Chapter 19.01

20.7K 632 29
                                    

SAPO ni Lexx ang batok niyang tinamaan ng suntok ni Wayne. Naguguluhan siyang nakatingin dito kung bakit siya nito sinuntok. At nagtataka rin siya kung bakit nasa loob siya ng opisina niya e kanina ang natatandaan niya ay nasa ER siya.

“Eliza.”

Biglang naisatinig ni Lexx sabay tayo nito. “Tangina mo. Saan ka pupunta at ano ba ang nangyayari sayo. Bakit ka umiiyak?” Takang tanong ni Wayne kay Lexx sabay pigil niya dito. Bigla naman hinawakan ni Lexx ang pisngi niya at tama ang pinsan niya. Basa nga ang mga mata niya tanda na umiyak siya.

“Si Eliza.” Anito.

“She's fine. Nasa private room na niya siya.” Naguguluhan na sagot ni Wayne. “Ano bang nangyayari sayo?” Kunot noo paring tanong dito ni Wayne.

“Anong nangyari? Bakit ako nandito? Ang natatandaan ko ay nasa ER tayo at si Eliza_

Sunod-sunod nitong tanong ngunit hindi na niya alam kung ano ang sumunod na nangyari. “Gago. Naprapraning kana ba bro, anong pinagsasabi mo?” Naguguluhan paring tanong dito ni Wayne.

“Ano kasi bro, ang natatandaan ko ay nasa ER ako at si Eliza ay isinugud doon kasi_

_tangina mo bro, tanghaling tapat e nanaginip ka. Panaginip lang ang pinagsasabi mo. Wala tayo sa ER. Okay! At never tayo nanggaling doon. Kararating ko lang dito dahil tinawagan ko si Eliza pero si Lyca ang nakasagot ng tawag ko. At nasabi nga niyang isinugud dito sa hospital si Eliza dahil dinudugo siya at nawalan ng malay matapus itulak ni Clear. Buti na lang daw at bumagsak siya sa katawan ni Lyca. Kundi baka napano siya at ang nasa tiyan niya.” ang kakamot-kamot na kwento ni Wayne kay Lexx. Mukha atang may sapi ang pinsan niya, para itong wala sa sarili.

Tila nahimasmasan naman si Lexx sa tinuran ni Wayne. Pero pakiramdam talaga niya ay totoo ang nangyari kay Eliza. “Teka! Sandali ano yung sabi mong nasa tiyan ni Eliza.” Kunot noo niyang tanong kay Wayne.

“Baog ka ba?” Seryosong balik tanong sa kanya ni Wayne. “What the fvck? Of course not.” Gulat nitong sagot sa tanong ni Wayne sa kanya.

“Good. Dahil buntis si Eliza.” Ani Wayne na kinalaki ng mata ni Lexx. “Si Eliza, buntis?” Anitong kinailing ni Wayne.

“Ay! Mali. Buntis ka.” Ani Wayne na kinalaki ng mata ni Lexx. “W-what?” Gulat nitong naibulalas.

“Gago. Tara na nga at puntahan natin siya. Baka gising na iyon.” Aya ni Wayne kay Lexx. Parang wala naman sa sarili si Lexx habang naglalakad sila ni Wayne.

“Hey! Doctor Guerrero. Congrats.” Biglang nahimasmasan si Lexx ng magsalita si Doctor Ho na nakasalubong nila. “Hey! Thanks.” Pasalamat niya dito.

“Anyway, bukas ay kunin mo ang reseta ng mga vitamin na dapat inumin ng girlfriend mo sa clinic ko. Kailangan ko na kasing umuwi ngayon. Baka kung ano-ano na namang kapraningan ng asawa ko ang tinuturo niya sa anak namin.” Ang naiiling ditong ani Dr. Ho na kinatawa lang niya.

“Okay! Thanks.”

“Oh! Siya mauna na ako sa inyo. At alagaan mo ang girlfriend mo Dr. Guerrero. She is four weeks pregnant. Ang baby ay wala naman akong nakitang problema ng i-check ko. Mukhang malakas ang kapit at malusog. At mukhang mapapabilang ka rin sa dalawahan kung magtanim.” Ani Dr. Ho na kinangiti ni Lexx ng malapad.

Matapus magpaalam ni Dr. Ho sa kanila ay agad din itong umalis kaya agad na tumuloy si Lexx at Wayne kung saan ang private room ni Eliza. Pagpasok nila ay tulog parin ito at binabantayan parin ni Lyca.

“Bro, ikaw na ang bahala sa kanya. May pupuntahan lang ako at ako na ang maghahatid kay Lyca pauwi.” ani Wayne na agad din naman naunawaan ni Lexx kaya isang tango lang ang sinagot nito.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now