Chapter 7

21.7K 629 16
                                    

HABANG kakwentuhan ni Eliza ang ina ni Wayne ay hindi niya namalayan ang oras. Magdadapit hapon na pala. Nag-enjoy siyang kausap ang ginang. Ang lahat ng saloobin niya ay sinabi niya iyon lahat sa ina ni Wayne. At base sa narinig ng ginang ay inis ang makikita mo para dito. Naawa siya para kay Eliza. Kaya naman pinangako ng ginang na anytime ay bukas ang pinto ng tahanan nila para kay Eliza.

“Wow! You look more beautiful Princess.” Puna ni Wayne kay Eliza. Kararating lang nito galing trabaho. Matapus kasi nitong maihatid sa bahay nila si Eliza ay iniwan niya ito sa kanyang ina. “Thank you kuya. Damit ito ng mommy mo. Ipinagamit niya sa akin. You know, pag-alis natin sa condo unit ni Lexx ay hindi pa ako naliligo.” Natatawa nitong aniya kay Wayne.

“Maligo ka sa hindi, magsuklay ka sa hindi ay you’re still beautiful.” Saad dito ni Wayne. “Wow! Thanks kuya.” Nakangiti nitong aniya sa kausap.

Makalipas ang ilang minuto habang magkausap si Wayne at Eliza ay tumunog naman ang cell phone ni Wayne. Ng makita niya ang tumatawag ay agad naman niya itong sinagot.

“Hey! Bro.” Bungad dito ni Wayne. “Bro, nasaan si Eliza?” Tanong sa kanya ng kausap.

“Nandito sa bahay. Why?” Sagot dito ni Wayne. “Hey! Beautiful.” Boses na rinig naman ni Lexx habang kausap niya si Wayne.

“Hi.” Alam ni Lexx na boses iyon ni Eliza. “I’m Ryne.” Pakilala ni Ryne kay Eliza.

“Hazel Eliza. But you can call me Eliza.” Pakilala ni Eliza kay Ryne.

“May boyfriend ka na ba?” Muli ay tanong dito ni Ryne. “NBSB.” Matapat nitong sagot.

“No way. Nagbibiro ka lang diba. Sa ganda mong iyan e imposebleng wala kang naging boyfriend.” Saad sa kanya ni Ryne. “Yun ang totoo. Wala akong naging boyfriend since nagkaisip ako.” Sagot nito.

“Wow! Pero kung may manliligaw ba sayo ngayon ay pagbibigyan mo ba?” Curious nitong tanong. “Eliza say, no, please.” Ani Lexx. At hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Wayne na kinangiti niya.

“Ryne, tigilan mo sa kakatanong si Eliza. I’ll kick your ass. At isa pa bakit ka nandito?” Pasupladong ani Wayne kay Ryne.

“Ang sungit nito.” Nakasimangot ditong ani Ryne. “At alam mo na kung bakit ako nandito.” Dagdag pa nitong kinailing ni Wayne.

Ganun talaga ito. Kapag wanted ito sa mommy niya o di kaya sa daddy niya ay sa bahay nila Wayne siya tumatakbo at siya ang ginugulo nito. Magkapatid kasi ang mommy nila sa ina at ang daddy naman nila ay magkapatid syempring buo. Kaya sila malapit sa isa’t isa.

“Uh! Ano ang sagot mo sa tanong ko Eliza?” Untag niya sa dalaga. “I don’t know?” Hindi siguradong sagot niya dito.

“Hello! Bro, pakisabi kay Eliza na susunduin ko siya dyan. Paalis na ako sa trabaho ngayon.” Ani Lexx kay Wayne na natatawa ng lihim sa pinsan niya.

“Nandyan ka pa pala bro, i’ll tell her. Pero baka hindi siya pauwiin ngayon ni Mommy. You know my mother.” Ani Wayne kay Lexx. “It’s fine. I’ll sleep there too.” Sagot nitong kinangiti ni Wayne.

“Sinabi mo e.” Naisatinig na lang ni Wayne na kunwari ay pagsuko nito. Hindi namalayan ni Wayne na nawala na pala si Lexx sa linya. Pinatayan siya nito ng tawagan na kinailing ni Wayne. May naaamoy talaga siya sa pinsan niya at kung ano yun ay nakikinita niyang malaking trouble ang dala nito. At hundred one percent ay kay Eliza si Wayne pupusta. Matalo man siya o hindi ay isusugal niya si Eliza. Dahil ito ang gusto niya para sa pinsan.

Hindi alam ni Lexx kung bakit tila gusto niyang ipagdamot sa iba si Eliza. Lalo pa at kilala niya ang pinsan nilang si Ryne na isa ring playboy. Kaya alam na niya kung paano ito magpakawala ng matatamis niyang salita. Ika nga nila karamihan sa mga lalaking hindi seryoso sa mga nakarelasyon nila ay magaling ang mga ito ng mabubulaklak na salita . Kaya ayaw niyang mabiktima si  Eliza. Gusto niyang ngingiti si Eliza ay just for him. Gusto niyang siya lang ang Superman nito at wala ng iba.

I Won't Give Up(Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt