Chapter 18

19.8K 602 36
                                    

MADALING araw ng magising si Lexx. Bigla kasing nagsumiksik sa leeg niya ang nobya. Bigla siyang nagtaka dahil nakasanayan niyang gusto ng nobya ay niyayakap niya ito mula sa likod. Pero ngayon ay nagsumiksik ito sa kanyang leeg.

“Baby, are you okay? Nilalamig ka ba?” May pag-aalala nitong tanong sa nobya. “Okay lang ako,” namamaos nitong sagot.

“Uhm! Gusto ko kasi ang amoy mo.” Anitong nagsumiksik pa lalo kay Lexx. Kaya nangingiti na lang si Lexx na niyakap niya ang nobya at muling pumikit ulit. Ngunit hindi na muling dinalaw ng antok si Lexx. Kaya pinagkasya na lang niya ang sarili na titigan ang nobyang nakayakap sa kanya.

Lumipas ang oras hanggang magliwanag na sa labas ay gising parin si Lexx. Kaya naisipan niyang bumangon na dahil meron pa siyang pasok sa Guerrero Hospital.

“Baby, kailangan kung bumangon. Dahil meron akong pasok ngayon sa Guerrero Hospital.” Malambing nitong aniya kay Eliza na bahagya lang umungol.

“Five minutes more baby, inaantok pa ako.” Anito kay Lexx. “Baby, pero umaga na e.” Saad nito.

“Five minutes lang at gigising na ako, please.” Giit nito kay Lexx na napailing. “Okay! Five minutes lang at babangon na tayo ha.” Anito sabay haplos niya ng buhok ni Eliza.

“Baby, tapos na ang five minutes mo.” Untag ni Lexx kay Eliza. Kaya papungas-pungas itong nagmulat ng mga mata kahit ang bigat parin ng talukap ng mga mata niya. “Gusto ko pa talagang matulog e.” Para itong bata na gustong mapagbigyan sa gusto niya.

“Okay! Kung inaantok ka pa ay matulog ka na muna ulit, baby. Kailangan ko na talaga kasing bumangon baka malate ako sa hospital. Meron akong pasyente na aasikasuhin ngayong araw.” Saad nito sa nobya na agad umiling.

“Babangon na ako. Wala ka naman sa tabi ko. Sama mo akong maligo.” Nakapuot nitong aniya na kinatawa ng binata. Kaya agad bumangon si Lexx at maingat niyang binuhat si Eliza papasok sa loob ng banyo para maligo sila.

DAHIL sa mga message na natanggap ni Clear ay halos mawalan siya ng tamang pag-iisip. Hindi siya nakatulog magdamag sa kakaisip ng mabuting gagawin. Kaya kinabukasan ay wala siya sa sariling umalis ng bahay na hindi alam kung saan pupunta.

Hindi namalayan ni Clear ng marating niya ang V Mall. Doon na pala siya dinala ng mga paa niya. Kaya agad siyang lumabas ng dalang sasakyan at pumasok ng V Mall.

“Magandang araw po, ma’am.” magalang na bati ng guard sa entrance ng V Mall. Sa halip na sagutin niya ito ay tuloy-tuloy lang siya sa loob ng mall.

Sa ikatlong palapag ng V Mall pumunta si Clear kung saan pwede kang tumambay habang nagkakape kaya agad siyang bumili siya ng kape pagkarating niya doon. Matapus niyang makabili ng kape ay agad siyang naupo ng makakita siya ng bakanting upoan na naroon.

“Malas ka talaga sa buhay ko Eliza. Malapit na sana ako e. Kaso umiksena ka pa e.” galit nitong aniya sa isip.

Habang nakaupo si Clear ay naisipan niyang tawagan si Mike. Hindi rin naman nagtagal ng sumagot ito. “Hey! Nasaan ka?” masiglang tanong ni Mike sa kanya. “Nandito ako sa V Mall.” tipid nitong sagot. Nahalata naman ni Mike ang pananamlay ng boses ni Clear na ipinagtaka ng isa.

“Clear. Are you okay?” May pag-aalalang tanong sa kanya ni Mike. “Yeah! I'm fine. Pagud lang ako at kulang sa tulog.” Sagot nito.

“Ganun ba. Magpahinga ka muna.” Ani Mike na kinabuntong hininga ni Clear. “Okay.” tipid nitong sagot.

“Sige. Magpahinga ka na muna honey. I’ll call you later. May gagawin pa kasi ako.” Saad dito ni Mike. Matapus nito magpalaam sa kausap ay muli niyang ibinalik ang tawagan sa kanyang bag.

I Won't Give Up(Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя