Chapter 16

20.1K 616 13
                                    

DAHIL sa narinig ni Clear sa Guerrero Hospital ay hindi siya matahimik ng bagay na iyon. Kaya kinabukasan ay inabangan niya si Lexx sa pagpasok nito sa opisina.

“Good morning Doc.” Bati ng secretary ni Lexx sa kanya. “Morning.” Nakangiti niyang ganti dito.

“Doc, nasa opisina niyo po si ma’am Clear.” Imporma nito kay Lexx. “Okay! Thanks.” Agad siyang pumasok sa opisina niyang kinaupo ni Clear ng tuwid.

“Honey.” Tawag sa kanya ni Clear sabay lapit nito sa kanya. Pero agad na umiwas dito si Lexx. “Great.” Ani Clear ng umiwas sa kanya ang binata.

“I knew it. Iniiwasan mo nga ako dahil may bago ka nang babae. Sino ang ipinalit mo sa akin. Mas magaling ba sa akin sa kama. Sino siya Lexx?” Nanggagalaiting tanong ni Clear sa kanya.

“Yes! I have a new girlfriend. Mahal na mahal ko siya. Minahal ko siya hindi dahil sa kama kundi dahil sa malinis niyang kalooban.” Sagot nito kay Clear. “Oh! Nakalimutan kung itanong ito sayo. Bakit hindi ba enough para sayo si Mike sa kama kaya sumasideline ka sa akin o dahil meron kang secret agenda?” Tanong sa kanya ni Lexx na kinapatda ni Clear.

“I know everything Clear. Every details about you is I know. So, please stop pretending Clear because I know already your secret agenda.” Saad niya sa natahimik na si Clear. “You don’t know about Guerrero. Hindi mo alam kung ano ang kaya namin gawin. Kaya nagkamali ka ng taong ginagago Clear.” Anito sabay tayo at lumapit sa natahimik na si Clear.

“Nagulat ka ba. At alam mo ngayon ko lang napansin na malaki nga ang kaibihan niyo ng twin sister mo. Dahil siya walang sungay e ikaw meron nakatagong dalawang sungay sa ulo mo. Magaling ka nga pala maglihim. Kaya mo ngang ipagkanulo ang sarili mong kapatid dahil sa pagiging makasarili mo, ibang tao pa kaya. Thanks God at nalaman agad namin ang totoo mong kulay.” Mapang uyam ditong ani Lexx. Dahil sa kabiglaan ay tila napipilan si Clear sa pinagsasabi sa kanya ni Lexx.

“A-ano bang pinagsasabi mo. Wala akong alam dyan?” Pilit itong tumayo ng tuwid. Ngunit tinawanan lang ito ni Lexx. “Very bad Clear. Very bad. Like what I said. Stop pretending dahil alam na namin ang buo mong pagkatao. Kaya hanggat maaga ay magbago kana bago ka mahuli ni Wayne at ipasok sa rehas na bakal. Hindi ka sasantuhin ng pinsan ko kahit babae ka.” Naiiling ditong ani Lexx.

“Pag-isipan mo ng mabuti ang sinabi ko sayo Clear bago mo pagsisihan ang lahat.” Anito bago niya tinalikuran si Clear. Kaya naiwan sa loob ng opisina ni Lexx ang  napipilang si Clear.

SAMANTALA dahil walang magawa si Eliza ay binuksan nito ang Instagram account niya gamit ang laptop ni Lexx. Pagkabukas niya ng Instagram account niya ay agad niyang nakita na meron siyang message. Kaya agad niya itong tiningnan.

“Hoy! Wafa nasaan ka? Nandito ako ngayon sa Pilipinas. Pwede ba tayong magkita kung nandito ka.” Basa nito sa message ng kaibigan niya sa kanya na kinangiti ni Eliza.

“Wafa, sure. Saan tayo magkikita?” reply niya dito.

Hindi rin naman nagtagal ay nagreply ang kaibigan niya. “Alam mo ba yung V Mall?” Tanong sa kanya nito.

“Yeah! Alam ko yun.” Sagot nito.

“Sige doon na lang tayo magkikita. What time ka pwede?” Anang kachat niya. “Anytime you want?” reply nito.

“Hmmp. How about now kung okay lang?” Anang kaibigan ni Eliza. “Sige. Magpapaalam lang ako.” Sagot nito bago niya itinabi ang laptop ni Lexx.

Agad kinuha ni Eliza ang bag niya at lumabas siya ng silid nila ni Lexx. “Manang, kapag hinanap po ako ni Mommy ay pakisabi pong nakipagkita ako sa kaibigan ko sa V Mall.” Anito sa mayordoma sa pamamahay ng mga Guerrero.

I Won't Give Up(Completed)Where stories live. Discover now