Chapter 26

37K 842 69
                                    

LUMIPAS ang mga taon. Nanatiling matatag ang pagsasama nila Lexx at Eliza bilang mag-asawa. Naging okay na rin si Lexx at Clear sa pagdaan ng mga taon. At ang mga kaibigan nila ay nanatili ring nasa tabi nila at mga pinsan ni Lexx.

“Blue, wag mong painitin ang ulo ko kung ayaw mong i-punish kita.” Pananakot ni Eliza sa bunso nitong anak na lalaki. “Mum. Kinuha kasi niya ang gamit ko. I hate crazy girls.” Maktol nitong kinailing ni Eliza.

“Hey! It’s fine. I’ll buy for you just don’t be mad.” Sabat naman ng isang anak ni Eliza. “Really kuya Light?” Nangingislap nitong aniya dahil sa narinig. Agad namang tumango si Light bilang sagot.

“Unfair. Laging siya lang ibinibili niyo samantalang ako si Mommy at Daddy lang bumibili ng gift.” Hinampo naman ng isang anak nila Eliza.

“Princess, just tell me what you want and i’ll buy for you.” Sabat naman ng isang anak ni Eliza. Kapag ganitong usapan na ay tahimik lang siyang nakikinig sa mga ito.

“I want a new shoes kuya Red.” Sagot nito. “Okay! Then bibili tayo kapag nagkafree time ako.” Sagot dito ni Red.

“Yes! Thank you kuya Red.” Masaya nitong pasalamat.

“Cyan, ang dami mo nang shoes. Pamigay mo kaya sa nangangailangan ang mga hindi muna ginagamit. Mga bago pa naman. I’m right Mum.” Ani Blue na humingi ng pagsang-ayon sa ina na mabilis tumango.

“But I love all my shoes.” Sabay pinalungkot nito ang mukha. “Mum, lahat po ng old toys ko ipamigay ko na po yun. Big na po ako. Kaya diko na po magagamit mga bago pa naman po.” Ani Blue na kinangiti ni Eliza. Sa lahat ng mga anak nila ni Lexx ay ang bunso nila ang nagmana sa kanya ng ugali yun nga lang ang mukha nito ay kuhang-kuha niya lahat si Lexx.

“Sure honey. Pero ngayon ay magbihis muna kayo at pupunta tayo sa tita Clear niyo. Papunta na ang daddy niyo dito para sunduin tayo.” Utos niya sa mga ito. Agad naman umakyat ang mga ito sa kanikanilang mga silid upang magbihis.

Paakyat na sana siya ng hagdan ng dumating ang nakangiti niyang asawa. Kaya agad niya itong sinalubong.

“Kumusta ang maganda kung asawa?” Agad ditong tanong ni Lexx. “I’m fine, mister. Ikaw?” Balik tanong niya dito sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa leeg ni Lexx.

“Walang pinagbago, amoy hospital parin.” Pabiro nitong sagot. “Nasaan ang mga bata?” pag-iiba nito ng usapan nila.

“Nasa taas, nagbibihis sila.” Napatango naman ang asawa. Agad dinampian ni Lexx ng halik sa labi si Eliza bago niya ito inakay paakyat ng silid nila.

“Mister.” saway ni Eliza kay Lexx ng makapasok sila ng kanilang silid. Agad kasing ipinulupot ni Lexx ang dalawa niyang kamay sa baywang ni Eliza at pinaghahalikan nito ng pino ang leeg ng asawa. “Come on, misis.” para itong bata na nagsusumamong pagbigyan sa gustong mangyari. Kaya napailing si Eliza sa asawang wala parin pinagbago. Gaya parin ito mula noon.

“tok tok tok”

Napakamot ng ulo si Lexx ng makarinig sila ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto.

“Mum.”

Boses ni Blue ang agad nilang narinig mula sa labas ng pinto. “Come in, honey.” Utos dito ni Eliza. Kaya agad bumukas ang pinto.

“Daddy.”

Agad tumakbo papasok si Blue at sinugud nito ang ama. Agad naman itong sinalubong ni Lexx.

“Daddy, I tell you something.” ani Blue habang buhat-buhat siya ni Lexx. “Okay! What is it?” Curious nitong tanong.

“Yung mga old toys ko Dad, ipamimigay ko na lang po. Marami na ako nun e at hindi ko naman po nagagamit.” Anito kay Lexx na napangiti sa tinuran ng anak.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now