Chapter 10

21.9K 615 21
                                    

KINABUKASAN ay nagising si Eliza agad niyang naramdamang masakit ang mga hita niya lalo na ang parteng kaselanan niya ay medyo mahapdi. Dahil hindi lang isang beses na dinala siya ni Lexx sa langit na sila lang ang nakakarating. Maya't maya agad ding sumungaw ang munting ngiti sa kanyang mga labi ng makita niya ang natutulog na Lexx habang nakayakap ito sa kanya. Tila takot itong mawala siya sa tabi nito sa higpit ng pagkakayakap niya kay Eliza.

Maingat na hinaplos ni Eliza ang mukha ng binatang natutulog. "Kung sakaling mananaig at magiging matimbang sa puso mo ang girlfriend mo ay masaya akong babaonin ang kunting sandaling magkasama tayo. Ang mga bagay na sayo ko lang naranasan ay hinding-hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Ikaw ang magandang experience na dumaan sa buhay ko." Anito sa isip habang hinahawi niya ang buhok ni Lexx.

"B-baby." Naramdaman naman ni Lexx ang ginagawa ni Eliza sa buhok niya kaya nagising ito. "Hey! Nagising ba kita?" Malambing niyang tanong dito.

"No, baby," sagot nito. "But ang aga mong nagising?" Tanong din nito kay Eliza sabay halik niya sa balikat ng dalaga.

"Sanay na kasi akong magising ng maaga." Sagot lang nito. "Ummm....nagugutom ka ba?" Muling tanong ni Lexx kay Eliza. "Hindi pa naman ako nagugutom. Pero gusto kung pumunta sa banyo para maligo, kaso medyo masakit ang mga hita at balakang ko." Nakangiwi nitong sagot sa binata.

Maingat namang bumangon si Lexx mula sa pagkakahiga niya at bumaba sa kama. Wala itong pakialam kahit hubot hubad siyang naglakad pagawi sa gawing kinahihigaan ni Eliza. "Come here baby." Anito sabay lahad niya ng kamay. "Anong gagawin mo?" Takang tanong sa kanya ni Eliza.

"Bubuhatin kita baby." Nakangiti nitong aniya. Kaya agad naman bumangon si Eliza sabay napangiwi siya ng maramdaman niya ang hapdi. "Ganito ba talaga ang pakiramdam ng you know." Saad nito kay Lexx na binuhat siya kaya ipinulupot niya ang dalawang kamay sa batok ng binata.

"Yes! Baby," sagot nitong kinalaglag ng balikat ni Eliza. "Pero, kapag nawala na yang kirot na nararamdaman mo e hindi muna mararamdaman ulit ang ganiyan." Dagdag nitong may kapilyohan.

"At mukhang may balak kang umulit." Nakapuot nitong aniya kay Lexx sabay tampal nito ng mahina sa balikat ng binata na natawa lang. "Why not baby, kahit araw-arawin pa natin. Basta ikaw ba e hindi ako mapapagud." Anito sabay kindat niya kay Eliza na maingat niyang ibinaba sa tapat ng shower.

"Maghunusdili ka Mister. Dahil baka mawasak ang matris ko nun kung araw-arawin mo ako." Nagdudumilat nitong aniya. "Hindi mangyayari iyon baby. Dahil isa akong doktor kaya alam kong hindi masisira ang matris mo."Anito sabay halik niya sa batok ni Eliza.

"Kaya naman pala ang tulis niyang sandata mo e kasi daig pa ang injection kung makaturok." Saad dito ni Eliza na kinatawa ni Lexx. "Silly." Naisatinig ni Lexx na binuksan ang shower. Sabay silang naligo ng binata at walang ginawa si Eliza sa loob ng banyo kundi tumayo lamang. Paano ba naman e si Lexx na nagpaligo sa kanya.

"Lexx, ano ka ba. Okay na ako." Nakapuot ditong ani Eliza. Matapus kasi nilang maligo ay ang binata rin ang nagpunas kay Eliza upang matuyo ang basa niyang katawan hanggang sa pagbihis nito ay si Lexx ang gumawa. "Just let me do this for you baby." Sagot lang nito.

"Fine." Pagsuko nito. "Can I asked you something if it's okay?" Maya ay anito kay Lexx.

"Sure, ano yun?"

"Uhm! Yung girlfriend mo. Ikaw rin ba ang una sa kanya. I mean you know?" Kagat labi nitong tanong. Bahagya namang dinampian ni Lexx ng halik sa labi si Eliza bago nito sinagot ang tanong niya. "No, may nauna sa akin." Sagot nito.

"I see. Uhm! Anong kakainin natin? Hindi ako marunong magluto." Kagat labi nitong tanong kay Lexx ng buhatin siya nito. "I'm here para magluluto ng breakfast natin." Ani Lexx sabay kindat niya kay Eliza.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now