Chapter 12

21.3K 630 16
                                    

ARAW ng linggo. Dahil walang pasok sa opisina ay nagkasundo sina Wayne at Ryne na pumunta sa bahay nila Sefh. Pagbungad pa lang nila sa pinto ay sinalubong agad sila ng pamangkin nilang si Sylvan.

“Tito Wayne, tito Ryne.” Masaya nitong aniya sa bagong dating. “Hey! Buddy.” Agad na ginulo ni Ryne ang buhok ni Slyvan bago sila tumuloy sa sala.

“Hey! Bro.” Nakangiti namang sinalubong ng mag-asawang Sefh at Yasmin ang dalawang binata.

“Tito si tito Lexx po meron bagong girlfriend.” Seryosong sumbong ni Sylvan sa dalawa. “I know buddy.” Sagot naman dito ni Wayne sabay kindat niya sa pamangkin.

“Maganda po ba siya tito?” Inosenti nitong tanong na nagpailing kay Wayne. “Yes! She is beautiful inside and out.” Sagot nito.

“Sylvan, sige na makipaglaro ka muna sa kapatid mo. May pag-uusapan pa ang mga tito mo at ang daddy mo.” Utos ni Yasmin kay Sylvan. Agad naman itong tumalima at patakbong pinuntahan niya ang kapatid na mag-isang naglalaro.

“Tutulongan ko lang silang maghanda ng lunch sa kusina.” Paalam ni Yasmin sa asawa na agad tumango.

“So, anong mayron at mukhang ang seryoso natin?” Tanong ni Sefh. “Oh! Don’t look at me. Dahil wala akong alam.” Ani Ryne sabay taas niya ng dalawang kamay.

“Magkapatid si Eliza at Clear.” Anitong kinaupo ni Ryne ng tuwid. Si Sefh naman ay nakakunot ang noo nito.

“Sabi ko na nga ba e. Malaking gulo ang pinasok ni Lexx.” Iiling-iling na ani Ryne. “Big trouble.” Dagdag pa nito.

“Pero hindi kayo makapaniwala sa nalaman ng agent na nag-imbistiga kay Clear. Hindi lang si Lexx ang boyfriend niya. Bago pa man niya maging boyfriend si Lexx ay may present boyfriend na siya. At alam ng boyfriend niyang boyfriend din ni Clear si Lexx.” Anito kina Sefh at Ryne.

“What the hell. Ibig sabihin ba ay ginagago lang ni Clear si Lexx?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ryne. “Something like that. At hindi maaring magkamali ang agent na nag-imbistiga. Dahil alam niyo kung paano magtrabaho ang mga agent ni Murillo.” Ani Wayne.

“Tang i*a. Bakit ginagago ni Clear si Lexx? Alam niyo hindi ako makapaniwala. At sa mga narinig ko rin na kwento mo bro about Eliza’s life. Sh*t! Gusto kung bitayin ng patiwarik si Clear.” Ani Ryne sa dalawa at halata ang namuong galit dito.

“Yan ang inaalam pa ng agent. Dahil mukhang may malalim na dahilan kung bakit nakipagrelasyon si Clear kay Lexx. Clear hiding something. Marami siyang bagay na hindi sinasabi. Gaya na lang ng kapatid niya. Never niyang binanggit ang tungkol kay Eliza. At ayun sa nakalap ng agent na information ay mahigpit na katunggali ni Lexx sa pagkadoktor dito sa Pilipinas ang boyfriend ni Clear.” Dahil sa sinabi ni Wayne ay nasapo ni Sefh ang noo.

“Ibig sabihin ay mayroong malalim na pakay si Clear.” Ani Sefh. “Tama ka bro, pero once na malaman ko ang reason nila ay pinapangko kung mabubulok sila sa kulungan. Wag lang sila magkamaling kantihin si Lexx o Eliza dahil hindi nila magugustuhan sa tanan nilang buhay ang hinagupit ng dugong Guerrero.” Anito sabay igting ng mga ngipin ni Wayne.

“Bro, kailangan ma-met ng pamilya si Eliza. Kailangan din nilang malaman ang nalaman niyo ngayon. Dahil kailangan nating protektahan si Lexx at I know may malaki ang pagkagusto niya kay Eliza. Higit pa kay Clear. Hindi nga niya nadala si Clear sa rest house natin sa Tagaytay pero si Eluza ayun dinala niya doon.” Ang galit ni Wayne ay biglang nawala ng maisip niyang masayang magkasama doon si Lexx at Eliza. Nakausap kasi niya ang mga ito at halata sa boses nila ang kasiyahan habang magkasama ang mga ito doon.

“Well, Eliza is beautiful. Kahit napakasimple lang  niya.” Nakangiti naring kumento ni Ryne. “Mabuti na lang at hindi naipakilala ni Lexx si Clear sa buo nating angkan.” Ani Ryne sa dalawa.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now