dito. Dahil hanggang ngayon ay naiinis parin siya dito. Ewan ba niya. Mula ng kausapin siya nito ay nagkaroon na ng malaking harang sa pagitan nilang magkapatid.

SAMANTALA papalabas na sana ang girlfriend ni Ryne ng sa star bucks ng mahagip ng mata niya ang magkapatid na Eliza at Clear.

"Oh! No. Malaking gulo ito." Naisaluob niya. Kaya dali-dali siyang lumabas ng star bucks at siya namang dating ni Lexx. "Wag kang pumasok dyan. Bumalik ka sa sasakyan mo kung ayaw mong basagin ko ang two balls mo." Banta nito kay Lexx na napakunot ang noo.

"Baby, what's wrong?" Takang tanong ni Ryne na bumaba ng sasakyan at linapitan ang nobya at si Lexx. "Baby, pumasok ka sa loob ng star bucks at sunduin mo si Eliza. Nasa loob rin ang witch sister niya. Kaya ikaw bumalik ka sa loob ng kotse mo Dr. Guerrero." Nagdudumilat na anang nobya ni Ryne. Kaya patakbong pumasok sa star bucks si Ryne. At si Lexx ay walang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng kotse niya.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now