Chapter 14

20.7K 635 20
                                    

Warning:Rated SPG
.
.
.
.
.
PAGKAPASOK pa lang nila Lexx sa kanyang silid ay agad na nitong ipinulupot ang dalawang kamay sa baywang ni Eliza. Nakangiti ito ng pilyo habang nakatingin sa dalaga.

“Ayan ka na naman.” Nakapuot ditong turan ni Eliza na kinatawa lang ni Lexx. “Baby, narinig mo naman si Dad. Gusto daw niya ng apo galing sa atin.” Anito sa punong tainga ni Eliza. Pakiramdam ng dalaga ay nagsitayuan ang balahibo niya sa batok ng tumama ang mainit na hininga ni Lexx sa kanyang balat.

“Alam mo kung pwede ko lang silang hilain lahat kanina upang magsiuwian na ay ginawa ko na.” Anito kay Eliza na napakunot ang noo. “Dahil gustong-gusto na kitang masolo.” Halos pabulong na ani Lexx kay Eliza. Mabilis naman itong tinampal ng dalaga sa dibdib ng mahina.

“Baliw ka talaga. Mahilig ka talaga sa kahalayan.” Kunwari ay sita nito sa binata na natawa lamang.

Habang nakapulupot ang mga kamay ni Lexx sa baywang ni Eliza  ay nakapulupot naman ang dalawang kamay ng dalaga sa batok ng binata. Kung titingnan mo sila ay tila  nagsasayaw lang sila ng sweet music. At habang magkahinang ang kanilang mga mata ay unti-unti nilang tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi hanggang sa magtagpo ito.

Bawat dampi ng kanilang mga labi ay puno ng galak at pag-iingat hanggang sa lumalim ito at mapaghanap. Makalipas ang ilang minuto ay bahagyang naghiwalay ang kanilang mga labi upang sumagap ng hangin, ngunit magkadikit ang kanilang mga noo. Maya't maya ay binuhat ni Lexx si Eliza at dinala sa kamang naghihintay. Marahan niya itong binaba doon ang dalaga at agad na pinakatitigan ang maamo nitong mukha.

“Baby, gusto kung makita araw-araw ang mukhang ito. Bago ako matulog at hanggang sa magising ko ay ang mukha mo parin ang gusto kung makita.” Anito kay Eliza na napangiti.

“Baka magsasawa ka ring titigan ang mukhang ito katagalan.” Mapait nitong turan sa binata sabay kawit niyang muli ng dalawang kamay sa batok nito.  “Hindi yan mangyayari, trust me. Because you own this.” Sabay turo niya ng bandang dibdib.

Ramdam naman ni Eliza na seryoso si Lexx hindi lang talaga niya maalis-alis sa isip ang pangamba. Paano kung umabot na sa point na kailangan na niya itong pakawalan, makakaya nga ba niyang mawala ito sa buhay niya? Dahil ang binata ang taong nagmulat sa kanyang hindi siya nag-iisa at kailangan rin niya ng matatawag na pamilyang tatanggap sa kanya maging sino man siya. Sa mga taong nagdaan ay alam niyang pilit niyang ipinakita sa lahat na malakas siya at matatag ngunit hindi iyon totoo dahil mahina rin ang loob niya.

Hindi niya akalaing sa isang iglap ay matotong tumibok ang puso niya. Kahit hindi man niya aminin sa sarili ay alam niyang nahuhulog na ang loob niya sa binata. Alam ni Eliza sa kanyang sarili na gusto niya si Lexx hindi dahil sa kabutihan at kabaitan nitong ipinapakita sa kanya. Kundi dahil iyon ang dinidikta ng puso’t isip niya. Ngunit paano nga ba niya panghahawakan ang binata, Lexx is already have a girlfriend. Ayaw niyang maging selfish. Sa isiping yun na pumasok sa isip ni Eliza habang nakatingin sa mata ng binata ay hindi niya namalayan ang pagpatak ng butil ng luha sa kanyang mga mata na ikinabahala ni Lexx.

“Baby, why are you crying?” Makikita sa mata ng binata ang pagkabahala ngunit isang iling lang ang sagot niya dito sabay yakap niya kay Lexx. “What's wrong?” Mahinang tanong nito sa dalaga.

“Nothing.” Iling nitong sagot. Ngunit hindi naniniwala ang mata ng binata. Kaya agad niyang pinaharap si Eliza at hinawakan niya ang mukha nito. “L-lexx. I’m sorry. Hindi ko kasi maalis-alis sa utak ko kahit anong pilit kung itaga dito ang sinabi mong kahit anong mangyari ay hindi mo ako bibitawan. Paano kung dumating sa point na you need to chose your girlfriend insted of me?” Anitong nakatingin sa mukha ni Lexx. At kita ng binata ang takot sa mga mata ni Eliza.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now